Chapter 18: Adrian [Part 2]
Adrian's point of view:
"Magkapit-bahay lang tayo."
Napanganga ako sa sinabi ni Justin. What a coincidence! Hindi ko kasi alam na dito pala kami lilipat. Actually, ito pa lang ang unang tapak ko sa subdivision na 'to. Nung April pa talaga nag-umpisa sina Mama at Papa na maglipat ng mga gamit dito. Ayaw naman nila kaming papuntahin dito. Surprise daw. Tsk.
"Talaga?"
"Hindi." -___-
Grabe talaga 'to. Wala pa ring pinagbago. Oo, ganyan na talaga siya kahit nung mga bata pa lang kami. Napaka-moody. Magkababata kami ni Justin. Magkaklase pa nga kami nun Kindergarten e. Lumipat lang kami dito sa Pampanga nung nagkaroon ng 'di pagkakaunawaan sina Papa at ang kapatid niya. Kilala ko pa rin siya dahil nakatago pa rin ang class picture namin dati, saka siya yung nakakalaro ko dati. Nagulat ako nung nakita ko siya sa Science quiz bee dati. Malaki na rin ang pagbabago niya. Pero nakasalamin pa rin siya hanggang ngayon.
"Tara na. 'Di ba, may pupuntahan ka pa?" sabi ko sa kanya. Tinext ko na kasi yung katulong namin na abangan ako sa labas.
"Mukhang sa inyo yung bahay malapit sa kanto ng fourth street. May nag-aayos ng gamit dun nung napadaan ako kanina e."
"Siguro nga."
Naglakad na kami pauwi. Tama nga siya. Yun nga ang bahay namin. Mukhang maganda ang bago naming bahay. Two-storey ito, at tama lang ang laki para sa amin. Kung sabagay, ako na lang ang kasama nina Mama at Papa dito, dahil may asawa na ang dalawang nakatatandang kapatid ko. Agad akong nagpunta sa kwarto at nagpalit ng damit. Tapos, nag-open ako ng FB. Nakakatamad kasi e.
Pagkabukas, puro si Justin ang pinag-uusapan ng mga kaklase kong babae (base sa comments nila). Grabe, parang artista talaga siya. Since kaklase naman na namin siya, hinanap ko ang account niya at in-add siya. After a sec, may nag-pop up sa notif ko. In-accept na niya ang FR ko. Agad ko naman siyang chinat.
Adrian: Yo! Justin.:D
Walang sumagot. Baka pinuntahan na niya ang balak niyang puntahan kanina pa. Okay lang naman, mamaya siguro sasagot din siya.
***
Bago matulog ay nagpasya ulit akong mag-FB. Pampaantok lang. As expected, sinagot naman niya ang chat ko.
Justin: Anong number mo? Tatawagan kita.
Mukhang kakachat pa lang niya, kaya sinagot ko na.
Adrian: 09156789012. Bakit?
Justin: Basta, sagutin mo na lang.
Dahil nga masunuring bata ako, hinintay ko ang tawag niya. After a minute ay tumunog na ang phone ko.
BINABASA MO ANG
Someday It's Going to Make Sense
Adventure[NOTE: THIS IS NOT A ROMANCE -slash- BOYXBOY STORY] [COMPLETE] Tunghayan ang panibagong karanasang magpapabago sa boring na buhay ni Justin Rodriguez.:) - BOOK COVER BY: Ms. CG Threena (TY po.:D)