Chapter 38: Sweet 16 [Part 1]

348 13 0
                                    

Chapter 38: Sweet 16 [Part 1]

Justin's point of view:

Tapos na ang New Year at nagtapos iyon ng  masaya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkakilala sina Mama at Papa at ang mga magulang ni Michael. Masayang-masaya rin ang loko dahil umuwi ang Ate Micah niya. Pinakilala niya ako rito pati na rin sa asawa nitong American. Nakakatuwa lang dahil talagang may regalo rin sila para sa amin ni Kuya. Sa akin, a laptop habang kay Kuya naman ay mga libro. Ayaw ko ngang tanggapin no'ng una kasi nga parang sobra naman yun, pero pinilit talaga nila iyon kaya sa huli ay tinanggap ko na rin. At least, hindi ko na hihintayin na ibigay ni Kuya ang laptop na ibibigay niya. Hehe!

Ngayon nga'y unang araw na ng pasukan para sa taong ito. Isa pa, na-e-excite rin ako dahil sa Sabado na ang birthday ni Clay. Sweet 16, ika nga ni Kuya Clarence. Ako kasi ang escort niya e, at masaya ako roon. Okay na rin ang regalo ko para sa kanya. Actually, si Michael ang nag-suggest niyon at nagustuhan ko naman.

"Hanggang ngayon, tamad ka pa rin. Mapapagalitan ka na naman ni Mama niyan." Napapitlag ako nang magsalita si Kuya.

Kung may hindi man ako nasama sa New Year's Resolution, ito ay ang pagkilos ng maaga. Lol. Sorry naman. Masyado lang kasing ecstatic ang nakaraang celebration namin e. Idagdag pa ang upcoming birthday ni Clay.

Kumilos na rin ako at naligo na. Nang makapag-ayos na ay naupo na rin ako sa mesa kasama nina Papa at Kuya na parehong papasok na sa kanya-kanya nilang trabaho.

"Susunduin kita mamaya, Justin. Samahan mo ako sa meeting ko mamayang hapon," ani Papa habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.

"Sure po," sagot ko na lang.

Nang makarating sa school ay nasalubong ko si Trixie na mukhang may iniiwasan.

"Huy!" bulyaw ko.

Nabigla naman siya sa presensya ko.

"D-Dong!"

"Mukhang may iniiwasan ka ah?"

"Ay, oo! Yung manyakis mong kaklase. Sino nga kasi yun? Adrian?" Napapakamot pa siya ng ulo habang sinasabi iyon. Ang cute!

Pero teka? Manyakis? Si Adrian?

"Hala? Bakit ba? Ano'ng nangyari ba?" buong pagtataka kong tanong.

"Pumapasok siya sa CR ng girls! Gosh! That perv!" Natatwa na lang ako sa hitsura niya. Grabe talaga ang disgust na nararamdaman niya para kay Adrian.

"Naku, pagpasensyahan mo na. Sige, kakausapin ko na lang siya mamaya 'pag nagkita kami," paniniguro ko.

Tumango naman siya saka nagpaalam na. Ako naman ay dumiretso na sa Computer Lab namin. Sakto naman at nasalubong ko si Adrian. Mukhang banas na banas ang hitsura. Napansin ko rin na naka-white Tshirt lang siya.

"O, bakit nakabusangot ka riyan?" painosente kong tanong sa kanya. Alam ko naman kung bakit ganyan ang mukha niya.

Sinamaan ba naman ako ng tingin ng damuho?! "Bwisit yung kaklase mong babae! Trixie ba pangalan nun? Grabe, akala naman niya, sinisilipan ko siya? Pakshet talaga o!"

Hindi ko alam kung tatawa na ba ako o hindi sa hitsura niya. Grabe naman kasi kung makapag-react. Parang nabasa lang naman siya. No more, no less.

"Hayaan mo na lang. Babae yun e. Siyempre, magpi-freak out talaga yun. Teka, ito o.." Sabay abot ng damit na dala-dala ko. "Buti na lang at may extra shirt ako sa bag. Pero sige, hiramin mo muna. Samahan na lang kita sa Home Economics Room mamaya para makisampay tayo ng uniform mo."

Tumango naman siya at sabay na kaming pumasok sa loob. Nagulat pa nga si Sir Panlilio sa ayos ni Adrian. Ako na rin ang nag-explain para wala ng gulo. Mabuti na lamang at wala naman kaming ginawa masyado roon. Hinayaan lang kami ni Sir na mag-FB dahil kahit siya ay may hangover pa sa bakasyon. Nang matapos ay sinamahan ko na siya sa Home Economics Room. Buti na lang at alam ko pa ang sched ni Jolina, kaklase ko dati, na kumukuha ng gano'ng TLE. Nang maiayos na ay dumiretso na kami sa Home Room namin. Sakto pa at nasalubong namin sina Gabrielle at Clay na mukhang galing sa canteen.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon