A/N: Parang timeline po ang chapters na 'to, dahil may mga dates. Yun lang.:)
***
Chapter 11: Christmas bonding
Michael's point of view:
December 21, 2007.
Yes! First day ng bakasyon na! Meaning, more time para mag-enjoy. Isa pa, apat na araw na lang, magpapasko na. Uuwi kasi sina Mama at Papa para makapagcelebrate ng pasko. Nakakamiss na kasi sila eh.
Naputol lang ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto na kwarto ko. Agad ko naman itong binuksan.
"Michael, anak, nasa telepono ang Mama mo," sabi niya.
Natuwa naman ako kaya napatakbo agad ako sa living room.
"Hello, Mama?" Naexcite ako bigla.
"Hello, Michael. Naku, kamusta ka na, anak?" masaya niyang sagot.
Nangiti naman ako. "Okay lang po. Nga pala, kailan po kayo uuwi dito?"
Narinig kong nag-sigh si Mama. "Sorry, anak. Hindi kami makakauwi ng Papa mo sa pasko."
"But why?" Medyo nalungkot ako sa sinabi niya. Inexpect ko na kasi e.
"Something came up. One thing's for sure, papaluwasin ka namin dito sa Cebu sa New Year. Oh, need to go." Then binaba na niya.
Nasapo ko na lang ang noo ko sa narinig. Hay, malayo 'to sa ine-expect ko na christmas celebration. Medyo nakakalungkot lang kasi hindi ko makakasama sina Mama at Papa. Hindi ko na nagawa pang maglunch. Nagkulong na lang ako sa kwarto ko at natulog na lang.
Alas-dos na ata nang maalimpungatan ako. May kumakatok pala. Si Yaya Maria siguro at magyayaya nang kumain. Tumayo naman na ako para pagbuksan ang pinto.
"Huy." Si Justin pala.
"Bro," tipid kong sagot. Naupo naman ako sa upuan sa may study table ko.
"Alam ko na kung bakit ka naggaganyan. Sinabi sa akin ni Yaya Maria na hindi makakauwi ang parents mo this christmas." Naupo naman siya sa kama ko. Kinuha niya ang Twilight book sa table malapit dito at binuklat.
Napa-sigh na lang ako. Nalulungkot talaga ako sa balita kanina.
"Tsk. Bro, intindihin mo na lang ang mga magulang mo. Malay mo, may emergency talagang nangyari. Isa pa, may good news ako sayo," masaya niyang sabi.
Nagtataka man ay pinilit ko pa ring itanong kung bakit.
"Bukas, uuwi ulit kami sa Pangasinan. Dun kami magcecelebrate ng pasko, kasama ang parents ng Mama ko. Sabi ni Mama, isama raw kita kung gusto mo. E since malungkot ang pasko mo, isasama kita, sa ayaw at sa gusto mo." Tumayo siya saka nilapitan ako.
"E-Eh kasi--"
"Pinagpaalam na kita kay Yaya Maria. Pumayag naman siya, pati na rin parents mo. Provided, mag-ingat ka lang daw. Kaya mag-impake ka na, dun ka sa amin matutulog. Maaga raw tayo, sabi ni Papa. Oh, baba muna ako. Tulungan ko lang si Yaya Maria."
Lumabas na siya matapos niyon, marahil ay para bigyan ako ng privacy. Medyo nawala naman ang lungkot ko dahil dun. Natuwa ako kasi ininvite talaga nila ako na sumama sa kanila na magbakasyon.
***
Justin's point of view:
"Yaya, mauna na po kami," nakangiti kong paalam kay Yaya Maria.
"Yaya, mag-ingat po kayo. Tatawagan ko po kayo kapag nandun na kami. Advance merry christmas po," sabi naman ni Michael. Niyakap niya si Yaya.
Oo nga pala, papunta na kami sa bahay namin. Nakapag-impake na rin si Michael. Ilang damit at shorts lang ang dala niya. May ilang books siyang dala, para raw kapag nabored siya ay may mapaglibangan siya. Ugh! Paano siya mabobored dun e maraming pwedeng paglibangan dun?
BINABASA MO ANG
Someday It's Going to Make Sense
Adventure[NOTE: THIS IS NOT A ROMANCE -slash- BOYXBOY STORY] [COMPLETE] Tunghayan ang panibagong karanasang magpapabago sa boring na buhay ni Justin Rodriguez.:) - BOOK COVER BY: Ms. CG Threena (TY po.:D)