Chapter 25: Carl Mendez

578 39 4
                                    

A/N: Sa chapter po na 'to malalaman ang totoong dahilan kung bakit sinuntok ni Adrian si Justin.:)

 

READ | VOTE | COMMENT

 

***

 

Chapter 25: Carl Mendez

 

Adrian's point of view:

Masaya ang naging sembreak namin. Bakit? Unang-una, nakarating na rin ako sa lugar nina Justin. Alam kong taga-Pangasinan din sila. Paano, eh magkumare ang mga nanay namin e.

Hindi, biro lang. Masaya sa kanila. Talagang welcome ka sa lolo at lola niya.

Pangalawa, umuwi ang mga pinsan ko sa amin, kaya mas sumaya pa ang bakasyon. Sayang nga at umuwi rin kami agad. Actually, nauna kaming umuwi kina Justin. May aasikasuhin pa raw kasi na trabaho si Papa e. Hay, sayang naman.

Nandito nga pala ako sa kwarto ko at ninanamnam pa ang paghiga. Linggo ngayon at bukas ay pasukan na naman. Ngayong araw din ang uwi nina Justin.

Habang nakapikit, narinig ko ang phone ko na nag-ring. May nagtext. GM lang naman siguro yun, kaya hindi ko muna binuksan. Maya-maya, naging sunud-sunod na ang ring ng phone ko. Putspa, istorbo naman 'yan!

Dahil sa banas ay binuksan ko na. Kabanas.

From: Bryan

DOTA tayo mamaya? Alas tres ng hapon sa computer shop nina Clark.

Pota, si Bryan lang pala!

Binasa ko pa ang ibang mga text messages.

From: Bryan

Apat pa lang ang nagconfirm. Dalian niyo para malaman na ni Clark kung ipapasara muna niya ang computer shop nila.

 

From: Bryan

Pota! Magreply kayo!

 

From: Bryan

Oy Adrian! Ikaw na lang at si Justin ang di nagcoconfirm!!!!

 

From: Bryan

OY ANUBA!!!

Pota, iistorbohin niya ako para lang dito?! Aaargh.

No choice, bumaba ako para lang makitext sa Papa ko. Siya lang naman ang mayaman sa load dito e.

"O? Buti naman at naisipan mo nang bumaba kang bata ka. Kung 'di mo po naitatanong, alas-nuebe na!" pambungad ni Mama sa akin. Grabe.

"Eh, inaantok pa po ako." Dumiretso na ako sa living room para kausapin si Papa. Panigurado, nagbabasa na naman iyon ng diyaryo -- na siyang daily routine niya.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon