Chapter 45: Another Revelation

389 11 0
                                    

Chapter 45: Another Revelation

Adrian’s point of view:

So, iyon pala ang dahilan ng pagbabago ng mood ni Justin? Sa kauna-unahang pagkakataon, narinig ko ang pagiging cold sa tono ng pananalita niya kanina. Ganoon siya nasaktan sa mga nalaman. Well, hindi ko siya masisisi. Noon ngang siniraan siya sa akin ni Carl, ganoon din ang naramdaman ko e. Pakiramdam ko, trinaydor ako ng tinuturing kong best friend.

Pero, iba kasi itong sitwasyon nila e. Yung tipong malalaman na lang namin bigla na iiwan na pala kami ni Michael? Kahit papaano naman ay tinuring ko na siya bilang matalik na kaibigan, kaya medyo masakit din sa part ko.

“A-Adrian..” Agad akong napatingin sa kanya noon. Doon, nakikita ko ang pagtulo ng mga luha sa mata niya. Hindi ko tuloy alam kung sino’ng kakampihan ko sa kanila.

Pinili kong huwag magsalita. Ayaw kong magsalita, kung maaari. Baka ako naman ngayon ang hindi makapagpigil at masuntok ko itong si Michael—gayong hindi naman dapat.

“S-Sorry—“ Nang marinig ko ang salitang iyon, awtomatiko na lang na nasuntok ko siya—dahilan para mapaupo siya sa sahig. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak noong mga oras na iyon, ngunit pinili kong huwag iyong intindihin.

“Man up, Michael! Ano’to? Natatakot ka na sabihin sa amin?” Naibulaslas ko na lang. “Hindi ko dapat ito ginawa, pero wala akong choice. Kailangan mong malaman na yung tinuturing kang best friend ay ginago mo. Alam mo ba yun, ha?”

Hindi siya sumagot. Instead, patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha sa mata niya. Nasasaktan siya, oo, pero mas nasasaktan kami na kaibigan niya sa kanya. Lalo na si Justin, na halos kapatid na ang turing sa kanya.

“Tumayo ka riyan at aalis na tayo.” Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at nauna na akong lumabas.

***

Justin’s point of view:

Matapos makapag-impake ng lahat ay umalis na rin kami. Sa harap ako pumuwesto sa kadahilanang galit ako kay Michael. Galit ako sa paglilihim na ginawa niya sa akin. Ang sakit para sa akin kasi, para ko na siyang kapatid. Nagawa niyang ilihim ang bagay na 'yon sa akin. Parang napakababaw ng tiwala niya sa akin.

“Justin, sure ka bang diyan ka uupo?” tanong sa akin ni Clay. So far, hindi naman nila nahahalata ang nangyari kanina sa aming tatlo nina Adrian, although napansin nila ang pasa sa mukha ni Michael—na gawa ni Adrian. Fvck, bakit pa nakikialam si Adrian dito?

“Dito muna ako, Clay. Sorry ah?” nasabi ko na lang. Ayaw ko siyang ma-offend or what kaya pinilit kong kumalma.

“Okay,” sagot naman niya na nakangiti.

Buong biyahe ay naiisip ko ang mga nangyari, lalo na ang napipintong pag-alis ni Michael. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit niya inilihim 'yon? May kailangan pa ba akong malaman tungkol sa kanya? Minsan talaga napaka-unfair ng buhay, ‘no? Sa sobrang unfair, ikaw na ang nawawalan nang hindi mo napapansin. Parang ako, ako ang laging nawawalan. Nung una si Stephen. Ngayon si Michael naman.

Kilala ko na ba talaga ang isang John Michael Perez? Iyan ang isa pang bumabagabag sa akin sa buong biyahe. Hindi ko maiwasang hindi magtanong dahil akala ko, alam ko na ang lahat. Iyon pala, may mga bagay pa pala akong dapat malaman sa kanya. Sh1t lang, ang gay ko, pero ito talaga ang nararamdaman ko e.

T*ng-inang sitwasyon naman 'to?! Nadi-disappoint ako sa mga nangyayari!

***

Hindi na ako nagpaalam sa kanila nang makarating kami sa Pampanga. Agad na rin akong umuwi para makapagpahinga. Pero, parang nagkamali ako. Sinundan pala ako ni Michael. Ang nakakabanas pa ay dito sa eksaktong lugar kung saan nagsimula ang unang conversation namin—noong napagkamalan ko siyang gangster o member ng fraternity. Dapat pala, sumabay na ako kay Adrian, kahit paano e.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon