Epilogue

1.5K 18 17
                                    

Paki-play n lang po 'yung song sa background. Paulit-ulit, mas maganda. Salamat po.:)
- Shino

***

Epilogue: Third person's point of view

"Justin, magkita tayo bukas. Sige na please?"

Iyan ang kanina pa ay bukambibig nina Joel at Trixie kay Justin.

Paano ba naman? Kanina pang umaga narito sa bahay nila ang dalawang ito at kinukulit siya na sumama sa kanila sa pamamasyal. Kesyo raw na bagot na bagot na ang dalawang ito sa kani-kanilang mga tahanan at naghahanap ng mapaglilibangan, at kung anu-ano pang mga rason na hindi niya maintindihan. Mas prefer pa kasi niyang mahiga lamang buong maghapon dito sa kwarto niya. Naaalala pa kasi niya ang mga nalaman, ilang araw na ang nakalipas. Para kasi sa kanya, hindi iyon madaling kalimutan—lalo't ang taong involved dito ay itinuring na niya bilang kapatid.

"Nakakatamad maglakwatsa ngayon lalo na at ganito kainit ang panahon," walang kagana-gana niyang sagot sa dalawa. Still, hindi man lang natinag sa pagkakahiga. Bastos na kung bastos, kaysa naman magkunwari siyang interesado, gayong hindi naman talaga.

Patuloy pa rin ang dalawa sa pangungulit sa kanya. Animo'y, para itong mga sirang plaka na paulit-ulit sa pangungulit sa kanya. Ang resulta: talagang rinding rindi na rin siya sa pamimilit ng dalawang ito sa kanya.

"Ihh! Dong naman, eh. Iiwan mo kami ganun?" tila nagtatampong sumbat ni Joel, ayon sa tono ng panalita nito. Ito pa naman ang walang humpay sa pamimilit sa kanya. Nagtataka rin siya kung bakit siya ang kinukulit nito, at hindi ang boyfriend na si Jake.

"Hindi ka ba hinahanap ni Jake? Mamaya, magselos iyon sa akin," nakatalukbong niyang tanong sa kaibigan. Kahit paano naman, ayaw niyang masobrahan ang rudeness na pinapakita niya sa mga ito.

"Hayaan mo muna iyon, dong. Ang mahalaga ay sumama ka na. Kaurat ka naman kasi eh. Minsan na nga lang tayo mag-bonding, umaayaw ka pa.

Gusto sana niyang sabihin sa mga ito ang problema niya—nila ni Michael. Baka sakaling tantanan na siya. But then again, pinigilan na lamang niya. Para kasing wala pa ring ka-ide-ideya ang mga ito sa mga nangyari noong bakasyon nila sa Subic.

"Okay, sasama na ako. Basta sandali lang tayo. Ang init ng panahon e," pagsuko niya sa dalawa.

Natuwa naman ang dalawa sa narinig at pinagtutulak siya nito.

"Aray! Aray! Tch—pumayag na ako, 'di ba? Huwag niyo na akong itulak!" saway niya sa mga ito.

"Ihh! Salamat, dong!" masayang sabi sa kanya ni Trixie.

"Teka nga! Bakit hindi pa kayo umaalis dito? I mean, hindi ba kayo hinahanap ng mga magulang niyo?" usisa niya sa dalawa.

Sabagay, nakakapagtaka naman talaga dahil mula pa alas nuebe ng umaga ay nandito na sa bahay nila ang dalawa. Ngayon ay alas tres y media na ng hapon.

"Actually, paalis na rin kami dong. May pupuntahan pa kami eh," ani Trixie habang inaayos ang kanyang damit na medyo nagusot dala na rin ng kanilang kulitan kanina.

"Yeah dong, gogorabels na nga kami. Sama ka?" ani Joel. Nakatayo na ito habang nakatingin sa salamin—nagpapaka-vain na naman.

"Tara, ihahatid ko na kayo sa gate at baka maligaw pa kayo," pabiro namang sabi ni Justin. Medyo nakahinga naman siya nang maluwag, dahil finally, magiging payapa na ulit ang mundo niya.

Matapos maihatid ang dalawa ay dumiretso ulit siya sa kwarto upang ayusin ito. Magulo ito at makalat dala nga ng pagpunta at kulitan ng dalawa niyang kaibigan. Napapailing na lamang siya habang pinagmamasdan ang buong paligid ng kwarto niya. Siya kasi iyong tipo ng tao na ayaw sa makalat na lugar—especialy, kwarto niya, although hindi naman siya iyong masyadong organized sa mga gamit. Inuna niyang pinagtuunan ng pansin ang pagtutupi ng mga kumot at pag-aayos ng mga unan na nagkalat sa kama at sa sahig. Sunod ay ang pagwawalis ng mga kalat na nasa sahig at sa kama niya.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon