Chapter 33: Sorry, and Congrats [Part 2]

351 17 0
                                    

Chapter 33: Sorry, and Congrats [Part 2]

Justin's point of view:

"..Sorry sa aking nagawang kasalanan,

Sa aking mga mali, kung mayroon man;

Sana'y pahalagahan, aking kaibigan,

Ilang buwan nating pinagsamahan.."

Just now.

12,204 Likes * 9,786 Comments * More..

(A/N: Para sa kumpletong laman ng tula, puntahan niyo 'yung Et Cetera. Ang title ay Patawad, Aking Kaibigan)

Aaminin ko, natamaan ako sa tulang iyon. Saktong-sakto kasi sa nangyayari e. Mali ito. Hindi rin nakatulong ang pagba-browse ko, kaya nagpasya na lang akong tumingin sa kisame. Nagbabakasakaling makuha ko na ang antok ko -- o kaya naman makakuha ng sagot sa dapat kong gawin. Naisipan ko ring mag-soundtrip para naman mas makapag-isip ako nang maayos.

[Fireflies - Owl City]

You would not believe your eyes

If ten million fireflies

Lit up the world as I fell asleep

Cause they'd fill the open air

And leave teardrops everywhere

You think me rude

But I would just stand and stare

I'd like to make myself believe

That planet Earth turns slowly

It's hard to say that I'd rather stay awake when I'm asleep

Cause everything is never as it seems

Hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako. Buti na lang, sa gallery part lang ng phone ko pinatugtog yung kanta kaya 'di tuloy-tuloy ang sound.

***

Kinabukasan, nagising na lang ako na wala na si Michael. Marahil ay nasa baba na. Pinili ko munang humiga dahil na rin masakit pa ang mga kasu-kasuhan ko. Ikaw kaya ang magtatakbo? Tignan lang natin kung 'di ka datnan ng pagod. K, enough of that. Bumangon na rin ako maya-maya pa. Isa pa, naiihi na talaga ako. Ugh.

Matapos makapag-ayos ay bumaba na ako. Sakto naman at nag-aayos na ng hapag sina Mama at Papa. Ugh, ang sweet ata nila? Paano, naglalandian ang magulang namin. Tsk, hindi ata nila alintana na inoobserbahan sila ni Jocelyn. Tumabi naman ako sa pwesto ni Michael na kasalukuyang buhat-buhat ang bunso namin.

"Good morning, bro. Kamusta pakiramdam?" usisa niya sa akin.

"Medyo masakit ang katawan." Hinaplos ko pa ang bandang balikat ko. Dito kasi yung masakit e.

Tumango naman siya. "Bago tayo pumunta sa mall, magpamasahe ulit tayo?"

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon