Chapter 26: Loner

589 37 5
                                    

Chapter 26: Loner

 

Justin's point of view:

Pinapasok na rin ako nina Mama kinabukasan. Hindi naman malala ang natamo kong bugbog. Sadyang napagod lang ang katawan ko nung sembreak kaya agad akong nanghina. Kahit na medyo masakit pa rin ang panga ko (dala ng pagkakasuntok ni Adrian), ininda ko na lamang ito. Hindi na lang ako siguro magsasalita mamaya para hindi na lumala pa ang sakit.

Pababa pa lang ako nang magsalita si Kuya na kasalukuyang nagsusuot ng sapatos sa baba.

"Hintayin mo ako. Ihahatid na kita sa school mo bago ako dumiretso paluwas sa Manila."

Tumango na lang ako kahit ayaw ko sa ideyang iyon. Ano ako? Bata? Hindi, biro lang. Alam ko namang iniisip lang nila ang kaligtasan ko.

"Kumain ka na. Ipinahatid na kita sa kuya mo para makausap din niya ang guidance ninyo sa nangyari kahapon," ani Mama. Kasalukuyan siyang naghahain ng almusal.

Again, tango lang ang sagot ko. Huwag lang sanang malaman na si Adrian talaga ang may gawa nito sa akin. Alam ko namang may dahilan kung bakit niya nagawa yun.

Matapos kumain at makapagpahinga ng konti ay sumakay na kami sa kotse. Nagbilin lang si Mama ng ilang bagay kay kuya. Hay, sila na ang concern.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante nang makarating kami sa school.

"Oh my gosh! Sayang naman ang fez ni Justin!"

"Walangya talaga ang gumawa niyan sa kanya. Tsk. Tsk."

At marami pang mga bulung-bulungan ang maririnig sa gilid. Hindi ko na lang ito inintindi at pinili na lamang na iyuko ang ulo.

Hinatid muna ako ni Kuya sa homeroom ko. Siya na lang daw kasing mag-isa ang pupunta sa guidance. Agad naman siyang nakita ni Clay.

"Hello, Kuya Julius!" masaya naman niyang bati kay Kuya.

"Hi, Clay. Ikaw na muna bahala sa utol ko na 'to ah?" natatawa namang sabi ni Kuya. Langya talaga.

Iniwan na kami ni Kuya para makausap na ang guidance. Inalalayan naman ako ni Clay papasok sa room. Buti na lang at siya pa lang ang tao rito.

"Kamusta ka na? May masakit pa ba sayo?" tanong niya sa akin.

Tipid na ngiti lang ang sinagot ko sa kanya.

"Kailan ka pa naging tahimik? Ha? Lumipas lang ang bakasyon, tumahimik ka na," natatawa pa niyang sabi. Hay, hindi ko talaga matiis ang magandang nilalang na ito. Haha!

"Wala naman akong sasabihin e," tipid kong sagot.

Umiling-iling siya. "Huwag ka nang mahiya. Alam kong may bumabagabag sayo."

Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa kanya. Mas matagal niyang naging kaklase si Adrian. Meaning, mas papaburan niya yun. Ayaw ko na ng gulo.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon