Chapter 16: Say Something

831 43 9
                                    

Chapter 16: Say Something

Stephen's point of view:

Alalang-alala talaga ako kay Trix that time. D@mn, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag napahamak pa siya. Ganun talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao. Parang mechanism na sayo na mag-alala, every time na malalagay ang taong iyon sa peligro.

Nagdecide ang barkada na umuwi na lamang. Hindi ko alam kung pabor ba 'to sa akin o hindi. Pabor, dahil mas magkakaroon kami ng time ni Trix para makapag-usap nang masinsinan; hindi dahil nandun nga ang barkada.

D@mn, ang gulo ng sitwasyon!

"Huy, why so tulaley?" Si Joel.

Nandito ako sa balkonahe ng terrace. Tama lang ang hangin dito. In fact, ang presko ng simoy ng hangin, unlike sa Pampanga na may bahid ng usok.

"A-Ah.. w-wala," nauutal kong sagot sa kanya.

Tinapik niya ako sa balikat. "Kahit ayaw mong i-share, okay lang. Nandito lang kami. Maaayos din 'yan."

Napatingin ako sa kanya. Bakit nga ba napakabait nito sa akin? Sinaktan ko ang best friend niya, pero nilalapitan pa rin niya ako at chini-cheer up.

"Kung gutom ka na, pumasok ka lang," dugtong pa niya.

Bago pa siya tuluyang makapasok sa loob ay nagsalita ako.

"Joel." Napalingon siya. "Salamat."

***

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang lapitan ako ni Michael.

"Huwag kang maingay. Just listen." Halos pabulong lang siya kung magsalita.

Bakit kaya?

Sinunod ko naman siya at nakinig sa usapan sa phone niya.

[Kwarto nina Trixie at Cindy]

"Kamusta na, teh?" - Joel.

"Okay naman." - Trixie.

"Nagpasalamat ka ba sa savior mo?" - Joel.

Mukhang nakatunog na ako sa gustong mangyari ni Joel. Ayaw ko sana ng ganito, pero may bahagi sa utak ko na gustong malaman ang usapan nilang magkaibigan.

Bahagyang natahimik si Trixie. Akala ko nga, naputol ang linya e.

"Ba't 'di ka makapagsalita, teh? Hay nako, buti na lang at niligtas ka ni Stephen. Kung---"

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon