Chapter 10: Surprise

1.1K 62 5
                                    

Chapter 10: Surprise

Justin's point of view:

Medyo masama pa rin ang pakiramdam ko pagkagising. Pero unlike kahapon, mas okay na ako. In fact, naligo na ako kanina. Kinontra pa nga ako ni Mama e, pero wala na siyang nagawa. Gaya rin ng promise ko kay Stephen, pinahiram ko siya ng uniform, slacks, boxer at medyds. Plano ko rin kasing makisleep over sa kanila. Yes, siya ang nagsabi sa akin nun. Okay lang naman, since nakitulog naman siya rito.

"Naku ka talagang bata ka! Ayaw mong makinig. 'Pag ikaw, nagkasakit na naman ah?" bulyaw sa akin ni Mama.

"Ma, okay na ako. Isa pa, hindi naman ako nagtagal sa banyo," sagot ko sa kanya. Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast ni Stephen, habang pinapatulog naman ni Mama si Baby Julie.

Buti, hindi nagigising si Baby sa sigaw ni Mama? Hehe, biro lang.

Matapos kumain ay umalis na rin kami ni Stephen. Parang bumabalik na naman ang lagnat ko sht. Hindi ko na lang pinahalata sa kasama ko. Nasa jeep na rin kasi kami e. Nakakahiya naman kung sasabihin ko pa. Hihingi na lang ako siguro ng gamot sa clinic mamaya.

Mas lumala pa ang headache ko nang makarating kami sa school. Ayaw ko namang ipahalata sa mga kaklase ko. I mean, ayaw ko na silang maabala pa. Umakto na lang akong normal.

"Justin, bawal matulog sa klase ko.." Ang narinig kong sabi ni Ma'am. Mukhang hindi na kinaya ng utak ko na iabsorb yun, hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay.

***

Nagising ako sa ingay na naririnig ko sa paligid. Hindi ko pa rin mamulat ang mata ko. Parang pakiramdam ko, nanghihina talaga ako. Masakit din ang kasu-kasuhan ko, dahilan para hindi ako makakilos nang maayos. Ugh, ano bang nangyari sa akin? Nasaan ako?

Maya-maya ay nakatulog na naman ako..

*

After 2 hours..

Naramdaman ko na lang na may kumakalabit sa akin, kaya agad akong napamulat ng mata. Mukha ni Papa ang bumungad sa akin.

"Justin, gising." Patuloy pa rin siya sa pagkalabit.

"Hmm.. b-bakit po?"

"Tatanungin ka ng nurse."

Napatingin naman ako sa paligid. Mukhang nasa ospital ako ngayon. Tinanong naman ako ng nurse kung ano ang nararamdaman ko ngayon. So far, okay na rin ang pakiramdam ko. Medyo nakakagalaw na ako nang maayos.

Matapos niyon ay si Papa naman ang kumausap sa akin.

"Ang tigas talaga ng ulo mo, anak. Pinagsabihan ka na pala ng Mama mo na huwag ka munang maliligo e. Naku, manang-mana ka talaga sa akin. Tsk." Nakapamewang pa siya nung mga oras na yun - meaning, good mood siya. Kapag good mood siya, madalas siyang magbiro.

"Sorry po," paghingi ko ng tawad. Kahit paano naman ay nahiya ako sa inasal ko.

Umiling na lang siya. "Buti na lang at masaya ako ngayon. Naku, kung hindi, nalintikan ka na sa akin."

"Hulaan ko, nanalo kayo sa kaso, 'no?"

Huwag kayong magtaka. Para na rin kaming buddy ni Papa. Halos lahat ata, namana ko sa kanya e.

Tumango naman siya. Mabuti naman. Maganda kasi ang kaso na hinawakan niya e. Tungkol sa mga manggagawa na nagrereklamo sa kumpanyang pinapasukan nila. Ang isa pang ikinahanga ko sa kanya, hindi na siya nagpabayad pa nang malaki. Nakakatuwa lang, kasi marami na siyang natulungan.

"Iiwan muna kita rito. May kukunin lang akong papeles sa kakilala ko. Papunta na rito ang Kuya Julius mo."

Tumango na lang ako saka natulog ulit. Nakakainis kasi 'tong lagnat na 'to e.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon