Chapter 35: His Side

368 15 0
                                    

Chapter 35: His Side

Adrian's point of view:

Nagulat ako nang kami ni Justin ang gawing partner at representative ng section namin para sa Extra Challenge. Kahit siya ay nagulat. Mababakas sa mukha niya na parang ayaw niya. Sus, ang arte naman! Pasalamat siya at medyo pinapahalagahan ko pa ang pagkakaibigan namin. Nang matapos ay kinausap ako ni Bryan.

"Oy, paano na 'yan? Partner mo si Justin?" T@nginang Bryan 'to. Talagang pinapaalala pa.

"Hayaan mo. Parang yun lang naman," kaswal kong sagot. Bahala na talaga 'yang contest na 'yan.

Bigla naman akong binatukan ng g@go. "T@nga-t@nga ka talaga. Malamang, chance mo na yun para makapag-usap kayo."

"Kanino ka ba talaga kakampi? Ha?" Halos lahat na lang, gusto si Justin. Nakakainis.

"Wala akong kinakampihan sa inyo, Adrian. Gusto ko lang sabihin na napapasobra na 'yang pride sa puso mo. Hay nako, mauna na ako." Tumalikod na ito at naglakad palabas sa room.

In-ignore ko na lang yun at nag-ayos na ng gamit. Nagugutom na rin kasi ako.

Wala namang nangyaring maganda ngayong araw. Mas pinipili ko na lang manahimik para iwas-tanong na rin. Oo, ayaw ko na ring pag-usapan ang mga bagay na yun. Mas lalo lang akong nakakaramdam ng sama ng loob kay Justin. Pinagkatiwalaan ko kasi siya, tapos ano? Ganun lang yun? Malalaman ko na lang na lahat ng pinag-uusapan namin ay pinagkakalat niya. Nakakaloko lang kasi.

Kinabukasan, maaga akong pumasok. Pupuntahan ko kasi yung dati kong teacher. Manghihiram ako ng mga review materials para sa Extra Challenge. Nang matapos ay dumiretso na ako sa room. Sakto at naabutan ko si Clay.

"Good morning, Adrian. Teka, hindi ka pumasok sa TLE niyo?" tanong niya.

"Same to you. Ah, wala yung teacher namin. May inasikasong meeting," ani ko. Naupo na rin ko sa tabi niya. Magkatabi kasi kami sa first subject.

Tumango naman siya. "Kamusta na pala kayo ni Justin?"

Nanlaki ang mata ko roon. "Kadiri ka, Clay! Hindi kami talo!"

Ang gay lang kasi ng tanong niya. Ugh.

"Loko! Advance kang mag-isip. Ang ibig kong sabihin, nagkaayos na ba kayo?" Natatawa na lang ako sa kanya.

"Huwag mo nang tanungin ang obvious, Clay," nasagot ko na lang.

Maya-maya lang ay isa-isa nang nagsisidatingan ang mga kaklase namin. Nagtaka naman ang katabi ko dahil wala pa si Justin. Ito ang unang pagkakataon na nahuli siya sa klase. Ugh, kung anu-ano ang pinag-iisip ko.

Kakatapos lang ng morning prayer namin nang biglang bumukas ang pinto.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon