Chapter 27: Searching

597 35 4
                                    

Chapter 27: Searching

 

Justin's point of view:

Medyo magaling na ang mga pasa ko sa mukha. Buti na lang, maliit na pasa lang ang naiwan sa mukha ko. Madali na raw itong matanggal, sabi ni Clay. Syempre, naniniwala naman ako sa kanya. Supervisor kasi sa Calayan Medical Group si Mama (Mama niya). Haha! Mama insisted that. Boto raw kasi siya sa akin e.

"Justin! Dalian mo!" narinig kong sigaw ni Mama sa baba. Akala niya ata, nasa kabilang ibayo ako ng daigdig.

Imbes na sumigaw din pasagot, dinalian ko na lang ang pagkilos para makababa na.

Hinatid muna ako ni Papa sa school bago sa lumuwas sa Maynila. Okay lang naman sa akin yun. At least, hindi na mababawasan ang baon ko. Haha! Sayang kaya ang siyete pesos!

"O, huwag ka munang makikipag-away ha?" bilin sa akin ni Papa. Nasa tapat na kami ng school.

"Hindi naman ako ang nakikipag-away, Pa," depensa ko naman.

Nagpaalam na ako saka bumaba na sa kotse. Sakto naman at nakita ko si Adrian na papasok na. Nagkatinginan pa kami saglit. Halatang galit pa rin siya sa akin. Ako na ang nag-iwas ng tingin. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit niya ako sinapak. Ugh.

"Mukhang malalim ang iniisip ha?" Nagulat ako sa nagsalita. Ugh, si Kevin lang pala.

"Adik ka talaga, Kevin," mahina kong sagot.

Tumawa lang siya at hinila na ako papasok sa school. Anyone? Hindi niyo ba napansin na tagahila lang ang role niya rito? LOL. Hindi, biro lang.

Tumabi muna ako sa iba naming kaklase nung TLE time namin. Alangan namang tumabi ako kay Adrian? E galit nga sa akin yung tao? Ugh.

"Patabi ako," sabi ko kay Nigel. Isa rin siya sa madalas kong makausap dito, kaya mas kumportable akong tumabi sa kanila ni Dianne.

Hindi naman na siya nagtanong at umusog nang kaunti para makaupo ako.

Wala naman kaming ginawa sa loob ng isang oras. Hinayaan lang kami ni Sir Panlilio na mag-facebook o anupaman. Kinuha ko na ang pagkakataon para makapag-open. Mula kasi nung umuwi kami sa Pangasinan, 'di na ako nakapag-facebook. Okay lang naman yun. Wala naman akong gagawin dun e.

Katulad ng inaasahan, flooded ang notification ko. Pagkabukas, napamura ako. Paano..

Feym'Starr BeinteQuatroh mentioned you in a comment.

 

Makatang Jologz invited you to play *insert app here*

 

Hahaha H. Hehehe tagged you in a photo.

 

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon