"SEVASTIAN MAXWELL VELASCO! COME BACK HERE RIGHT NOW!" Rinig kong sigaw ni Tasha habang ako ay nandito lang nakaupo at pinapanood sila.
Nagpipigil naman akong tumawa nang makita kong kinakabahang bumaba ng hagdan ang panganay naming anak.
"Mom... It wasn't my fault." Sinamaan ako ng tingin ng anak namin pero dinilaan ko lang siya at nagkunwareng may ginagawa sa phone.
"Then whose fault is it?" Agad akong napaayos ng upo dahil sa galit na tono ng asawa ko.
Fuck shit... I'm dead.
"It's mama... Sabi niya po sakin na it's alright na kainin po yung nasa tupperware. Mas madami pa nga po siyang kinain." Kinakabahan akong ngumiti sa asawa ko at nag peace sign.
"Ikaw... Pasimuno ka rin talaga. Dadalhin natin yun mamaya sa outing." Mariin niya akong kinurot sa tagiliran kaya napa-impit ako ng sigaw.
"ARAY! Sorry na po, asawa ko." Maluha luha kong hinawakan yung tagiliran ko bago ko siya niyakap.
Lumingon naman ako sa anak namin at napabusangot na lang nang makita ko na nagpipigil siya ng tawa saka dinilaan ako.
ABA! TALAGA NAMAN!
"Childish!" Pang-aasar ng anak namin at biglang tumakbo nang akmang tatayo ako para lapitan siya.
Gumaganyan na siya sakin, parang hindi niya ako ina.
"Go get our children. Aalis na tayo maya-maya." Napalingon naman ako kay Tasha bago tumayo at hinalikan siya sa noo.
"I'll help you once I put them inside the car." Tumango naman siya at binigyan ako nang mabilis na halik bago ulit ayusin ang mga gamit na dadalhin namin mamaya.
Nginitian ko naman siya bago umakyat at pumunta sa kwarto ni Sevastian, ang panganay naming anak, Sevastian Maxwell Velasco.
"Kuya, check yourself na if you're satisfied with your looks. Ilalagay ko na kayo ni Aerin sa kotse para matulungan ko mommy niyo mag-ayos ng gamit natin after." Nakangiti ko siyang pinapanood habang tinitingnan niya ang sarili niya sa salamin.
Ghad our baby boy is now all grown up...
"Do I look handsome mama?" Tanong niya sakin saka nagpose kaya hindi ko mapigilan matawa nang kaunti dahil ang cute niya tingnan.
"Always baby, kahit ang lakas mo rin akong asarin." Sinamaan ko siya saglit ng tingin bago ngumiti nang malaki.
"I love you mama hehehe" Napailing na lang ako bago halikan siya sa noo.
"Sige na, once you're done, grab your things and wait for your little sister."
"Yes po." Ginulo ko naman ang buhok niya na ikinabusangot niya kaya naman natawa na ako.
Bago pa man kami mag-asaran pa ay lumabas na ako sa kwarto ni Sevastian at pumunta sa bunso naming anak.
"Hey baby! Are you ready for the outing later?" Nakangiti kong tanong nang mapansin ko na nakaayos na rin siya at tinitingnan ang sarili sa salamin. Our baby girl, Seraphine Aerin Velasco.
Para talaga silang pinagbiyak na bato ng kuya niya. Magkamukhang magkamukha sila, parang girl and boy version ng isa't isa
"Yes po, mama!" Humarap siya sa akin saka binigyan ako ng matamis na ngiti kaya hindi ko napigilan na pisilin ang pisngi niya.
YOU ARE READING
Because Of You
Romance"She's one of my weaknesses but she's also the one that hurts me the most." "I lived because of her..." DATE STARTED: December 21, 2022 DATE FINISHED:
