Chapter 19

12 0 0
                                    

Andru's POV

Haaay..... Ang aga ko gumising.... Ano ba gagawin ngayon?

Tiningnan ko ang phone ko kung may reminders ba. At kung may gagawin ba ngayong araw na to.

Wala naman. Kaya igagala ko na lang si Yulhi. Pero ngayon. Magjojogging muna ako. Tulog pa yung babaeng yun panigurado. Tulog mantika yun eh.

Nagbihis ako ng panjogging ko. Mamaya na lang siguro ako maliligo pag-uwi ko.

Dumaan muna ako sa kusina para kumuha ng tubig. Pero papunta pa lang ng kusina. May naamoy na ako.

Bakit parang ang bango nung niluluto ni Nana Tonya? O si Mommy yun? Teka, nakauwi na ba sila?

"Nana Ton-" Nagulat ako pagpasok ko hindi si Nana Tonya ang nagluluto.

"Yulhi?" Oo si Yulhi ang nagluluto. Marunong na pala siyang magluto?

"Oh, Andru. Gising ka na pala. San ka punta?"

"Ah. Jogging sana...................

Bakit ikaw ang nagluluto?" Nagulat lang kasi ako na siya yung nagluluto ng agahan namin.

"Ah. Hindi kasi ako makatulog kapag gabi pag walang gabi. Kaya nag xbox na lang ako kagabi saka nanood ng anime. Saka gusto ko kasi kayong ipaghanda ng agahan, kaya pinagdilig at pinaglinis ko na lang ang mga maids at sila Nana Tonya ng bahay-este mansion. Ayaw mo?" Gustong gusto ko. Kasi ikaw ang naghanda. At feeling ko asawa kita pag ganyan!

"Hindi naman. Nagulat lang ako ang aga mong gumising, eh tulog mantika ka." Sabi ko with smirk.

"Ah ganon? Sige, wala kang agahan." Sabi naman niya habang nagluluto ng pancake at hotdog. Pero magkaiba ng kawali ha.

"Anong pipiliin mo? Hahalikan kita o may agahan ako?" Pang-asar ko.

"Both." Lalapit na sana ako para halikan siya.

"Hep!!! Joke lang!!! Sayo nga pinakamarami dito eh!!! Asus! Di ka mabiro Bro!!!" Sabay bawi niya.

"Ah ganon? Nang-aasar ka na ngayon?" Dinilaan lang niya ako.

"Ah ganon?!" Mas nilakasan ko pa yung banta ko. Nilagay na niya sa mga plato yung niluluto niya at humarap sakin.

"Oo! Bakit may angal ka?!" Paglalakas din ng boses niya.

"Oo." Sabi ko sabay kiliti sakanya.

Dahilan para mapatili siya.

"Kyaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!! Andru!!! Ahahaha!!! Kyaaaaaaaahhh!!! Ahahaha!!! Tama na!!!" Sa totoo lang nasa lapag na kaming dalawa.

Kinikiliti ko pa rin siya kaya tili pa rin siya ng tili. Habang ako tawa lang ng tawa. Nakahiga na nga siya eh. Buti na lang nakajogging pants siya ngayon. Hahaha!

"Waaaaah!!! Andru!!!! Kyaaah!!! Tama na kasi!!!" Alma niya. Tumigil naman ako habang tunatawa pa rin. Habang siya nakashield sa bewang niya na kanina ko pa kinikiliti.

"Tama na. Huhu T_T."

"Ano mang-aasar ka pa?" Tanong ko habang nakangiti.

"Hindi naman maiiwa- Waaaah!!! Andru!!! Ayoko na!!! Kyaaaaaaahh!!!" Tumigil ako.

"Ano?" Tanong ko ulit

"Slight- Waaaaaaaahh!!! Oo na hindi na!!! Kyaaaaaaahh!!! Andru!!! ::>_

"Hahahahahaha! Laftrip ka!"

"Leshe ka eh. Tara nga tulungan mo nga ko dito." Nakhiga pa kasi kami kanina. Siya lang pala. Nakapatong lang ako. Not totally or literary na nakapatong. Sa tabi lang or kaharap. Basta!

My Adopted Love (On Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon