Chapter 7

25 1 0
                                    

Yulhi's POV

"Huy Yulhi!"

"Hmm?"

"Huy! Tayo na!" Biglang may humatak sa paa ko.

Bwisit to! Kanina pa to eh! At alam ko na kung sino to! Si kuya Jay! Simula bata pa kami ganyan na yan manggising. At effective!

Minulat ko yung mata ko.

"Kuya naman eh! Umaga na kung matulog ako sa ampunan! Kaya pabayaan mo na ako matulog!" Sabi ko sabay pikit ulet.

"Eh baliw ka pala eh! Tayo na diyan!" Sabay hatak ulit sa paa ko.

"Eh sa takot ako sa dilim eh!"

"Aish! Tumayo ka na diyan! Dali! Andiyan yung crush mo!" Napatayo naman ako sa sinabi niya.

"Sino?! Si Miguel Tan Felix sa Niño?!"

"Hindi." Humiga ulit ako sa kama.

"Hindi pala eh!"

"Si JL!" Napabalikwas ulit ako.

"Si JL?! Yung first love ko?!"

"Oo" hinatak ko si kuya pababa.

-------------------------------------------------------

Pagdating sa baba...

Walang Tan Felix.

Walang JL.

Kundi si Andru.

Hello?! Magkaiba po kaya yung pronounciation ng John Leonard sa Andru James!

Aakyat na sana ulit ako sa kwarto para matulog ulit...

"Kuya? Siya ba yung sinasabi mo? Ang cute niya!" Biglang may cute na batang nagsalita sa tabi ni Andru.

"Yup." Sabi niya. At lumapit sakin.

"Hi po." Sabi nung bata.

"Hello. Ang cute mo naman." Sabi ko sabay kurot sa pisngi nung bata.

"Si Naomi nga pala." Sabi naman ni Andru habang hawak sa kamay si Naomi.

"Ang cute mo talaga. Kumain na ba kayo?" Tanong ko kay Naomi.

Umiling siya. "Can I call you Mommy?" Napangiti naman ako sakanya. Siguro hindi siya masyadong napapansin o kulang siya sa alaga ng nanay.

"Oo ba! Tara kain tayo sabay ka na sakin." Sabi ko sa kanila.

"Ikaw na muna." Sabi naman ni Andru.

"Hay nako! Andru! Sumabay na kayo kay Yulhi kumain. Tapos na rin naman kami kumain." Sabi ni mama. Tita ko siya pero dahil tinuring ko na silang pamilya, mama at papa na ang tawag ko sakanila.

Umupo kami sa lamesa at kumain.

"Nga pala Yulhi. Aalis kami ha." Sabi ni papa sakin.

"Ah! Opo! Yun po ba yung sasama sana ako sa Bicol? Hindi na po ba ako sasama?"

"Oo. Eh andiyan na naman si Andru. Saka ka na lang namin igagala dun. Sa susunod na bakasyon na lang. Isang buwan lang naman kami dun." Sabi naman ni mama.

"Okay lang po! Anong oras po ba kayo aalis?"

"Pagkaalis niyo na, para naman maasikaso ka pa namin." Sabi ulit ni mama. Feeling bata lang ako eh!

"Mama! Ok na po ako! Para naman po akong baby niyan eh!"

"Ito naman! Namiss lang namin yung Yulhi Pot namin!" -kuya john-

"T-T kuya john naman eh!" Gawin daw ba akong bata!

"Maligo ka na nga! At ng makalayas ka na dito! Dali na! Papatugtugin ko yung Lego!" Ang sama talaga ng kuya Jay Mark ko na to kahit kelan!

"Hoy Jay Mark! Magtigil ka nga diyan! Sige na Yulhi maligo ka na.... Jay Mark na to! Oo!" Saway ni Kuya Tata nung tumayo ako sa lamesa at umakyat para kumuha ng damit at maligo.

"Ikaw maghuhugas ngayon Jay ha!" Narinig kong sabi ni ate Jenny kay kuya.

"Bakit ako?! Dapat nga si Yulhi eh!" Angal ni kuya.

"Eh sa naliligo at may date yata sila ni Andru eh!" Hala! Mga pinagsasabi ni Ate Jessica!

"Hoy! Yulhi wala munang magbo-boyfriend ha! Naku! Malalagot ka sakin! Mag-aral ka muna!" Sabi ni kuya jay pagdaan ko sa kusina kung nasaan malapit ang banyo.

"Ito naman! Tinuruan niyo yata akong. Maging dalagang filipana." Sabi ko sabay pasok sa banyo.

Naku! Mainit na naman ang ulo ni kuya! If I know ayaw lang niya maghugas! Yan pa! Hahahaha! Naku! Makaligo na nga!

My Adopted Love (On Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon