Chapter 41

2 0 0
                                    

Yulhi's POV

"Angie." Bulong ko. Napatingin naman yung tatlo.

"Kilala mo siya?" Bulong na tanong ni JL saakin.

Marahan akong tumango habang titig na titig pa rin sakanya. I miss her damn much. Parang hindi nga siya yung nasa harap dahil she look a girl with a total class. Diyosa na siya! Totally!

Halatang hinahanap niya ako habang nagpapakilala. At nang makita niya ako ay ngumiti siya ng wagas.

"Ms. Gonzales you can take your sit at the back of your sister." Didnig kong sabi ni Mam.

Sister? Sino? Who the hell is her sister? Kelan pa siya nagkaroon ng kapatid? O baka yung anak yun ng nag-ampon sakanya kaya ganon?

Nakasunod lang ako ng tingin hanggang sa umupo siya sa likod. Sa likod ni Nathaly. Nginitian pa siya nito at mukhang kinamusta.

Napatingin siya agad saakin. At nag lip sync na "mamaya".

"Yul." Napatingin ako kay Rae na katabi ko.

Itinuro niya gamit ang nguso niya si Mam na mukhang kinocaught ang atensiyon ko ng tahimik. Kaya umayos na agad ako ng tingin.

-----

Agad akong lumipat ng upuan sa tabi ni Angie ng matapos ang unang klase namin.

"Bruha ka! Bakit hindi mo sinabing lilipat ka pala dito?" Pambungad ko.

"Paano ko sasabihin? May connections tayo?" Pamimilosopo niya.

"Peace naman sa hindi ko pagbalik." Sabi ko.

"Okay lang. Eh ganyan ba naman kapogi ang-" Pinutol ko na agad ang sasabihin ni Angie.

"Andiyan na si Mam. Bye!" Sabi ko at bumalik na ulit sa upuan ko.

Ibubuking pa ako eh.

Hinatak namin si Angie sa table namin ngayong lunch. Si JL na lang yung pinabili ko ng pagkain namin.

"Ipaliwanag mo muna sakin kung bakit hindi ka nakabalik." Sabi niya.

At kanina pa kami nagkukulitan dito kung sino ang unang magsasalita at magkukwento. Siya kinukulit ako kung bakit hindi ako nakabalik. Ako kinukulit siyang ikwento kung sino ang nakaampon sakanya at paano niya naging kapatid si Aly.

"O sige. Dating gawi." Sabi ko.

"Geh!"-Angie.

"Bato bato pik!" Sabay naming sabi.

Kapag nagtatalo kami sa kung sino ang mauuna. Nagbabato-bato pik kami.

At katulad ng dati....

"Talo na naman ako?! Argh! Bakit ba kasi ang hina ko sa mga ganyan?!" Maktol ko.

"Bleeeh! So now tell me. Bakit hindi ka na bumalik sa ampunan?" Tanong niya.

Yung tatlo napapanganga na lang samin o nakikinig na lang habang kumakain eh. Hindi na lang pala sila tatlo. Lima na sila! Kasama na yung dalawa kong kababata.

"Una, kasi ayaw nilang bumalik na muna ako doon. Pangalawa, naoccupied masyado yung utak ko. Pangatlo, nahihiya din akong magpasama doon kahit kanino o pumunta sa ampunan, baka isipin nila na ayoko sakanila at mas gusto ko pa sa ampunan. Kaya naman sabi ko after sana ng class ko pupunta ako doon. Then boom! Nandito ka na ngayon. Ngayon ikaw naman ang magpaliwanag." Mabilis kong paliwanag.

"Wait may isa pa akong tanong. Last." Sabi niya na tinaasan ko lang ng kilay saying na tuloy lang.

"Anong ginagawa dito ni Megan?" Tanong niya.

My Adopted Love (On Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon