Chapter 13 - Bonding

108 3 2
                                    

Yulhis POV

Nanood na lang ako ng Prime Minister and I. Eh sa wala akong magawa sa kwarto ko at wala akong ibang alam na palabas eh. Wala naman ako sa trip manood ng cartoon network ngayon. Haays. Nakakaboring na din yung palabas.

Pinatay ko na lang yung TV, dahil wala na ring sense kung manonood ako ng ayaw ko. Niyakap ko yung teddy bear na malaki na nasa kama ko. Tinaas ko siya at tiningnan.

"Nakakaboring. Ano bang pwedeng gawin sa mansion na to? Ayaw naman nila akong tumulong. Tulog si Naomi. Wala si Andru. Nakakahiya namang sumingit kina Tita. Nakakaboring naman manood. Ano bang pwedeng gawin?" Baka naman sumagot sakin tong teddy bear na to?! Pag to sumagot tatakbo talaga ako. Baka makita ko pa yung demonyong nagpagalaw kay Annabelle! Anghel ako at naniniwala akong poprotektahan ako ng Diyos. Pero nakakatakot kaya! Beside tao pa lang ako. Madaling matakot, mahina lang ako, madaling matemp, hindi perpekto.

Inikot ko yung paningin ko sa buong kwarto ko. Nakakita ako ng gitara na kulay blue.

"Ayun!" Binitawan ko yung teddy bear. At patakbong kinuha yung gitara.

Siguro alam nilang mahilig ako sa music. Kinuha ko yung gitara at umupo ako sa terrace. May dalawang upuan kasi doon at table. Itinono ko yung gitara.

Matagal na akong hindi nakakakanta at nakakapag-gitara. Dati akong choir samin at doon nahasa yung pagkanta ko. Nag lesson naman ako sa gitara at nag piano lesson. Ngayon hindi ko alam kung marunong pa ako. Dati akong nagpeperform ng piano at guitar. Pero hindi ako kumakanta sa stage.

Tadhana- UP DHARMA DOWN

Sa hindi inaaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
'Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta

Ba't di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip saýo

Saan nga ba patungo,
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo
Ba't 'di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipa-uubaya na lang ba 'to sa hangin
huwag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako at nakikinig saýo
Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...

*flash ng camera!*

Napadilat ako ng biglang may magpicture sakin.

"Nice one! Marunong ka pa lang mag guitar?" Nakita ko si Andru sa kabilang terrace.

Hindi ko yun napansin ha!

"Andru! Anong tingin mo sakin dito?! Model?! Burahin mo nga yan!" Utos ko.

"Ang ganda mo kaya dito!" Sigaw niya.

"Basta! Burahin mo yan!" Utis ko ulit.

"Bleeeh! Habulin mo muna ako!" Sabi niya at tumakbo.

Tumayo naman agad ako at nilagay yung gitara sa kama ko.

Paglabas ko sa kwarto. Nakita ko si Andrung nagtatatakbo pababa.

"Andru!" Sigaw ko at hinabol siya.

Linchak! Mas matangkad siya! Ang bilis niyang tumakbo!

Nakarating kami sa garden sa likod. Mabilis niyang tinaas yung camera.

My Adopted Love (On Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon