Chapter 20- The Surprise

15 0 0
                                    

Yulhi's POV

"Hoy Natsu!! Wag ka ngang mayabang diyan!"

Hmm? Ano yun? Boses yun ni Gray sa Firy Tail ha! Pero pano naman nabuksan yung TV? Eh patay naman ako nung natulog ako?

Napatayo ako sa kama ko at napatingin sa TV na kaharap lang din naman ng kama at sofa ko.

Confirmed! Fairy Tail nga! Pero sino nanonood?!

"Uy. Gising ka na. Kahit kelan talaga napaka tulog mantika mo!" Napatingin ako sa kanan ko.

Kelan pa nakapasok itong Andrung ito sa kwarto ko? At nakaupo na medyo nakahiga pa with nakataas na kamay na nasa likod niya pa! -Gets niyo? Basta! Yun na yun!- Feeling kwarto niya ha!

"Anong ginagawa mo dito?"

"Baka nakakalimutan mo? Ako ang young master dito sa bahay. Young mistress ka. At princess si Naomi. Meaning pwede akong makitulog, makinuod, at pumasok sa kahit kaninong kwarto. Saka diba sinabi ko sayo na tatabihan na kita?" Paliwanag niya. Teka sinabi ko bang magpaliwanag siya? Tanong ko lang kung bakit siya andito. Pwede namang nakikinood.

"Edi ikaw na! Da best ka!" Sabi ko sabay higa at matutulog na ulit. Bahala siya diyan!

"Uy gumising ka na! 12 na. Saka may surprise ako sayo. Malilipasan ka ng gutom!" Sabi niya with yugyog sakin.

"Ano ba kasi yun?" Sabi ko at mas lalong niyakap at tinaklob ang yakap kong unan sa mukha ko.

Kasi naman eh! Inaantok pa ko eh! Chalap chalap ng tulog ko ditey eh! Kayo kaya gisingin ng inaantok pa kayo tapos kulang pa kayo sa tulog! Diba maiinis kayo?! Diba?! Diba?!

Pero yung ibang babae sasabihin. 'Pero kung tulad niyang pogi ang gigising sakin. Hindi ako maiinis!' Pwes ako! Hindi ganyan! Inis naman eh! Patuloy pa rin siya sa pagyugyog!

"Ano ba?" Medyo naiinis at inaantok na tanong ko sakanya. Napaupo na rin ako.

"Basta! Tara!" Sabi niya sabay hatak sakin.

Naman! Bweset naman to oh! Kakagising ko lang tapos manghahatak! Manggulo na siya! Wag lang sa bagong gising! Tapos hindi pa pinatay ang TV sa kwarto ko! Aksayangero!

"Huy! Ano ba?! San mo ba ko dadalhin?! Inaantok pa ko eh! Naman!" Tumigil kami sa bandang sala.

Nilapit niya yung mukha niya. Siguro 2 inches na langa ang pagitan namin. Aatras na sana ako pero hinawakan niya ako sa bewang. Shet naman to!

"Inaantok ka pa?" Medyo husky na ewan niyang tanong. Napailing na lang ako.

Leshe to! Ang ganda ng panggising sakin! Pang-aakit!

"Charms ko lang pala makakapagpagising sayo eh!" Ngisi niya sakin sabay hatak.

"Wag kang mangarap diyan. Sadyang mga katropa bukod sa mga kamag-anak namin ang tanging nag-gaganyan sakin. Hindi ako sanay sa ibang tao..... Lalo na sa mga pogi." Sabi ko. Pero sobrang hina lang sa huli ha. Siguro naman hindi niya yun narinig. Kaya ssshhh lang kayo guys.

"Edi naganyan ka na nila JL, Lowell, at ng tatlong ugok?" Tanong niya.

"Oo?" Takang sagot ko.

"Ang daya. Parang tayo hindi pa nagkiss ha." Shet to! Nakalimutan ko na nga yun eh! Napatigil tuloy ako sa sinabi niya.

"Huy. Bakit? Takot ka ba? Sandali. Buksan ko lang yung ilaw." Sabi niya at binuksan ang ilaw.

Nasa first floor na pala kami ng basemant nila. Kung nasaan yung talagang family bonding place nila. Andito kasi yung swimming pool at yung garden na katabi lang ng pool. Mas maliit to sa front and back garden nila. Kaya iba rin to doon. Andito rin yung discovery room ni Naomi. Saka may two rooms dito. Kay Andru at kina Tita at Tito. Yung kwarto ni Andru dito hindi na lang kay Andru. Samin. Pero still, hindi ko pa rin napapasok. Andito rin daw yung secret at leisure room ng gang nila. Tanging sila Andru lang daw ang pwedeng pumasok doon. Ako din naman daw, pero next time na daw. Meron ding theatre room dito. Tapos yung parang design na maliit na bahay. Dito daw madalas mag-bonding sila Tita kapag hindi sila masyadong busy sa business nila.

My Adopted Love (On Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon