Yulhi's POV
Tinulungan ako ni Andru matanggal yung skating shoes dahil hindi ako marunong. Eh sa ngayon lang ako nagskate eh! Malay ko ba dito noh!
"Kuya pagkatapos nating kumain arcade tayo. Pls." Aya ni Naomi.
"No." Diin na sagot ni Andru.
"And why?!" Ay bongga naman ng anak- anakan ko na to! May pa 'and why?' Pa! Sossy ha!
"Aalis nga ako! Pupunta ako sa school! Maglilinis kami! At ayokong iwan kayo ni Yulhi dito." Madiing sabi ni Andru.
Hurt naman ako! Parang sinabi na niyang hindi ko kayang alagaan si Naomi T_T. Pero okay na rin. Hindi ko din naman kasi kabisado o alam ang pasikot-sikot sa MOA. First time nga diba?!
"I can naman eh! Alam ko din naman yung pasikot sikot dito eh! Saka kasama ko naman si Mommy!" Sabi ni Naomi sabay hawak sa kamay ko.
Hala! Idamay daw ba ako! Pero, wow ha! Buti pa siya alam yung pasikot-sikot sa MOA. Gala tong batang to! Mana sa Kuya!
"No. And you can't make my mind change. Never." Umiling siya.
Tiningnan ko si Naomi at nakita kong inirapan lang niya yung kuya niya.
Hala! Ang maldita din pala nitong batang to!
"Tara na Yuls. San niyo gusto kumain?" Tanong niya sabay hawak sa kamay ko. Echos! Kilig ako!
"Tara na Naomi. San mo faw gusto kumain?" Tanong ko kay Naomi na hawak ko sa kamay.
"Ayoko pong kumain. Gusto ko pa pong mag-arcade." Niyugyug niya yung kamay ko, pero tuloy pa rin kami sa paglalakad. Kumalas muna ako sa hawak kamay sakin ni Andru.
"Eh, baby aalis daw si Kuya mo eh. Next time na lang. Promise." Tinaas ko pa yung isa kong kamay na parang nagpapanatang makabayan ako.
"Okay, fine. I just want to eat in Pizza Hut." Malungkot niyang sabi.
(A.N.: sorry guys ha! Hindi ako sure kung may Pizza Hut ba sa MOA. Hindi pa po talaga ako nakakapunta sa MOA eh! Kaya kunyari nalang may Pizza Hut sa MOA. Kung wala.)
****
Pagdating namin sa Pizza. Syempre umupo kami.
Sumubsob muna ako sa lamesa. At ganito ang arrangement namin.
Andru- Wala
LAMESA
Ako-Naomi
Magkagalit yung magkapatid kaya magkahiwalay eh.
Maya maya dumating yung waitress na kung makangiti wagas.
"Sir, what's your order po?" Tanong nung bwisit na waitress.
Sir lang?! Hello! May maam pa po dito oh! Dalawa pa nga kami eh! Sapukin ko kaya ng magising sa pagpapantasya?
"Pepsi and hawaiian pizza. Kayo, Yulhi?" Nginitian ko yung waitress ng nakakaloko at mukhang nakikipagkompitensiya.
"Uhm. Pepsi saka carbonarra na lang. Ikaw, baby? Anong gusto mo?" Sabay baling ko kay Naomi na nakatingin sa menu.
"Uhm. Pepsi, spaghetti, and salad na lang po Mommy. Daddy yun lang order mo?" Tanong ni Naomi kay Da- este Andru.
"Makiki-share na lang ako sa inyo. Saka parang ikaw yung gagastos eh." Sabi ni Andru.
"Yun lang po ba, sir?" Tumangi kami sa tanong nung waitress at nginitian ko siya ng nakakaloko. Habang siya umalis ng pairap.
"Makangiti si Ate parang wala ng bukas ha. Sarap sapukin." Sarcastic kong sabi habang sinundan ko lang ng tingin yung waitress.
"Ha?" Nagtaka siguro si Naomi dahil sa tono ng pananalita ko.
Pano ba naman si Ate ang landi kanina. Makatingin kay Andru parang nangaakit. Pero parang wala lang naman kay Andru. Nakakainis! Nagtrabaho siya para mabuhay siya! Hindi para manglandi! Ang sarap sapukin diba?! Pero who am I to cares?!
Sabi ko nga dati hanggang ngayon. Na parang motto ko na 'pakeelam ko? Buhay niya yan hindi ko buhay.'
"Selos ka naman." Sabi ni Andru habang nakangisi.
Napaturo ako sa sarili ko. "Ako? Weh? Sino ako para magselos? Eh adopted sister mo lang naman po ako." Sabi ko sabay subsob uli sa lamesa namin.
After 100 years dumating din ang pagkain namin. Matagal kasing i-serve ang pagkain dito kasi niluluto pa.
Nasa parking na kami. Sa likod ako umupo dahil hinatak na ako ni Naomi.
"Bakit andiyan ka sa backseat?" Tanong ni Andru ng makasakay kaming lahat sa sasakyan.
"Para makatulog ng maayos si Naomi. Saka hinatak niya ko eh." Angal ko.
"Tss. Nagpahatak ka naman." Sabi niya.
What the! Yung totoo?! Pinag-aagawan ba ko ng magkapatid na to?!
"Malamang magpapahatak ako! Bata to eh! Alanganin namang unahin pa kita kesa sa bata! Atleast ikaw maiintindihan mo. Eh si Naomi magtatampo pa sakin." Buti na lang talaga tulog na agad si Naomi ngayon. Napagod eh.
"Tss. Sabihin mo nagselos ka lang sa babae kanina. Di hamak kasi na mas maganda siya kesa sayo." Sabi niya at pinaandar ang kotse.
The fudge?! Yung totoo?! 15 years old na ba to o 5?! Napaka-isip bata niya! At the same time. Flirt. Sarap niyang sabunutan! Swear! Eh mas maganda pa nga ako sa babaeng yun eh! Kapag nag-ayos. Or lets say. Kapag sinipag ako.
Nakakatamad kasing mag-ayos! Biruin mo. Papasok ka sa school. Kaylangan maaga kang gigising kasi mag-aayos ka pa. Kakatamad kaya! Yung umagang umaga, tapos kakagising ko lang suklay? Hate it! Nahihilo kasi ako! Tapos yung tipong kung ano-anong kaek-ekan yung ilalagay sa mukha. Ayaw! Pag may event lang at kaylangan talaga at pulbos lang pag hindi tinatamad. Tapos yung bistida. Naiilang ako. Gusto ko ng mga bistida, lalo na yung simple. Pero naiilang ako. Gusto ko ring mag-short, pero hindi yung sobrang ikli. Yung sakto lang. Kasi naman yung iba kung makapag-short kapag umupo may kita na. Sana nag boyleg na lang sila o di kaya panty!
Ayoko talaga mag-ayos! Kakaloka! Mas gusto ko pang magbasa ng libro at wattpad. Bakit nakakatamad? Dami ko pa kasing aayusin sa sarili ko! Lalo na yung buhok kong buhaghag at kulot kulot na akala mo patay na buhok dahil sa kakulutan!
"Huy! Natahimik ka diyan? Narealize mo na bang nagseselos ka nga kasi mas maganda siya?" Asar niya. Nakatingin siya sakin.
Bwisit talaga to. Sabunutan ko kaya to?
"Matagal ko nang tanggap na pangit ako. Pero hindi ako nagseselos kasi mas maganda siya. Nagseselos ako kasi crush kita-"
_____________________________________________
Ayan guys! Ano na kaya mangyayari ngayong nag-confess na si Yulhi?! Gusto na kaya ni Yulhi si Andru? As in totoong feelings? Yay! Sorry kasi maikli lang! Intay intay na lang po. Mianhae! Sorry! (Kung yun nga po talaga ibig sabihin ng mianhae)
Thankee! Pls vote and comment! Happy na po ako dun!
BINABASA MO ANG
My Adopted Love (On Revision)
Teen FictionAndru James S. Dela Cruz, mayaman, matalino, pogi, mabait, mayabang (well depende), at lahat na ng pangarap mo na ideal boyfriend. Ay na love at first sight sa isang babaeng, simple, maykaya, nerd looking, baduy (dahil sa sobrang kasimplehan) at i...