Chapter 39

2 0 0
                                    

Yulhi's POV

Nandidito kami sa dressing room kuno namin. Dito kami nagpapractice at kakatapos lang din namin magpractice ng play ng sa DrAnceMu.

Nang biglang may pumasok. Napatigil kaming lahat.

"Uhm. Hello?" Bungad nung babae.

"Sorry late kami." Sabi naman ng lalaki.

"Julian! Jaycee!" Sabi ko at niyakap sila agad.

"Hoy hoy Rie. Bitaw. Sasabunutan kita." Banta ni Zy at hinatak ako pagitna sakanila ni Rae.

"Aray naman! Trip-" Bago ko pa sila suwayin pinigilan na nila ako.

"Okay na ba yung performance na pinagawa namin?" Masungit na tanong ni Rae.

Nga pala, nakaboy characteristic sila ha. Kaya itong si Jaycee malamang eh, poging pogi na sa dalawa.

"Opo. Nagawa namin." Sagot naman ni Jaycee.

"Very Good! Oh magpractice muna kayong dalawa dun sa DrAnceMu niyo! Tuturuan muna naming ito!" Sabi ni Zy in a back to gay na nagpanganga sa dalawa.

"Oh? Gora na! We're running out of time!" Malakas na sigaw niya with palakpak pa.

Napasunod naman agad yung dalawa dahil doon. Napatawa naman kami ni JL dun.

"Hoy! Wag ninyong pahihirapan yang mga kababata ko ha?!" Sigaw na bilin ko bago lumabas.

Andru's POV

"Andru, ready?" Tanong sakin ni Yuki.

Tango lang ang ibinigay ko sakanya. Nandidito na lahat ng magpeperform sa backstage. Bilang SC President, binabantayan at inaassure ko ang galaw ng bawat isa. Para kung sakaling magkaroon man ng mali ay masalo namin agad.

"Yulhi! Dalian mo na!" Napatingin ako sa gawi ng sumigaw.

Si Dan at Z. Sila ang incharge sa pagiging emcee. Hindi kasama si Yulhi ha. Sa pagkakaalam ko kasi isa siya sa cast ng play na gagawin ng Drama, Dance, at Musical club.

Lumabas naman sa dressing room nila si Yulhi na naka-uniform at-wait. Is she wearing make-up? Napailing ako. Bahala na nga siya. Kasama naman niya si JL at ang mga kababata niya.

"Andiyan na! Excited? Excited?" Angal naman niya.

Natawa naman ako. Sa isip lang.

Nagsimula ng mag-emcee yung dalawa, habang si Yulhi ay nakadungaw lang sa may kurtina. Na nakikigaya din yung mga kababata niya.

"Huy." Napatingin naman ako sa likod ko.

"Wag mong masyadong titigan. Baka matunaw." Sabi ni Ell.

"Manahimik ka nga diyan. O baka gustong mong matulad sa tatlong ugok na yun?" Turo ko sa tatlo na naghaharutan na naman.

"Sorry! Aayain ka lang sana namin sa labas. Doon na tayo manood. Mas maganda ang panonood doon." Sabi niya.

Tumango lang ako at sumunod sakanila.

Maya-maya ay lumabas at nagset na ang Drama, Dance, at Musical club para sa play nila.

Noong nandoon na sa scene na nagpapractice ng sayaw sila. At what the-. Si Yulhi nakahoverboard?! What the fuck?! Well, lahat sila nakahoverboard halos. Pero hindi marunong si Yulhi!

"Shit!" Patakbo na sana ako paakyat ng stage para alalayan siya pero napatigil din ako agad.

Nandoon nga pala si JL para siya na ang gumawa ng dapat kong gawin para protektahan si Yulhi kapag nandito sa school.

My Adopted Love (On Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon