Chapter 35

2 0 0
                                    

Andru's POV

Ano ba naman kasi ang naisip-isip ko at iniwan ko si Yulhi doon? Minsan talaga hindi ako nag-iisip eh!

"Yulhi! Salamat naman sa Diyos at nakauwi ka na! Saan ka ba nagpupunta? Halika na sa kusina! Kumain ka na! Malamang eh gutom ka na." Narinig ko'ng sabi ni Nana Tonya. Napapunta ako sa living room.

"Ate! Saan ka po galing?" Nag-aalalang tanong naman ni Naomi.

"Oo nga naman Yulhi. Nag-aalala na kami dito. Kargo kaya kita. Isa pa alaga kita eh." Sabi naman ni Ate Gina.

"Naku young mistress, hindi ko na po kayo sinundo dahil sabi niyo po. Sorry po." Sabi naman ni Keen.

Lumabas ako sa kusina para makita nila ako. Kaya naman napatingin sila sakin.

Nakatingin lang ako kay Yulhi.

"Sa kwarto ko na lang po ako kakain. At kuya Keen, okay lang po yun. Naomi gusto mo'ng sumama?" Sabi niya.

Yumuko naman sakanya sila Nana Tonya, Gina, at Keen.

"Aish! Wag na po kayong magganyan!" Saway ni Yulhi at tulyan ng umakyat.

"May kinalaman ka sa tagal ng uwi ni Yulhi ano?" Nagulat ako ng biglang nagsalita si Nana Tonya sa gilid ko.

Matandang ito. Kanina nandun lang siya malapit sa hagdan ah.

"Psh." Sagot ko na lang at unakyat na din.

Yulhi's POV

"Anong nangyari ba sayo ate?" Tanong ni Naomi na nangengealam ng mga libro ko.

"Yung feeling pogi mo lang naman na kuya. Iniwan ako sa may park!" Inis na sabi ko.

"What?! Weh?! Adik talaga yung kuya ko na yun. Eh bakit?" Tanong niya.

Oh diba. Kung mag-usap kami parang magkasing edad lang kami.

"Ewan. Nainis yata. Kasi naman papababain niya ako dun tapos papasakayin din! Ang lakas lang ng trip ah! Eh nagpapraktis lang naman kasi kami ng para bukas." Sabi ko.

"Oo nga pala, yung performance bukas." Nag-aalalang sabi niya.

"Ano ba'ng club mo?" Tanong ko.

"Cheerleading and dancing." Simpleng sabi niya.

"Oh! So nakita mo pala kami kanina?!" Masayang sabi ko.

"Yup. But i don't bother you coz i know and it's obvious that you're busy. But kuya JL, saw me." She said-ay este-sabi niya.

Ayan! Nagagaya ako sa pagienglish ng batang ito!

"Ate, i'm sleepy na. Una na ko sa room ko ah." Paalam niya at agad na umalis.

-----

Pababa na ako ng hagdan para sana pumunta sa tambayan ko kaso nakita ko si Ate Gina na may bitbit na pagkain.

"Ate! Ako na po!" Agad na sabi ko at kinuha yung dala niya.

"Teka saan ka pupunta?" Takang tanong niya kasi bumababa na ako ng hagdan.

"Sa tambayan ko po." Simpleng sagot ko at pinagpatuloy ang pagbaba ng hagdan.

Pumasok ako sa room sa ibaba ng hagdan.

Yup. There is. Maliit lang siya. And i like it. Dito ako madalas. Masikip siya pero mas gusto ko yata ito kesa sa kwarto ko. Don't get me wrong. Wala akong reklamo sa kwarto ko. Kumportable lang kasi ako kapag nandito ako. Ewan ko din kung bakit, siguro dahil ganito lang kalaki ang kwarto ko sa bahay dati. O baka din dahil katulad siya ng kwarto ni Harry Potter noong bata pa siya. I'm a fan you know.

Hindi ko din alam kung ano ang purpose nito o kung sino ang may-ari ng kwarto na ito. Sabi naman ni Nana Tonya, wala.

Busy ako sa pagkain ng biglang bumukas ang pinto.

"Ipapalipat ko na ba ang mga gamit mo sa kwarto mo at ito na ang gusto mong kwarto?" Bungad niya.

Napairap na lang ako sa sinabi ni Andru. Yap. Siya lang naman ang bwisit na nanira ng magandang atmosphere sa kwartong ito.

Lumapit siya sakin at kinuha yung box ng chocolate ko sa ilalim ng kama.

Waaaah! Ang chocolates ko! ~T_T~

"At ano to?" Singhal niya.

"Chocolate. Duh." Sarkastikong sagot ko.

"Sinong nagbigay?"

"Ako." Sagot ko.

Eh sa ako bumili nun eh. Edi ako nagbigay.

"Seryoso ako Yulhi." Banta niya.

Aba! Nananahimik ako dito tapos siya yung papasok pasok diyan eh.

"Pwede ba'ng mamaya ka na mambulyaw diyan?! Kumakain ako dito oh!" Sagot ko.

And that make him to shut up. At umupo na lang sa kama habang nakatalikod sakin.

"Sorry." Napatigil ako sa pagkain na isusubo ko sana.

Napatingin ako agad sakanya.

Tama ba yung narinig ko? He says sorry?! What the-! Sa pagkakaalam at based on experience minsan lang sa isang taong magsorry ito! At anong pagbabaliktad ng mundo ang nangyari ah?

"Ano nga ulit ang sinabi mo?" Gulat na tanong ko.

"Wala ng ulitan." Seryosong sabi niya.

"Okay, edi palitan natin. Totoo ba to?"

Napangisi naman siya.
"What do you think?"

"Uhm. Panaginip lang ito?"

Natawa naman siya ng konti habang ako ngangabels pa din.

Just what the hell is happening? Oh my. Sinasapian na si Andru!

"Sorry sa pang-iiwan ko sayo kanina sa park. Nainis lang ako." Sabi niya.

Sinubo ko ang pagkain. Shems nemen! Medyo kinikilig ako! At oo. Naiinis din ako sakanya kanina. KANINA.

"Chorry jin kachi niyainyis acho chayo kanyinya." Sabi ko.

Puno kasi ng pagkain bibig ko eh! Sorry nemen!

"You're doing it again. Hobby mo na ba talaga ang magsalita ng puno ang bibig?" Tanong niya.

Nilunok ko muna yung nginunguya ko bago magsalita. Nahiya naman ako sa inasal ko sa feeling prinsepeng ito.

"Sorry nemen. Eh sa masharap kurmairn eh. Papachok pachok ka kasi diyarn eh kumakairn pa acho."

Yap. Nilunok ko yung pagkain ko pero sumubo din ako agad. Hahahaha!

"Baliw." Sabi niya at inirapan ako.

Minsan talaga parang bakla ito eh. Tignan mo, iniirapan na ako. Psh. Antipatiko talaga. Saan kaya nagmana ito?

"Dalian mong kumain diyan." Utos niya at humiga.

Psh. Heto na naman po siya sa pag-utos utos niya sakin.

"Bakit?"

"Para lang sa pagkakaalam mo 8:30 pm na." Sabi niya.

"So? Magmumovie marathon pa kaya ako." Bagot na sagot ko habang inaayos yung pinagkainan ko.

"Aw!" Angal ko ng bigla niyang pitikin ang noo ko.

"Inaano ka ba?!" Inis na turan ko.

"The vacation is already end. So bawal ng magpuyat ngayon. Beside we need to be early tommorow." Sabi niya at nauna ng lumabas.

"Tignan mo din itong lalaking ito! Magsosorry tapos iinisin ulit ako!"

"Antipatiko!" Sigaw ko.

----------------------

Sorry sa late update!

My Adopted Love (On Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon