Chapater 3- My Mom and Dad......... died

55 3 1
                                    

Binuksan ko ang pintuan at nakita ko sila Mr. & Mrs. Dela cruz at ang anak nila na nasa loob. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Yulhi. Tara pasok ka." Sabi ni sisiter.. Pumasok ako at umupo.

"AJ just go in your car. Or if you want just go now an hangout with your friends." Sabi ni Mrs. Dela Cruz sa anak niya. 

"Mom, how many times o I have to tell you that, that car is not mine. That's OUR family car okay." Sagot naman nung AJ. Kaylangan talaga english?! Sabagay anak mayaman. Pero kinakabahan pa rin talaga ako!! WAAAAH!! Mommy!! T_T

"Okay just go in our--"

"Okay! Okay! Just freaking shut up!" Sigawan daw ba ang magulang! Aba! Bwiset to ah!

"Uhm. Excuse me. But sir..... Aj.......Did you know that shouting to your parents is one of the rules in manners?" Hala! Ano sabi ko?! Bahala na nga! "I thought even you're came  from a rich family, you have a manners. Not just in table manners, but mostly to your parents." Wow! Bongga ng sinabi ko ha! Principal yata si mommy! Magaling pang writer at teacher! Haha! Kala niyo kayo lang magaling mag-english?! Wag lang sana ako malintikan kay Sister.

"Excuse me too." Sagot niya.

"Ay! Dadaan ka? Sige oh." Nag-give way ako. Excuse me daw eh! XD

"Ako ba pinipilosopo mo?" Waaaaaaah! Tulong!! Si kamatayan andito na!! Sinusundo na ko!!

"Ay! Ang galing! Marunong ka pala magtagalog eh!! Pinahirapan mo pa ko! Ka- Nosebleed ka tol ha! Ang jongga mo mag-english!" Sagot ko. Nice one Yulhi! Talagang makukuha ka na ni kamatayan ngayon! Hindi naman kami sa purgatoryo pupunta diba? o di kaya sa impyerno? Mabait naman po ako eh!! T-T 

"Sinabi rin ba ng mga magulang mo na ang pagsabat sa usapan ng may usapan ay isa rin sa kawalan ng manners?" Sagutan pala gusto nito eh! edi gora!

"Ay! Ganon?! Teka hindi ata ako nainform. Ang alam ko kasi mas malupit yung sayo. To think na ang parents mo ang nagpapakain sayo araw araw at binibili lahat ng gusto mo. Ay sinisigawan mo lang. Yan tayo eh!" Sagot ko. Sasagot pa sana sya pero pinigilan na kami ni Sister

"Tumigil na kayong dalawa! AJ please just go in your car. Yulhi! Umupo ka dito at magsorry ka kina Mr. & Mrs. Dela cruz!" Ay ganon! Ako lang yung sinigawan nasan ang hustisya?!

Kinabahan na naman tuloy ako! T-T. Lumabas na yung AJ na yun at umupo naman ako.

"Sorry po kung nasigawan ko yung anak niyo. Ayoko po kasing siisigawan yung mga magulang ng sarili nilang anak. Wala po kaming krapatan para gawin yun. Kaya napilosopo ko po tuloy yung anak niyo." Paghingi ko ng sorry.

"Hahaha. Nako ija ayos lang yun. Ngayon nga lang ulet may nakabara sakanya. Bukod dun sa bestfriend niya." Aba! May bestfriend pala si sunget!

"Ganon po ba?........Uhm sorry po ha... Pero bakit niyo po pala ako pinatawag?" Tanong ko. Nagkatinginan naman sila.

"Meron kasi kaming magandang balita sayo Yulhi." Sagot ni Sister. Biglang nawala ang kaba ko. Sa wakas makikita ko na sila!

"Talaga po?! Andyan na po ba sila mommy?! Sila kuya po?! Asan po sila?! Kinuha na po ba ulit nila ako?!" Tumayo ako at lalabas na sana ng office para tingnan kung nanoon sila mommy.

"Hindi yun Yulhi....." Napatigil ako. Hindi yun? Eh ano? " Napagdecide kasi sila Mrs. Dela cruz na ikaw na daw yung aampunin nila." Ano ang dapat kong ikatuwa dun? Natigilan ako lalo sa sinabi ni Sister..... Yung kaninang masayahing Yulhi, bumalik sa pagiging malungkot at galit sa mundo. Humarap ako sa kanila.

"Pano po yun naging maging balita sakin? Siguro sa iba oo. Pero hindi po sakin. Alam niyo pong dalawang taon na kong naghihintay sa pagbabalik ng pamilya ko. Alam niyo po ang nararamdaman ko Sister, kasi halos araw araw niyo kong nakikitang umiiyak sa chapel habang nagdadasal sa KANYA. Mahirap pong makita ang mga magulang ko na nagaaway. Lalo na ang malayo sa kanila. Ayoko pong umalis dito hanggat hini pa sila bumabalik para kunin ako. Ayoko iwan ang nagkakaisang pamilya ko dito. Si Angie." Humarap ako sa kanila habang gamit ko ang isang cold aura at umiiyak.

"Kung about sa family mo. Pwede mo naman silang dalawin. We are just your Guardian, pero sila pa rin ang family mo. Isa pa mas magiging maayos ang kalagayan mo samin." Sabi ni Mr. ela Cruz.

"Saka bukas ka pa naman namin kukunin para makapag spend ka pa ng time para sa mga kaybigan mo dito.Meron din kaming kaybigan na gusto siyang ampunin a week matapos ka namin kunin" Sabi ni Mrs. Dela.Natawa ko sa mga sinasabi nila, dahilan para magtaka sila.

 "Akala miyo po ba ganon kadali ang mahiwalay sa pamilya mo ng two years? And to think na teenager pa lang ako? Lalo na nasa ampunan ka? Hindi mo alam kung talagang babalikan ka pa ba nila o umaasa ka nalang sa wala! Tapos ihihiwalay niyo pa ako sa kaybigan ko! Sa nagiisa kong pamilya dito?! Pero ano pa nga bang magagawa ko? wala naman diba?" Tumakbo na ako palabas ng office matapos ko yung sabihin. Nakita ko si Angie at si AJ sa labas ng office pero tumakbo na ako. Naririnig kong tinatawag ako ni Angie pero tumakbo pa rin ako ng tumakbo.

Pumunta ako sa likod ng simbahan at doon ako umiyak ng umiyak. Wala namang makakakita sakin pwera lang kay Angie. Takot silang pumunta ito kasi may multo daw.

Inalala ko lahat ng masasayang moments namin ng pamilya ko. Yung tawanan, asaran, at lahat ng pagtatalo namin. Naiiyak na lang ako, kasi hindi ko alam kung mababalikan ko pa ba lahat ng yun.

Si Angie, na mahinhin, mahiyain, at  hindi palakaybigan. Ang nagiisa kong pamilya ito sa ampunan. Ang naging karamay ko sa lahat ng paghihirap ko dito. Hindi ko maisip na iiwan ko na siya. 

Mas lalo akong umiyak sa mga naiisip ko. Asan na ba kasi sila Kuya? Bakit kahit dalaw wala akong matanggap sa kanila? Pinabayaan na lang ba nila ako?

Angie's POV

Kasama ko si AJ sa labas ng office at nakasandal kami sa pinto habang nakikinig ng biglang bumukas ang pinto. Napasandal na lang si AJ sa pader at kunyari'y nagtetext. Nakita ko si Yulhi na umiiyak. Tatanungin ko na sana siya kung bakit siya umiiyak kahit alam ko na, pero bigla na lang siyang tumakbo. Pilit ko siyang tinatawag pero tumatakbo pa rin sya. 

"Bakit siya umiiyak? Ayaw niya ba samin? Mas maganda nga ang buhay niya dun eh" Lumapit sakin si Aj.

"Kung ikaw ang nasa kalagayan niya diba ganon din ang magiging reaksyon mo? Syempre mas gusto mo makasama ang mga taong mahal mo! Inalagaan ka! Nagpasaya sayo! At ang taong iniintay mo dito araw araw! Yung taong ipinagdadasal mo araw araw kung ayos lang ba sila! Kung babalikan ka pa ba nila! Hindi kami mukhang pera. Kasi para samin pamilya ang mas mahalaga" Nagulat siya ng mapagtaasan ko siya ng boses. Saktong pagkasab ko sa kanya yun biglang lumbas sila Sister.

"Oh Angie. Anong--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Sister.

"Karapatan niyang malaman na patay na ang mga magulang niya!! Pero bakit hindi niyo sinabi?! Pero kung ayaw nyo! Ako na lang ang magsasabi!" Tumakbo ako agad sa kwarto namin ni Yulhi. Kinuha ko ang maliit niya na bag na madalas niyang gamitin sa school. Nagimpake ako ng mga gamit na pwede niyang madala. Papatakasin ko muna siya dito. Alam ko naman na babalikan niya ako. May tiwala ako sa kanya.

Tumakbo ako papuntang likod ng ampunan matapos kong kunin yung bag niya. Nakita ko siya dung nakayuko habang yakap yakap yung tuhod niya. Hinagis ko sa kanya yung bag niya, para mapatingin sya sakin. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Umupo na lang ako sa tabi niya ta tumingin sa langit. Nakatingin pa rin sya sakin.

"Yulhi may sasabihin ako sayo....."

___________________________________________________

A long update!! Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update!! Busy sa intrams eh!

Hope you like my update!! Bitinin ko muna kayo ha! Sowy!

Thanks sa pagbabasa!! 

My Adopted Love (On Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon