Yulhi's POV
Isang linggo na ang nakalipas kaya pabalik na kami ngayon sa mansyon. Sobrang saya ng pagpunta namin dun. Tuwang tuwa nga si Naomi sa pag-iistay namin doon.
Kaso ang lungkot kasi iiwan ko na din agad at ngayon yung bahay na iyon. At ang hirap tanggapin na ang bahay na tinirhan ko ng mahabang panahon ay hindi ko na titirhan. Kahit naman kasi medyo nagbago na ito, yung komportable nun tuwing nandun ako hindi pa rin nagbabago. Dito din naman sa mansyon. Pero para kasing naninibago pa ako. Ni hindi ko pa nga kabisado ng tuluyan ito.
Haaays. Ang hirap lang.
"Ahm. Tita, pwede po ba tayong dumalaw sa puntod nila mommy? Kahit sandali lang po." Paalam ko.
"Oo naman, Yulhi. I think, mas maganda kung kayo muna ni Andru dito sa harap. Mas alam ni Andru ang daan. AJ?" Sabi ni Tita na agad naman naming sinunod ni Andru.
Madali lang kaming nakarating sa puntod nila. Medyo malapit lang din kasi kung saang memorial park ibinurol sila Mommy.
Agad akong bumaba at binuksan ang gate. Alam ko na kasi kung saan nila itinatago ang susi. Sa loob din ng parang bahay/puntod nila Mommy, pero malapit sa gate may paso. At sa ilalim nun. Andun ang duplicate key nitong puntod nila. Sabi din pala nila dito na inilipat ang mga kapatid ko. Pwera daw sa kakambal ko.
Pinapasok ko na din sila Tita.
"Wow. San mo nakuha yang susi?" Tanong ni Andru.
Pina-ikot kobsa daliri ko ang susi at binelatan siya.
"Secret!" Sabi ko sakanya.
Lumuhod ako sa harap ng puntod nila Mommy.
"Mhe, sorry kung natagalan ulit yung pagdalaw ko ah." Nilinis ko yung gilid ng puntod nila.
"Sorry din at hindi na kayo nalilinisan. Nasa bicol po kasi sila Mama at sila Kuya." Paliwanag ko.
"May ipapakilala po ako sa inyo. Promise me na hindi kayo maghyhysterical ah?" Tinawag ko sila Tita.
Simula ng mamatay sila Mommy. I always talk to them in different ways. Tawagin niyo na akong baliw o desperada. Pero anong magagawa ko? Gusto ko lang naman ay makita o kahit ang makausap ang mga magulang ko. Masakit sa isang tao ang mamatayan, lalo na kung magulang mo ito o kapamilya.
"Si Mr. and Mrs. Dela Cruz po. Sila po yung umampon sakin. Sila po yung kumuha sakin sa ampunan. Remember the first that i go here. Kasama ko naman po ang panganay nilang anak na si Andru. Tapos may bunso pa po sila. Si Naomi, she's a beautiful and cute little girl po. Mom, Dad, don't worry ok? Kasi kahit na po na ilang araw pa lang ako sakanila, they treat me as one of their family. Mhe, Dad, miss ko na kayo. Balik na kayo. Please?" Sabi ko. Agad naman akong inalo nila Tita. Umiiyak na ako.
"Sorry, i know you don't wanna see me like this. But don't worry i'll try to be happy. Inferns mhe ha. Galing ko na mag-english noh? Hahaha! Iyak tawa naman ako. Geh po. Una na kami. Take care there okay? Don't worry about me. I can. I can handle myself." Sabi ko at hinalikan ko ang puntod nila.
Nilinis ko lang sandali ang puntod nila at umalis na din kami.
**********
Nakatambay ako sa kwarto ko habang nagfefacebook/wattpad/youtube sa laptop na bigay nila Tita.
Maya maya narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Alam kong si Andru lang iyon kaya hinayaan ko na.
Pero mali pala ako.
"Yulhi?" Tinanggal ko ang headset ko.
"Ah tita. Tito. Bakit po?" Lahat kasi sila nandito.
Umayos ako ng upo at tumabi naman si Tita sakin.
"Ija, narinig at naintindiahn kasi namin yung sinabi mo kanina sa parebts mo. Alam mo namang hindi ka nag-iisa diba? We're here. Hindi ka namin papabayaan. Tsaka hindi lang kami ang nandiyan lagi para sayo. Andyan din ang Mama at Papa mo." Paliwanag ni Tita.
"Alam ko naman po Tita. Pero hindi naman po kasi sa lahat ng bagay o oras eh aasa na lang po ako sa inyo. Nakakahiya naman po iyon. Kaya ko naman po ang sarili ko. At i promise po hindi ko din naman po kayo iiwan." Sabi ko.
Niyakap na lang ako ni Tita. Saka naman sumunod sila Tito at Naomi. Si Andru nandun lang at nakangiti sakin. Ganun na din si Ate Gina at Kuya Keen na nakangiti din sakin.
Nang kumalas sila Tita.
"Nga pala Yulhi. Magbihis ka. Aalis tayo." Sabi ni Tita.
"Saan po tayo pupunta?" Tanong ko.
"Shopping!" Sabay na sigaw nila Tita at Naomi.
"Uhm. Hindi ako sasama diyan." Sabi ni Tito at lumabas na.
"Me neither-" aalma pa din sana si Andru.
"No. You're coming with us. Whether you like it or not." Sabi ni Tita. Na ang talim ng titig kay Andru. Ang dark pa ng aura ni Tita.
"Sabi ko nga po sasama ako." Sabi ni Andru at umalis. Siguro para magbihis.
"Dad naman! Bakit mo ko iniwan?! I hate you dad!" Narinig kong sabi ni Andru ng makalabas siya kaya natawa na lang ako.
"You like him, do you?" Rinig kong sabi ni Tita habang natatawa/nangingiti dahil sa reaction ni Andru. Kaya napatingin ako kay Tita.
"Po?" Tanong ko. Baka kasi namali lang ako ng dinig.
"Mom, said. You like my brother. Do you?" Pag-uulit ni Naomi sa sinabi ng Mommy niya. Habang nakahiga pa sa kama ko at nilalaro yung life size teddy bear ko
"Siguro po? Ewan ko po. Hindi ko pa po alam. Pero hindi po ba bawal po iyon? Kapatid ko po siya eh. Saka po may naaalala po kasi ako sakanyang dalawang tao na naging espesyal sa buhay ko eh." Sabi ko.
Tango lang ang isinagot nila.
"Pero hindi mo naman siya tunay na kapatid eh. Saka we just signed in your adopting papers as guardian. So you and him has a chance." Sabi ni Tita. Kaya ngiti lang ang isinagot ko
Gusto ko na nga ba talaga siya? O may naaalala lang akong tao sakanya kaya ganon yung nararamdaman ko.
Minsan kasi akala lang natin na may gusto na tayo sa isang tao o talagang nagugustuhan na natin siya. Pero minsan kasi, ang totoo ay naaalala lang natin yung isang taong nagustuhan natin dati sakanya kaya inaakala nating gusto na din natin yung taong iyon.
May iba naman na.
Nagustuhan lang natin dahil sa isang sign. O may pagkakahalintulad siya dun sa taong gusto nating maging totoo o atin kaya nagugutuhan natin.
Minsan sa pag-aakala lang talaga. Pero ang totoo hindi naman talaga sila yung taong iyon. Kung hindi yung taong hindi pa pala natin madalas napapansin. Malalaman na lang kasi talaga nating mahal natin yung isang tao kapag nawala sila. Kasi doon natin narerealize na ayaw pala natin silang mawala.
Yung magiging mahal kasi natin hindi nakabase sa isang ideya. Katulad nang mabait kasi siya kaya nagustuhan mo siya. O di kaya, pogi kasi kaya mahal ko. Nakabase yan sa pagtanggap natin sakanya kahit na ano pa siya. Kahit na mukhang siyang tambay sa kanto. Kasi yung pagmamahal hindi dinidikta ng utak. Kundi ng puso.
Tulad ko. Hindi ko pa alam. Kasi hindi pa alam ng utak ko. Hindi pa niya maintindihan. Pero yung puso ko. Alam na alam na kung kung gusto ko ba talaga siya. Kung sino ba talaga.
Haays. Ang complicated talaga ni LOVE! Kaya mas masayang single eh! Walang iniintinding complicated bukod sa story of your life without lovelife!
Kayo ba? Tingin niyo? Mahal ko na yung mokong na yun? Kayo siguro alam niyo na. Ako hindi pa eh. Manhid ko ba? Sensya naman ha. Di ko kasi maintindihan eh.
~^O^~~^O^~~^O^~~^O^~~^O^~~^O^~~^O^~~^O^~~^O^~~^O^~~^O^~~^O^~
Sorry late and super ikling update na ito!
Please vote and comment
BINABASA MO ANG
My Adopted Love (On Revision)
Teen FictionAndru James S. Dela Cruz, mayaman, matalino, pogi, mabait, mayabang (well depende), at lahat na ng pangarap mo na ideal boyfriend. Ay na love at first sight sa isang babaeng, simple, maykaya, nerd looking, baduy (dahil sa sobrang kasimplehan) at i...