Yulhi's POV
Napabuntong hininga na lang ako.
"Inampon kasi ako ng pamilya nila Andru, your so called Prince at ng pamilya Dela Cruz. Ang kilalang may-ari ng school na ito at ng pangalawa sa pinakamayamang kumpanya sa Pilipinas-"
"What?!!!! Galing kang ampunan?!!!" Zy at Rae.
Ay gravey maka-react itong dalawang ito oh. Pwede na silang sumali sa Cynthia's school of overacting
Binatukan naman sila ni JL.
"Wag nga kayong O.A." saway niya dito.Natawa ako ng konti sakanila.
"Yap. 3 years before ng magkaroon kami ng family problem. Dahil sa selos ng tatay ko, dumating sa punto na sinasaktan na niya si mamy. Pati kami. Naging lasenggo yung tatay ko na minsan lang uminom. Hanggang pati kami sinasaktan na niya kaya sa mall na lang ako lagi nagpapalipas ng oras after ng school. Doon na napagpasiyahan ni mamy na dalhin ako sa ampunan, hindi din naman niya ako maalagaan dahil lagi siyang nasa office at seminars. Isa pa. Pati siya sinasaktan na ni Dad eh. Kahit yung kuyakuyahan ko. Si Kuya, hindi na namin maipagtanggol yung sarili namin, paano pa kaya ang iba? After nila akong maampon nalaman kong patay na pala sila mamy." Napahikbi ako. Umiiyak na pala ako.
"Sorry." Nasabi ko na lang at tinalikuran sila.
"No. Sorry. Naisiwalat mo pa tuloy. We understand na. Sorry." -sabi ni Rae at inalo nila akong dalawa ni Zy.
"Yulhi, itigil mo na yan. Mag-aalala sayo si Prince kapag nakita niya yang luha mo. Kami pa mapagdiskitahan." Paalala ni JL.
Pinunasan ko yung luha ko.
"Oh." May nag-alok sakin ng panyo, pagtingin ko si JL. Yung dalawa, nag-aayos na pala ng gamit.
"Aish, choosy ka pa. Amin na nga." Sabi ni JL at iniangat ang ulo ko para mapunasan ang luha ko.
"Hindi ka na dapat umiiyak ng ganyan. Para ka pa ding bata eh. Tahan na. Nandito na yung knight mo." Sabi niya habang pinupunasan pa rin yung luha ko.
"Oh ayan. Tahan na." Sabi niya ng matapos na ang pagpupunas sa luha ko.
Tinignan niya yung board.
"Kaya pala titig na titig ka kanina sa board. Sila yung mga kababata mo diba? Nakakagulat nga na hanggang dito nakarating sila. At sinundan ka pa nila.""Hoy love birds. Lumayas na nga kayo dito. Sige na. Kami na bahala sa performance natin. Dali na. Shoo." Pagpapalayas ni Zy samin.
Binato ni JL ng panyo si Zy.
"Panira ka eh. Tara na nga Yulhi. Siguradin ninyong hindi kahiya hiya yan ah. Bubugbugin ko talaga kayo." Banta ni JL sa dalawa na ikinikabit balikat lang nila at hinatak na ako palabas.
"Ikaw na magbigay at magpaliwanag sakanya. Sa labas na lang ako, tawagin mo na lang ako kapag kaylangan mo ako." Sabi niya at ibinigay yung written report namin.
Tinanguan ko siya at nginitian. Siya na ang kumatok sa pinto ng office ni Andru.
"Pasok. " narinig naming sabi sa loob.
"Pasok na. Ang bagal naman. " sabi ni JL kaya pinagbuksan na niya ako ng pinto.
"Nandito lang ako." Sabi niya bago ako makapasok.
Tumambad sakin si Andru nabusy sa laptop niya. Bigla ko tuloy naimagine kapag nagkaanak kami. Tapos dinalhan namin siya ng anak namin ng pagkain. Baka kapag pumasok kami ng office ganya na ganyan din siya.
Teka. Ano ba tong punag-iisip ko. Aish magtigil ka nga Yulhi!
"Ito na yung gusto mong event." Sabi ko at inilagay sa desk niya yung written report.
BINABASA MO ANG
My Adopted Love (On Revision)
Teen FictionAndru James S. Dela Cruz, mayaman, matalino, pogi, mabait, mayabang (well depende), at lahat na ng pangarap mo na ideal boyfriend. Ay na love at first sight sa isang babaeng, simple, maykaya, nerd looking, baduy (dahil sa sobrang kasimplehan) at i...