Chapter 23

10 1 0
                                    

3rd person POV

Kakauwi lang nila Mr. And Mrs. Dela Cruz galing sa sunod sunod na business meeting dahil sa pagkakaproblema ng isang branch ng hawak nilang kumpanya. Si Nancy Camille S. Dela Cruz at si John Angelo M. Dela Cruz.

"Hi mom! Hi dad! Welcome back! Did you buy some pasalubong for me?!" Sigaw ni Naomi.

Ang bunso nilang anak. Isang Grade 5 student at 10 year old little girl nila. Kilala siya bilang isa sa genius at nangunguna sa kanilang klase at sa buong elem. Hindi siya kilala ng buong school bilang anak ng pangatlong pinakamayaman sa buong asya.

"Of course my princess. Ikaw pa ba makakalimutan namin? Here. Get it in our luggage." Her mother said. Agad naman itong sumunod.

"Eto pa princess. Be a good girl okay?" Sabi naman ng Dad niya at ibinigay ang favorite chocolate niya.

Pero may kulang. Madalas kasing binabati at winewelcome sila ng dalawang anak. Maliban na lang kung umalis ito.

"Where's your brother and you sister, princess?" Tanong ni Mrs. Dela Cruz sa anak.

"Tulog po. Kakagaling lang po kasi sa date nila. Pagdating nga po nila buhat ni kuya si ate. Nakatulog po kasi sa kotse." Paliwanag naman ni Naomi.

Nagkatinginan ang mag-asawa at napangiti.

"Thanks for the new book Dad! And for the new dress Mom! I really like it. And for my fav chocolate!" Sabi ni Naomi at umakyat na sa kanyang kwarto dala dala ang mga pasalubong sakanya ng magulang.

Napangiti na lang ang mag-asawa.

"Jenny, pakilagay na lang ang mga daladalahan namin sa kwarto. Salamat. Pakisabi na rin sa chefs na maghanda na ng hapunan." Sabi naman ni Nancy.

Agad namang sumunod si Jenny. Ang pangalawang head butler. Kapatid siyang babae ni John. At apo ni Nana Tonya.

Umakyat ang mag-asawa sa taas para gisingin ang dalawa. Naghiwalay sila ng landas. Si Angelo ang nagpunta sa kwarto ng anak na lalaki. Habang si Nancy naman ang sa naging anak anakan nila. Nagtaka naman si Angelo dahil wala ang anak duon.

"Hon, wala si Andru sa kwarto niya." Sabi ni Angelo ng makitang kinikilig ang asawa na nasa loob na ng kwarto.

"Dahil he's here!" Mahinang tili ng asawa havang kilig na kilig.

Dali dali namang tumabi si Angelo sa asawa para maki-usyoso. At sa pagtabi niya dito ay napangiti ito at nayugyog ng asawa.

"Kunin mo yung camera dali! Sa kwarto ni Andru!" Mahinang utos, sigaw, at tili ni Nancy sa asawa.

Agad namang sumunod ang asawa.

Nakakailang shot na sila sa pagpipicture sa dalawa. Lahat na nga anggulo napicturan na nila. Pero patuloy pa rin sila at kilig na kilig. At kung ano ang naabutan nila posisiyon nila.

Nakaunan lang naman ang ulo ni Yulhi sa braso ni Andru. Tapos nakayakap pa si Yulhi kay Andru. Ganun pa rin naman yung suot nila ang pinagkaiba nga lang shirtless si Andru.

Kaya kilig na kilig ang mag-asawa.

"Parang tayo lang dati hon oh!" Tili ulit ni Nancy ng mahina habang pinapakita sa asawa ang mga nakuhanan nilang picture.

Natawa na lang si Angelo.

Andru's POV

Shiz naman! Ang ingay ingay naman! Sino ba to?! Kanina pa to eh!

Napamulat ako ng kaunti.

" Parang tayo lang dati hon oh!" Shit!

Napabalikwas ako ng marinig ko yun. Kelan pa sila nakauwi at nandito sa kwarto ni Yulhi?!

My Adopted Love (On Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon