Andru's POV
Tinignan ko ang natutulog na si Yulhi sa kama niya.
Baliw talaga. Aangal angal pa kagabi pero natulog din agad. Hindi nga talaga siya nagmovie marathon eh. Inayos ko ang kumot na nakatalukbong sakanya. Yakap yakap niya pa si Mr. Cuddle. Yung teddy bear na malaki na nakalagay na dito sa kwarto. Na galing sakin.
Napangiti ako. Tulog mantika talaga itong babaeng ito kahit kelan.
"Yulhi, mauna na ako sayo." Paalam ko. Medyo nangunot yung kilay niya. Napangiti ako. Heto na naman siya.
"Yulhi." Pangungulit ko.
"Hmm?" Sagot niya at medyo gumalaw.
"Mauuna na ako. Tumayo ka na diyan maya maya. Ipapagising kita kay Ate Gina." Sabi ko.
"Hmm. Sige lang." Napangiti ako.
After ng ilang linggong laging pagtulog ko katabi siya alam na alam ko ng kapag tinanong o kinausap siya habang tulog sasagot siya. Nang hindi niya alam.
Napangiti ulit ako at medyo napatawa.
Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko si Naomi na naglalakad pababa. Napatakbo naman ako agad palapit sakanya.
"Naomi." Tawag ko sakanya.
Hindi pa din siya tumitigil ni lumilingon. At tuloy tuloy lang sa pagbaba.
"Shit." Mahinang mura ko at agad na binuhat si Naomi.
Shit. Bakit hindi na naman nailock ang pinto nito? Kung si Yulhi nagsasalita kapag tinatanong, si Naomi naman ay naglalakad ng tulog. Muntikan na nga siya noon na mahulog sa hagdan, mabuti na lang at saktong paakyat ako noon galing sa kusina at nasalo ko siya.
Dahan dahan ko siyang ibinaba sa kama niya at saka inayos ang pagkakahiga niya. Umupo muna ako sa tabi niya.
Nang may biglang magbukas ng pinto.
"Andru."
"Gising ka na pala. Ang aga mo yata? Tulog mantika ka pa naman." Sabi ko sakanya. Sino pa ba? Si Yulhi.
"Nagising ako dahil sayo. Tapos nang makalabas ka tumayo na ako. Doon ko na naabutan yung binuhat mo si Naomi. May nangyari ba?" Mahabang paliwanag niya.
Naramdaman ko naman ang paggalaw ni Naomi kaya hinatak ko na agad si Yulhi palabas at nilock ang pinto ni Naomi.
"Naglakad na naman ba siya?" Tanong niya.
Nakita ko sa mata niya ang pag-aalala. Minsan na din niyang nakita yun. Noong tumabi siya sa pagtulog ni Naomi. At that time, she quickly wake me up at aligagang aligaga siya noon.
"She's okay. Nakalabas lang siya ng kwarto niya. Hindi yata nailock yung kwarto niya." Paliwanag ko na nagpawala ng pag-aalala niya.
Naomi's room has a double lock. Isa sa labas at isa sa loob. Specialize ang sa labas. Dahil mabubuksan lang yun ng nasa loob gamit ang code.
"Maga-ayos ka na ng sarili mo. While me, i better go. Goodluck." Sabi ko at ginulo ang buhok niya that make her pout.
She's cute everytime she does that.
"Yes sir! Chupi na! Babye!" Sabi niya at pumasok sa kwarto niya. Na kwarto ko na din halos.
***
Pagbaba ko ng kotse, tahimik pa ang school. 5:55 am pa lang kaya ganoon. At mas gusto kong pumasok ng maaga kesa pagkaguluhan ng babae. I'm not like my friends na tuwang tuwa pa kapag ganoon. Lalo na si RC. Tsk tsk. That playboy.
BINABASA MO ANG
My Adopted Love (On Revision)
Teen FictionAndru James S. Dela Cruz, mayaman, matalino, pogi, mabait, mayabang (well depende), at lahat na ng pangarap mo na ideal boyfriend. Ay na love at first sight sa isang babaeng, simple, maykaya, nerd looking, baduy (dahil sa sobrang kasimplehan) at i...