Chapter 46

1 0 0
                                    

[Naomi's POV]

"Ayaw mo ba talagang sumabay sa pagkain?" Nag-aalalang tanong ni Mom kay Ate Yu.

Kaninang umaga din ganyan si Ate. Hindi pa nga niya ako kinakausap simula kahapon. It's like hiyang-hiya siya. Eh hindi naman siya yung dapat mahiya eh! Yung mga taong gumawa nun sakanya ang dapat mahiya.

"Una na po ako. Bye." Sabi ko at umakyat na.

Kumain naman ako ng meryenda kanina. Okay na yun. Hindi naman ako gutumin.

Pumasok ako sa kwarto ni ate ng walang katok-katok.

Agad naman niyang sinuot ang mask niya.

"Aysus Naomi, sa susunod nga kakatok ka muna okay?"

"Why are you wearing mask?" Diretsang tanong ko.

"Sa iyo lang ako sasagot ng direkta. Ikinahihiya ko ang sarili ko-

"Hindi naman dapat ikaw yung mahiya eh! Hindi ka dapat ganyan! Sa ginagawa mo mas nagtataka at nag-aalala ang mga tao sa paligid mo! Hindi ba ayaw mo nun?! Pwes tanggalin mo iyang mask mo at mas magpakatatag ka. Tignan mo nga! Ang Angels! Sila Mom! Your alalays! Nag-aalala sila dahil sa pinapakita mo even your other friends! That's why na pinapacheck-up ka nila sa psychiatrist! Hindi ka dapat ganyan! Ipakita mong malakas ka ate! Because that is who you are! I idolized you because of that! Doon ka namin mas kilala! IBALIK MO ANG TUNAY NA IKAW AT KALIMUTAN YUNG NANGYARING IYON!" Pagpapabalik ko sakanya sa katotohanan.

Hindi pwedeng dinadaan nila sa mahinahon. Dapat diniderekta sakanya para hindi siya masanay. Para hindi niya akalain na okay lang yun. May mga taong hindi nakikinig kapag matinuang usapan, kaylangan dinidirekta sakanila para maisip nilang may mali sila.

At that moment niyakap ako ni Ate Yulhi. She's crying. Again. Sumobra ba ako?

"I'm so sorry sweetie.Thank you. For making me realize those things. But please. I just need a time para mabuo ko ulit yung sarili ko. Para makalimot, it's just that na it's just a new wound. And i need time to heal. Can you give me that?"

"But sweetie, you're right. Hindi dapat ako ganito. I still need to be strong."

"Naomi! What the- anong ginawa mo sa ate mo?!"

"Kuya-" hinatak niya ako palayo kay ate.

"Andru! Walang ginagawa si Naomi! She just make me realize things!" Suway ni Ate kay Kuya.

Tinanggal ni Ate yung mask niya.

"Alam mo yung ang ganda na ng dramahan namin tapos bigla mo kaming guguluhin! Aktingan awards goes to na eh! Naipatanggal na niya sakin yung chugas na mask na yan oh!"

Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako kay Ate Yulhi.

Nakasalampak na tantrums kasi siya sa ibaba ng kama niya habang si Kuya bumaba na sa stage ng kama ni Ate. Napunta lang ako sa gilid nila.

"Yulhi umayos ka nga! Tumayo ka-"

"Ayoko! Umalis ka nga muna sa kwarto ko! Alis!" Sasagot pa sana si Kuya...

"Wag ngayong gutom at badtrip ako sayo Andru!" Banta naman ni Ate na nagpatigil kay Kuya at lumabas.

Pinunasan muna ni Ate yung luha niya bago ako tuluyang nakalapit sakanya.

"What a nice scene para sa inyo ni kuya." Biro ko.

"Wow, nice scene pa yun para sayo ha?" She said in a sarcastic way.

My Adopted Love (On Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon