Yulhi's POV
"We're here!" Sigaw ni kuya pagpasok namin sa bahay.
Nakita ko yung mga pinsan kong tutok na tutok sa TV.
"We're? Diba dapat--" Napahinto si Kuya Petra sa pagsasalita ng makita niya kami. "Ate Yuls!" Sigaw niya sabay takbo sakin at niyakap ako.
"Ate Yuls!!!" Nakiyakap na rin yung iba ko pang pinsan.
"Huy! Ang iingay niyo! Anong Ate Yuls Ate Yuls yan?! Bakit nahanap na ba ng mga mababagal na pulis si Yulhi?" Biglang sumulpot si Kuya Tata at Kuya John galing sa kusina.
Nagsihawian naman yung mga pinsan ko para makita nila ako.
"Yulhi Pot! San ka ba galing? Dalawang taon ka namin hinintay dito sa bahay!" Sabi ni Kuya John at ginulo yung buhok ko.
"Tutal kumpleto na tayo!!! Group hug nga!!!" Sigaw ni Kuya Tata at nag-group hug kaming lahat na magpipinsan.
Hindi man ako belong sa kanila bilang kapatid nila. Tinuring na nila akong isa sa kanilang magkakapatid.
Pinaupo nila ako sa upuan namin sa sala at katabi ko si Andru.
"Ate Yuls san ka bang lupalop ng pilipinas galing at nakakuha ka ng wafu?! Makapunta nga at kukuha din ako!" Sabi ni Kuya Petra, ang bakla saming magpipinsan.
"Oo nga Yuls. Pogi ng kasama mo ah! Boyfriend mo? Ikaw ha bata bata mo pa! Basta mag aaral pa rin ng mabuti!" Sabi naman ni Kuya John ang pinaka panganay.
"Yan?! Wag na/ Asa!" Sabay naming sabi ni Andru at nag apir at nagtawanan.
"Tingnan niyo bagay talaga kayo." Sabi naman ni Chuchay pangalawa sa bunso.
"Oo nga baka mamaya kainin niyo yang mga sinasabi niyo." Sabi ni Kuya Tata pangatlo sa magkakapatid.
"Wow naman Kuya Ta. Kelan pa nakain ang sinasabi? Anong lasa? Masarap ba Kuya Ta?" Sabi ko. "Aray! Andru! Anong problamamu?!" Bigla ba naman akong batukan ni Andru! Ansama!
"Napakapilosopo mo talaga eh noh?!" Sabi niya.
"Eh sa pake mo ba?!" -ako-
"Ayiiee!!!" Sigaw ng lahat ng mga pinsan ko. Napatingin naman ako sa kanila.
"Anong problema niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Ang sweet niyo kasi. Sa sobrang ka sweetan niyo, inaantik na kayo." Sabi ni Kuya Petra.
"Huy tigilan niyo na nga si Yulhi! Hindi niya yan boyfriend! Siya yung anak ng pamilya na nakaampon kay Yulhi! Tigilan niyo na nga sila!" Saway ni Kuya Jay sa kanila.
"Sa ampunan ka galing?!" Sabi nila in chorus.
"Uhm. Oo." Sagot ko.
"Kaya pala hindi ka makita ng mga pulis." Sabi ni Ate Jen.
"Ay! Tama na nga yan kadramahan niyo! Yung niluluto niyo sunog na!" Saway ni Lawrence, ang bunso sa kanila.
"Oo nga pala yung fishball at kikiam natin!" Sabi nila Kuya Tata at Kuya John.
Nagtatatakbo na lang sila papuntang kusina.
"Ay! Wala na! Sunog na yung kikiam at fishball natin!" Angal ni Lawrence.
"Basta pagkain talaga ang takaw mo!" -Chuchay-
"Oh mag-aaway na naman kayo!" Awat ko sa kanila.
"Tara na nga lang Ate Yuls! Ipapakita ko na lang sayo yung kwarto natin. Yaan mo na sila diyan. Tara rin kuya wafu!" Sabi ni Kuya Petra sabay hatak samin ni Andru.
BINABASA MO ANG
My Adopted Love (On Revision)
Teen FictionAndru James S. Dela Cruz, mayaman, matalino, pogi, mabait, mayabang (well depende), at lahat na ng pangarap mo na ideal boyfriend. Ay na love at first sight sa isang babaeng, simple, maykaya, nerd looking, baduy (dahil sa sobrang kasimplehan) at i...