Chapter 43

2 0 0
                                    

Andru's POV

"Huy, Yulhi. Tumayo ka na. Mahuhuli ka na sa klase."

"Iiiih! Ang sakit nga ng ulo ko!"

Naiimagine ko siya ngayon sa kama niya habang nakaloud speaker ang telepono. Tinawagan ko lang siya kasi nga sa no pansinan policy namin sa school.

"Huy! Tara na kasi! Kaya mo yan!" Napalingon naman ako kay Aly na akay akay ang kapatid na si Angie.

Tsk. Bakit nga ba kasi namin pinayagang uminom ng marami ang dalawang baguhan na ito?

"Yulhi, second day pa lang tapos aabsent ka na? Tumayo ka na kasi diyan."

Wala ng sumasagot sakin kaya ibinaba ko na ang phone. Tinignan ko ang relo ko. 15 minutes.

Agad akong pumasok ng room at nilapitan si JL. Nakuha ko ang atensiyon ng lahat dahil sa ginawa ko.

Masama na bang lapitan ang naging ahas kong kaybigan? At ang karibal ko ngayon?

"Meron kang 15 minutes para papasukin at hatakin siya patayo sa kama niya."

"Bakit hindi ikaw ang gumawa niyan?" Gago talaga ang isang ito.

"JL. 13 minutes." Matigas na sabi ko sakanya.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya tumayo at banggain pa ako.

Nakakainis kasi ako mismo ang gumawa ng batas na iyon sa pagitan namin ni Yulhi.

JL's POV

Tangina talagang Andru iyon. Saakin daw ba ipasa ang responsibilidad niya?! Oo gusto ko si Yulhi, pero tama na ako sa pakikihati kay Andru. Sa pakikipaglaban sa matalik kong kaybigan.

Pasalamat talaga ako at hindi madulas ang daan at walang masyadong sasakyan sa dadaanan ko.

"Yulhi! Tangina! Napapamura na ako dito oh! Tumayo ka na diyan! Para mo nang habag! 10 minutes na lang oh!"

Talagang tinalunan ko na ang kama ni Yulhi pagdating ko pa lang para lang mapatayo na siya ngayon.

Tumigil na ako nang tumayo siya.

"Hep! Saan ka pupunta?! Wag ka ng maligo! Magsuklay ka na lang hilamos tapos bihis! 3 minutes Yulhi! I'm giving you 3 minutes!" Sigaw ko sakanya na sinunod na lang niya.

Hinatak ko na siya pababa at pasakay sa motor ko. Harurot na din ang ginawa ko sa motor papasok makahabol lang sa oras. Hinahatak-hatak ko na din si Yulhi papasok at paakyat ng room.

"Mam! We're not late! Exactly 7 am!" Hinihingal ko pang sabi kay Mam na nag-aattendance na.

"Upo na." Seryosong sabi lang ni Mam.

Umupo na kaming dalawa ni Yulhi. Hinihingal pa din siya. Binigyan ko siya nga gamot para sa sakit ng uli niya. Maya maya din mawawala na ang hingal niyan.

"Oo nga pala. Everyone's know na wala na si Mam Arlene ninyo, kaya may bago na kayong teacher sa math." Kanya-kanyang bulunagan

"Mam lalaki?"
"Mam gwapo?"
"Cute?"
"Babae po ba mam?"
"Maganda?"
"Magaling magturo mam?"
"Mala-mam Arlene din po ba?"

Ayan. Sunod sunod na ganyan ang maririnig sa classroom. Kunsabagay, magaling na teacher namin si Mam. Alam mo yung kahit mahirap yung lesson napapadali niya? Nakakapanghinayang nga na umalis siya dito. Pero sinong hihindi sa public school? Mas mataas kaya sahod dun kesa sa private schools. Well, depende pala. Pero mas maraming advantages ang pagtututro sa public schools, lalo na kung nakapasa ka sa board exam.

My Adopted Love (On Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon