Andru's POV
Pagkatapos namin kumain. Inasikaso kami ng pamilya ni Yulhi. Ang bait nga nila. Siguro nasa lahi nila? Alam ko na kung saan natuto ng kabaitan at kakulitan si Yulhi.
"Yan lang talaga yung susuutin mo?" Narinig kong tanong ng baklang pinsan ni Yulhi.
"Bakit? Maayos naman itong suot ko diba?" Sagot naman ni Yulhi at lumabas sila sa kusina.
"No! Masyadong kang simple teh!"
"Tama siya mommy!" Ay! Sumingit naman tong kapatid ko oo oh!
"Ha? Ganon? Eh maayos naman to ha." Angal niya.
Naka-simple jeans lang kasi siya at simple shirt. Kaya ganyan makaangal ang mga pinsan niya.
"Haay nako! Tara nga! Aayusan kita sa taas babae ka!" At dun nagtatapos ang palabas ng magpinsan.
Hinatak nung pinsang bakla ni Yulhi si Yulhi sa taas at inayusan daw siya. Narinig ko pang umaangal si Yulhi pero binabara lang siya ng mga pinsan niya sa taas.
------------------------------------
"Bye ate Yuls! Ingat ka diyan ha! At wag na wag mong aalisin yan ha! Bye!" Papaalis na yung mga pinsan ni Yulhi.
Gagabihin na daw kasi sila pag tinanghali sila at ngayon na raw sila aalis. Kaya ibinilin na lang nila samin yung bahay na bago umalis ay ayusin muna ang bahay at dumalaw-dalaw daw dito pati sa mga magulang niya.
"Hoy! Andru! Ipagkakatiwala ko sayo si Yulhi ha! Ikaw ng bahala diyan!" Sabi ng Kuya Jay ni Yulhi. "Aray! Kuya John! Bakit?! Binibilin ko lang si Yulhi kay Andru eh! Kung kayo ibibilin yung bahay! Ako si Yulhi!" Nakatikim lang ng naman ng batok si Kuya Jay sa Kuya nila.
"O sya. Yulhi alis na kami ha. Ikaw na bahala sa bahay. Andru, ikaw ng bahala sa anak namin ha. Sige una na kami. Ingat kayo diyan ha. Walang gagawing kalokohan."
"Pa! Pero anak?" Tanong ni Yulhi.
"Anak. Hindi porket wala na ang mommy at daddy mo, wala na rin kami para maging bago mong pamilya. Andito pa kami. Kaya simula ngayon, kahit Santos yang apilyido mo Luague ka pa rin. Santos lang yung nakatatak bilang tanda na isa ka pa rin sa part ng Santos. Pero Luague ka sa puso, isip at kaluluwa mo. O siya mahuhuli na kami. Babye na ingat ha. Yung mga bilin namin, wag kalimutan." Sabi naman ni mama.
O diba! Pati ako nakiki-mama na! Ganyan talaga kapag sure na akong siya na ang magiging soon to be wife ko! Pero siyempre malayo pa yun!
"Bye!" Paalam ng mga pinsan niya.
"Byeeee" paalam ng soon to be wife ko- este ni Yulhi. Sorry nadulas.
Pumasok na ulet kami sa bahay nila.
"Ayos lang talaga tong suot ko?" Tanong niya habang nag-aayos ng bahay. Tulad ng bilin sakanya.
Naka- maong short kasi siya tapos naka polo siya na nakaayos na. Naka- open yung butones at meron syempre siyang shirt sa loob nun.
"Oo." Simpleng sagot ko at tinulungan siya.
"Mommy! Daddy! Tara gala na tayo!" Aish! Panira talaga tong kapatid ko kahit kelan! Dapat pala hindi ko na siya sinama! Pero okay lang. Feeling asawa naman ako ngayon. Haha!
"Ha? Asan Daddy mo? Sino?" Tanong ni Yulhi.
Hindi nga pala niya alam na ako yung daddy-dadihan ni Naomi! (>a<).
Pinigilan ko yung tawa ko at nangingiti na lang ako.
Nakita kong tinuro ako ni Naomi. Natigilan naman si Yulhi ng tumingin siya sakin. Dun na ko natawa.
"Hahahaha! Hi. Ako nga pala yung Daddy ni Naomi. Your husband." Mas lalo siyang natigilan. "Siyempre joke lang yun. Hahaha! Ang epic ng mukha mo kanina! Hahaha! Laptrip to tol!" Tawa lang ako ng tawa dun.
"Ang sama mo rin eh noh!" Sigaw niya ng malabawi siya sa kaengotan niya.
"Syempre! Kaya nga badboy eh!"Sagot ko.
"Haish! Bahala ka na nga diyan! Maglilinis lang ako ng bahay. Manood na lang muna kayo diyan." Sabi niya at kumuha ng walis.
"Tulungan ka na namin." Pag-prisinta ko.
"Wag na! Kaya ko na toh! Ako pa! Eh mas malaki pa nga yung nililinis ko sa ampunan! Upo na lang kayo diyan ni baby."
Naglinis siya ng bahay, habang kami nanonood lang. Ayaw niyang tulungan namin siya eh. Hindi rin naman ako marunong maglinis. Saka bakit pa, eh mayaman kami, pwede namang iutos ko na lang sa katulong, para saan pa ang katulong noh?! Sayang bayad namin sa kanila!
"Tapos na! Oh diba! I told ya! Kaya kong matapos maglinis ng bahay mismo agad-agad!"
"Yabang! Oh sige na upo ka na muna. Ikukuha lang kita ng tubig. Wag ka na mag-alala sa baso. Ipapatungga ko na lang sayo yung isang pitsel." Sabi ko at tumawa ako. Si Naomi tutok sa cartoons na pinapanood niya.
"Andru! Ikaw na lang maghugas ng baso!" Sabi niya. Wow! Ano ako yaya niya?! Pero di bale na nga! Para sa asawa ko. Wag kayong epal! Eh sa soon to be wife ko rin naman yan!
"Oo na. Ano pa nga bang magagawa ko. Eh under ako sayo. You're my wife right? So I'm under to you." Sabi ko sabay kindat.
"As if noh! Ikuha mo na nga lang ako ng tubig."
"Sus! Kinikilig ka lang eh!" Asar ko. Dinilaan niya lang ako at kumuha ako ng tubig para sa asawa ko. Hahaha! Totoohin ko na lang!
"Oh. Ito na yung tubig mo." Binigay ko kay Yulhi yung tubig. Pero hindi niya inubos. Aksayangera sa tubig! Parehas sila ng anak-anakan niya!
*Ding! Ding! Ding! Aw! Aw!* (A.N: sorry gate lang meron sila. Di pa nila afford doorbell. Sorry na rin sa aso.)
Nagkatinginan kami ng biglang may kumatok sa gate nila at kumahol yung aso nila.
"May binilin ba sayong bisita sila Tita?" Umiling naman siya.
Sino naman kaya yung bwisit na panggulo ng momentum naming mag-asawa na toh?! Bwiset ha! Feeling asawa na ko eh! Yun na eh! Panggulo naman oh!
"Ako na." Sabi ko sabay tayo at gulo ng buhok.
Bwiset talaga! Oo oh! Panggulo!
___________________________________
Bitinin ko muna kayo guys ha! Gusto ko lang po mag-request. Pwede po ba?
Pwede po bang mag-comment kayo at saka vote... Kahit po simpleng comments lang magtatatalon na po ako at lahat ng kaylangang gawin gagawin ko na po para lang makapag-update mismo agad-agad.
Pls po... And very thanks po talaga kay ate KawelleAnne!!! Super thankful ako sakanya!!!
Pls comment and vote.... thanks po!
BINABASA MO ANG
My Adopted Love (On Revision)
Teen FictionAndru James S. Dela Cruz, mayaman, matalino, pogi, mabait, mayabang (well depende), at lahat na ng pangarap mo na ideal boyfriend. Ay na love at first sight sa isang babaeng, simple, maykaya, nerd looking, baduy (dahil sa sobrang kasimplehan) at i...