Andru's POV
'Taya! Hoy Charles ikaw na yung taya! Ang daya mo talaga kahit kelan!'
'Edi taya!'
'Hoy! No balikbayan!'
'Bike na lang tayo!'
'Yoko! Patintero na lang!'
'Tamaang bola?!'
'Sige yun na lang!'
Lechugas na yan! Ang ingay ah! Kanina pa sila eh! Kaya ayokong nagpupunta sa mga ganitong lugar eh!
Napatayo ako sa kama.
Teka. Asan na si Yulhi? Katabi ko lang yun kanina ah. Sumilip ako sa bintana.
At nakalimutan kong may pagka-isip bata nga pala yun. Isa siya sa mga batang naglalaro sa labas.
Teka. Pati si Naomi?
Hayaan na nga lang siya sa labas. Ng matuto namang makihalubilo ng hindi nakikipagplastikan yun.
Bumaba ako at lumabas para tawagin sila.
Kasalukuyang nag-tatamaang bola sila pagkababa ko.
"Yulhi. Naomi." Cold na tawag ko sakanila.
Kalaro kasi nila yung bwisit na kababata ni Yulhi. Yung Julian na yun. Makadikit kay Yulhi. Akala mo linta. Hindi lang linta. Lintang ubod ng kadirihan. ?Π+4Π9 !Π4 lang. Ang sarap niyang bugbugin. Hindi lang. Patayin na para masaya. Chugas.
"Andru! Tara sali ka samin.!" Yaya ni Yulhi.
"Oo nga Kuya! It's fun huh!" Sabi naman ni Naomi. Palibhasa kasi ngayon lang nakalaro ng ganito kasama ang ibang bata.
Puro kasi pasosyalan sakanila. Tsk.
Inirapan ko lang sila habang nakapasok sa bulsa ang kamay ko. Tapos pumasok na ulit ako sa bahay.
Yulhi's POV
Anyare dun? Badtrip? Yaan mo nga siya. Busy ako sa pag-iwas sa bola dito. Namiss ko din na maglaro noh.
"Oh shiz!" Yan! Kakaisip sakanya muntikan pa akong matamaan ng bola.
"Ate!"
"Ay gagi!"
Muntikan again. Buti na lang nahatak ako ni Lian.
"Aray!" Sabi ko.
Bigla niya kasi akong binatukan.
"Eh ikaw eh. Nagmumura ka na ah!"
"Parang ikaw hindi ah!"
"Atleast hindi na masyado."
"Pero nagmumura pa rin."
"Wag mo nga akong gayahin!"
Naguusap kami habang iniiwasan ang bola. Oo. Ganyan kami katindi maglaro ng tamaang bola. Kaya nga ayaw nilang nagkakapartner kami da kahit saan. Galing ko kasi pagdating sa paglalaro sa labas. De joke. Lam niyo na isip bata eh. Kaya ayaern. Magaling sa mga ganito. Lalo na dito sa tamaang bola. Magaling kasi ako umilag dahil sa maliit nga ako. Si Lian naman magaling sa pagsalo ng bola. Kaya ayan. Pagod na ang mga kalaro namin sa pangbabato samin.
"Ang hirap niyo naman na kalabaning dalawa. Kaya ayaw naming kayo yung magakakampi eh." Sabi ni Charles na nakababatang kapatid nitong si Lian.
"Haha. Ate, kawawa naman sila ano? Patalo na?" Tanong niya.
"Geh. Pagod na ako kakaiwas sa bola eh." Sabi ko. Matapos naming maglaro ng tamaang bola at magpahinga nag-agawang bola naman kami.
"Ate! Salo!"
Si Charles ang kakampi ko ngayon. Si Lian at si Naomi naman ang kukuha ng bola.
Bantay ni Lian si Charles. Si Naomi naman ako. Pero parang sinarili na ni Lian ang pagbabantay samin.
Pagkakuha ko ng bola. Nagulat ako dahil ang lapit ng mukha ni Lian.
"Gravity ka naman Lian. Nagugulat namana ako sayo."
Ngiti lang ang ibinalik niya. Seriously. Nahihirapan akong ipasa kay Charles ang bola. Una, dahil sobrang bantay sakin itong si Lian na para kaming nagbabasketball. Eh langya! Anong panama ko dito eh ang daming alam nito sa basketball! Ayaw nga lang talaga nitong maging varsity ng basketball, dahil more on badminton siya. Pangalawa, sobrang lapit niya. As in. Pero dahil sanay na ako. Tinititigan ko lang siya. Saka sanay na rin kami sa isa't isa. Presensiyang tomboy din kasi ako madalas. Hindi pala. Half tomboy half simple. Pala ako. Minsan lang po magmataray.
"Pagod na?" Pang-aasar ko. Hingal na kasi tapos pawis na pawis pa.
"Hinde ah. Baka ikaw. Pagod na." Pasa naman niya sakin.Ng pang-aasar.
"Hinde ah. Asa. Kaya ko pa noh. Ako pa ba? Di ako papatalo."
"Tingnan na lang natin."
Kahit ganitong nag-uusap kami. Patuloy pa rin kami sa paglalaro. Nakatitig lang kami sa isa't isa. Handa na sana akong ibato kay Charles ang bola na papel na pinag-aagawan namin. Nang may biglang humatak sakin.
"Pumasok ka na, pagabi na. Ikaw din Naomi! Uwi na! Pagabi na!"
At sa hawak pa lang kanina. Kilala ko na. Alam kong may clue na kayo. Sino pa nga ba. Edi si Andru.
"Anu ba Andru. 6 pa lang po kaya. Saka anong pagabi na. May araw pa nga oh! Ju-ey neto." Sabi ko ng makapasok kami sa bahay.
Naomi's POV
Look. Look. Look. My brother is jealous. Haays. Di ko din namang inaasahan na sobrang close ni Ate Yu sa kababata niya. Wag kayo. Lalaki pa. Akala mo nga mag boyfriend girlfriend sila eh.
Mukhang hindi lang pala si Kuya JL ang kaagaw ni Kuya. Pati si Kuya Julian din.
Sabagay, may panama din tong si Kuya Julian or Kuya J. He's sweetand caring, palatawa pa. He's also worth for ate Yu. Plus mobpa na kababata siya ni Ate. Hindi imposibleng magkagustuhan sila. Saka matagal na silang magkakilala.
Mukhang maraming kaagaw si Kuya kay Ate. At mukhang hindi lang sila. Marami pa.
Attractive din naman kasi ang mfa babaeng tulad ni Ate Yu. Simple but rock. Alam niya kung paano makisama sa mga lalaki.
"Sorry pero una na kami ni Ate. Sorry din sa inasal ni Kuya. He's just jealous. At don't worry. Ate can still do the solo at the mass. Sorry again." Sabi ko habang yumuyuko. At pumasok na sa bahay.
Dinaanan ko si Kuya na nanonood ng TV. Humarap ako sakanya.
Mukha namang wala si Ate at nagbibihis na. 7:30 kasi yung mass dito sa chapel nila.
Tumabi ako kay Kuya.
"Kuya Julian is a nice guy huh. He's,kind of cute. A sporty one. He's also sweet and caring. Palatawa pa. He know how to make Ate smile and laugh. Even when she's not in the mood. He is a kind of man na kayang kaya ka pakiligin anytime in a simple way. At mukhang may gusto pa yata siya kay Ate. Pati din yata si Ate." Agad siyang napatingin sakin ng may sobrang bad aura.
Tumayo ako humarap sakanya.
"Jealous! Bleeeeh!" Binelatan ko siya at nagtatatakbo pataas.
Bahala siyang magselos dun! Basta kay Kuya Julian ang boto ko ngayon! Hahahaha!
*^O^**^O^**^O^**^O^**^O^**^O^**^O^**^O^**^O^**^O^**^O^**^O^*
Ang sama bang kapatid ni Naomi? Hahaha! Well ganyan na ang magkakapatid ngayon eh. Hahaha! Hindi naman lahat pero kasama na kami dun ng kuya ko. Hahaha!
Sorry for super late update. Tingin ko wala ng nagbabasa nito ngayon. Pinagsawaan na siguro.
Kasalanan ko naman kaya k lang.
Again. Sorry for late updates.
Thanks for reading! Please vote and comments.
BINABASA MO ANG
My Adopted Love (On Revision)
Teen FictionAndru James S. Dela Cruz, mayaman, matalino, pogi, mabait, mayabang (well depende), at lahat na ng pangarap mo na ideal boyfriend. Ay na love at first sight sa isang babaeng, simple, maykaya, nerd looking, baduy (dahil sa sobrang kasimplehan) at i...