Yulhi's POV
Yay! Pasukan na bukas! Excited na ako sa bago kong school! Ang ganda pa ng uniform ko! Simple lang naman siya. Same sa ibang school na white polo with short sleeves. Yung ribbon niya red. Yung palda naman niya stripe na black na parang binahidan ng blue na above the knee. Ganon. Kina Andru naman same as our sa top. Pero sakanila bowtie. Tapos black pants. Ganon. (A.N : para makita o ma-imagine niyo tingnan niyo yung pic. Diyan ko lang po binase yung uniform. Yung uniform lang ah.)
Tapos nung umalis kami nun. Nag-enroll na rin ako. Kami palang tatlo. Well, hindi naman talaga ako. Dahil nag-exam ako nun for scholarship. Pinayagan na naman ni Tita. Ok din daw iyon. Pero daw ang gamit ko daw dapat sa school bongga. Kaya ayun. Binilhan ako nila Tita ng bonggang bag. As in yung mahal. Sabi ko nga kahit wag na, pero sabi naman ni Tita sa bag lang pagbigyan ko na daw na ibili niya ako. Kaya pumayag na ako. Pero sa notebooks and etc. ako na ang pumili. As in yung mura pero sulit. After nun, bumili kami ng mga dress, ganon. Pero si Tita at Naomi na talaga ang pumili. Si Andru, sunod lang samin tapos nakaheadset. At nung sa salon na nga kami. Plano ko nang tumakas at hatakin si Andru. Kaso nahila ako ni Naomi.
At i really hate girly stuff. At bakit?
Kasi nagiging babae talaga ako! Yung kaartehan level ko gumagana! Kaya i really hate salon.
Pinaayusan lang naman ako nila Tita ng buhok.
At heto ako ngayon at nag-aayos nga gamit. Nakapasa nga din pala ako sa exam. At sa buong school. 7 lang pala ang kaming scholars. Lahat daw kasi ng nag-aaral doon ay talagang mayayaman at may mga kumpanyang pinanghahawakan. Yung mga talagang pinanganak na mayaman.
"Excited ah." Nagulat ako ng may magsalita sa may pinto. Si Andru lang pala.
"Oo naman! Eh pangmayamang school ba naman yung papasukan mo eh!" Sabi ko.
Hinatak ko siya papuntang balcony.
"May aaminin ako." Sabi ko sakanya.
"Ano na mahal mo ako?" Pang-asar niya.
"Isang malaking, ASA. Hindi yun!" Yumuko ako.
Narinig ko ang paglipat niya sa upuan sa tabi ko. Iniangat niya ang mukha ko.
"Anong problema?" Bungad na tanong niya nang magtama ang mata namin.
"Natatakot ako para bukas. Naranasan ko ng maging loner. Unnoticed. Naranasan kong laging maging mag-isa. Ayoko ng mangyari yun. Sa public school pa lang yun. Ano pa sa mga ganong school na pasosyalan na?"
Pabuka pa lang ang bibig niya tumayo na agad ako.
"Tara na nga! Drama na ang peg natin ditey! Nood na lang tayo. Diba mahilig ka sa anime? Tara dali!" Sabi ko.
Narinig kong bumuntong hininga siya sa likod ko.
"Sa internet na lang. Nood tayo Ao haru ride. Maganda yun." Aya niya.
"Geh geh. Tara dali!" Sabi ko at inilabas ang laptop ko.
Ilang oras na kaming nanonood at ilang oras na din akong umiiyak dito.
"OA ka na, Yu." Saway sakin ni Andru.
"Eh sa nakakaiyak eh!"
"Psh. Tomorrow. We have rules." Sabi niya bigla.
"Duh. Malamang school rules." Pamimilosopo ko.
"Hindi yun!" Angal naman niya na naging dahilan sa pag-irap ko. Sinabi na niya sakin yun kanina eh. Pinapatanda lang niya.
"Oo na! No talk, no saying hi! Hello! As in WALANG pansinan! In short kunyari hindi tayo magkakilala. Wag naman akong mag-alala dahil it's for my protection. Kasi YOU KNOW. SIKAT ka nga kasi. At baka ma-issue pa ako." Sabi ko in a VEEERRRYY SARCASTIC way.
Narinig kong napabuntong hininga siya. Pasalita pa lang siya pinigilan ko na siya.
"Hep! Alam ko na yan! Sasabihin mo 'you know it's for you right? Don't worry. Babawi ako sayo lagi.' Yun sasabihin mo diba?" Sabi ko habang ginagaya pa yung boses niya.
"Kulang kaya." Sabi naman niya.
Napataas ako ng kilay. Kulang pa yun?
"Pinlano kasi namin na itago muna yang identity mo. In your birthday saka ka iapapakilala ng pamilya."
Napatango ako sa sinabi niya. Ipapakilala nila ako sa lahat? Bilang ano naman?
Well duh! Yulhi! Malamang bilang kapatid niya! Bilang kapamilya nila! At kapuso, sige idamay natin. Kapuso ako eh.
Alanganin namang asawa niya! O di kaya girlfriend. Pero hindi ba sabi nila Tita may girlfriend siya? Sino kaya yun?
Nagulat ako ng may yumakap sakin galing likod. Nakaupo lang kasi ako sa kama. Bale indiam seat.
Eh sino pa ba ang nandito sa kwarto ko? Alanganin namang yakapin ako ng mga kapatid ko eh deds na nga siley? Edi ang nag-iisang gwapo lang naman sa kwartong ito.
Malamang siya lang lalaki eh. Siya lang gwapo.
Si Andru lang naman.
"Don't worry. Poprotektahan pa din kita. As i always promise to you. Matulog ka na. Maaga pa tayo bukas." Sabi niya. At inihiga ako ng maayos sa kama.
Hindi ko din alam pero basta na lang sumunod ang sistema ko at unti unti na ako nakatulog habang nasa bisig niya.
Naks lalim! Bisig talaga!
-------------------------------
Hello readers!
Sorry sa very very very very late late update ko!I think wala ng nagbabasa nito. If meron pa pwede vote and comment?
Thanks!!!
BINABASA MO ANG
My Adopted Love (On Revision)
Fiksi RemajaAndru James S. Dela Cruz, mayaman, matalino, pogi, mabait, mayabang (well depende), at lahat na ng pangarap mo na ideal boyfriend. Ay na love at first sight sa isang babaeng, simple, maykaya, nerd looking, baduy (dahil sa sobrang kasimplehan) at i...