[Yulhi's POV]
"Anak, gising na. Happy valentines day."
Napamulat ako sa panaginip ko. Actually hindi yun panaginip. That's a memory. My Dad greet me early in the morning even though he knows bitter ako. Our last happy valentines day. Yung mga araw na bitter pa ako.
Well hanggang ngayon naman. Kahit na may boyfriend na ako. Sinong hindi magiging bitter kung puro papasa ng requirements para sa araw na ito ang president ng SC na boyfriend ko na iyon?! Idagdag mo pa ang itinambak na mga requirements ng mga teachers namin samin. Mga bitter! Hmp!
Aaawww. I miss my dad to greet me again like that. Napatingin ako sa posters ko ng BTS sa kwarto. Tumakbo ako palapit doon at niyakap yun. Buti pa sila ginreet ako! Kahit sa simpleng release lang ng MV nila
= ̄ω ̄=."Yulhi, dalian mo nang kumilos diyan. Kaylangan tayo nang maaga sa school." Sabi ng epal kong boyfriend at lumayas na.
See?! See?! Ni hindi manlang bumati nang happy valentines day o naghug manlang with kiss sa forehead! Naku! Andru James! Pasalamat talaga siya at mahal ko siya.
<(`^')>Nagdadabog akong nagpunta sa banyo at nag-ayos. Kinuha ko ang DLSR ko dahil needed ito. Maliit lang na backpak ang dinala ko dahil hindi naman kami papasok sa mga klase namin.
"Ang ba-" Nilagpasan ko lang ang sinalubong ako na si Andru.
Psh. Bahala siya sa buhay niya diyan. Bwisit na bitter!
"Hindi na po ako kakain! Uuna na po ako." Paalam ko.
"Ay Yulhi! Alam kong yan ang bungad mo today. Oh eto baon mo. Tinapay for breakfast kanin for lunch. Kainin mo yan!" Paalala ni Ate Gina.
"Thanks ate." Sabi ko at aalis na sana.
"Ay at Yulhi!"
"Po?!" Kainis na to si Ate ha!
"Yung damit na gagamitin ninyo ni Sir AJ sa Mr. And Ms. Valentine mo nasa compartment na ng kotse ni Sir. Happy Valentines Day." Sabi ni Ate. Napasimangot naman ako.
"Oh! Bawal bitter!" Bigla niyang paalala na nagpatawa sakin.
"Thanks for making her laugh ate." Napairap ako sa pagsulpot ng isang gunggong na bitter sa likod ko.
Iniwan ko na sila dun at nauna na sa kotse. Bahala sila diyan.
"Oh, bakit bitter ang girlfriend ko?" Bungad ni Andru at inistart agad ang engine ng kotse at nagsimulang magdrive.
"Dahil bitter din ang boyfriend ko →_→."
"Hahahahahaha! I forgot na matampuhin nga pala at isip bata ang girlfriend ko- ouch! Sige kapag tayo naaksidente ikaw pinaka-una kong ituturo na dahilan." Jusko. Boyfriend ko po ba talaga ito? Kung oo, pakipaalala nga po sakin kung paano?
Pagkapark pa lang namin agad na siyang lumipat sa side ko para pagbuksan ako. Hinalikan niya ako agad sa noo.
"You know i'm not the sweetest man you've known Yul. And this things are not my things. I'm not used being sweet Yul. And i'm not like those fictional-"
"You don't need to. Just do what you can. Just stay by my side. I'm happy with it." Ginulo niya ang buhok ko dahil sa sinabi ko.
Nagtulong kami na buhatin ang gamit namin. Pero siyempre kanya yung mas marami. Aba! Siya lalaki noh!
Like the usual scene. As we walk down the hallway all eyes are in us. Hindi ko maikakakailang noong una naiilang ako at naiinis. So what naman kasi kung naging kami diba? Bawal na bang magmahal itong si Andru porket nasaktan? Pero natuwa din naman ako dahil hindi din maikakailang, marami ang gustong makatagpo at makagaya sa relasyon namin. Oh well, every relationship are different.
BINABASA MO ANG
My Adopted Love (On Revision)
Teen FictionAndru James S. Dela Cruz, mayaman, matalino, pogi, mabait, mayabang (well depende), at lahat na ng pangarap mo na ideal boyfriend. Ay na love at first sight sa isang babaeng, simple, maykaya, nerd looking, baduy (dahil sa sobrang kasimplehan) at i...