Chapter 49- Last day???

6 0 2
                                    

Yulhi's POV

2 and half months na simula noong pumasok ako sa school na ito at mangyari ang lahat ng hindi ko inaasahang mangyayari saakin. Ang pagiging close ko sa Angels kahit patago. Ang pagiging buhay prinsesa, halos meron na nga ako ng lahat ng libro at merch na gusto ko. At mas lalo na ito.

Hindi ko aakalaing ganito ako magiging kasikat. Nagperform lang naman ako sa harap nilang lahat, pero dahil lang doon yung dating babaeng hindi pinapansin. Biglang kaboom! Hello dito! Hello doon! Kaway dito! Kaway doon!

"Hello Ate Yul!" Ayan! Tulad niyan!

"Bonjour!" Pabalik na bati ko naman sa sophomore boy na ikinatawa niya ng kaunti.

Well, actually kinakabahan ako today. My God! Iinterviewhin kami! It's a practice na din for future kapag nagaapply na kami. At ang mismong magiinterview samin? Shet lang! Mismong teacher namin sa english! Naku duduguin ako dun! Slang pa naman yun magsalita dahil talagang galing pa siyang ibang bansa! Sana nga hindi na lang siya pumunta dito! Ang baba lang ng sweldo dito! Sakanila mataas! Mga 4th floor building ang taas. Okay ang corn ko. Haha!

"Huy!"

"Ayangcornko!" Nangudngod ko agad sa sahig yung nanggulat sakin.

"Aray naman! Grabe ka Yul!" Angal ni JL.

"Bruho ka! Kinakabahan na nga ako tapos gugulatin mo pa ako! Pasalamat ka't wala akong sakit sa puso kundi patay na ako ngayon!" Bulyaw ko.

"Edi thank you. Ano ba-"

"Ehem." Napatingin kami sa nag-ehem.

Nanlaki naman agad ang mata ko at napagilid para makadaan siya habang nakayuko pa ako.

Agad naman siyang lumagpas samin.

Si Andru James S. Dela Cruz lang naman iyon na nakasuit na.

Tagapagmana nga siya ng kumpanya nila. Mukhang mukha eh. Bagay na bagay sakanya ang suot niya.

Nakasunod lang naman ako ng tingin sakanya.

"Wag mong masyadong titigan, baka matunaw. Picturan mo na lang pag-uwi." Bulong naman ni JL sa tabi ko.

Tinignan ko naman agad siya.

"Ewan ko sayo. Baliw." Sabi ko.

Papasok na sana ako sa room para makapag-handa handa pa. Kaso bigla naman akong hinatak nitong JL na ito at hinarap ang pagmumukha ko sakanya at chineck yun.

"Huy! Ano bang trip mo! Bitawan mo nga yung mukha ko!" Saway ko habang pinapalo palo pa yung kamay niya para bitawan ang mukha ko.

Baka mamaya kung anong isipin nang mga estudyante. Lalo na yung fans ng mokong na ito. Naku makalbo pa ako nang hindi oras!

"Naka-make up ka?" Tanong niya.

"Yeah. Kaylangan eh. Ngayon lang naman yan." Sabi ko.

"Bagay sayo." Sabi niya at inakbayan ako papasok sa loob nang classroom.

Para kaming mga empleyado na nang kumpanya dito. Lahat kami maga nakadress at blazer for girls, sa boys naman mga nakalongsleeve polo yung tapos naka-necktie pa papatungan nila yun nang suit nila. Lahat kami mga naka-semi formal attire dito.

Kahit naman nakaganito kami hindi mainit dahil malamig sa room at hindi masyadong polluted yung area ng school kaya hindi ganun kainit. Isa pa okay lang na nakaganito kami whole day dahil may possibility daw o talaga na hindi lang yung english teacher namin ang magtry samin, pati daw ibang teachers.

Kaya naman kuntodo effort kami sa mga isasagot at outfit namin.

"Beess! Lalaki na kami!" Bungad ni Z. Paano, nakapolo at suit din sila ngayon.

My Adopted Love (On Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon