Chapter 21- First Date

33 0 0
                                    

Andru' s POV

Napatingin ako ng marinig kong bumukas ang cr ng banyo niya. At lumabas si Yulhi. Ng nakatapis lang. Shet naman to! Balak ba ako akitin nito! Kung tama nga pwes! Tagumpay siya!

"Ahm. Dito ka ba magbibihis? Sandali lalabas lang ako." Sabi ko.

"Hindi na. Kukuha lang ako ng damit sa dati kong mga damit." Sabi niya sabay lapit sa aparador sa stage. Kung nasaan din ako. Nasa sofa kasi ako. Katapat ng TV. Tapos yung aparador nasa tabi lang din ng kama. Sa kanan. Dun nakalagay yung mga damit na dala niya nung galing siya sa ampunan.

"San ka magbibihis?" Takang tanong ko.

"Sa banyo malamang. Alanganin naman sa harap mo." Pamimilosopo niya.

"Magbihis ka na nga lang dun!" Utos ko.

"Oo na po." Sabi niya sabay pasok sa banyo habang dala dala yung damit na napili niya.

Sayang. Akala ko sa harap ko. Teka nilock niya ba yung cr. Baka pwede sumilip.

Napailing ako samga iniisip ko. Mga pinagiisip ko! I love her! At hindi lang siya katulad ng ibang babae na halos ibigay na ang katawan magustuhan ko lang. She's special. She's not like other girls sa tabi tabi. I know since we met there's something in her that is so special and unique.

"Huy! Andru! Anyare sayo?! Nagmala- ikay ka na sa pagkalutang mo diyan ah! Gaano kalalim ang iniisip mo? 100 feet ba kaya hindi mahukay?!" Sigaw niya na may kasamang yugyog. Kanina pa pala ako na-lutang.

"Ah. Sorry. May iniisip lang." Sabi ko sabay tayo.

"Tara?" Tanong ko habang ibinibigay ko ang kamay ko sakanya.

Alam niyo na asking for a holding hands in panananching way. Haha! Halata naman na chumachansing ako diba?

Kaso nga lang imbes na hawakan ang kamay ko dinambahan niya kayo sabay akbay. Oh diba? I told you she's unique. And unusual.

"Tara!" Excited na sabi niya habang nakaakbay pa rin sakin.

Lakas din mang-akbay nito noh? Liit liit naman. Haha! Ssshhh lang kayo ah?! Wag kayo mag-alala. Isa naman yun sa walang sawang dahilan kaya ko siya nagustuhan. ^_^|| korni ko na.

Okay serious mode na tayo. Tama na ang pagpapakita ng kabila kong side.

"Namiss ko na rin mag bike!" Sabi niya habang malapit na kami sa bike.

Ako naman ang umakbay sakanya para hindi siya makapalag. Nilagpasan namin yung bike.

"Uy. San tayo? Ayun yung bike oh!" Turo niya.

Binuksan ko ang kotse ko. Yung jaguar. Haha. Pagmayabang ko lang.

"Sorry my princess pero hindi na muna tayo sasakay dun. Dahil i want to spend a half day with you." Sabi ko habang inaantay ko siyang pumasok.

"Eh? Kamakaylan mama bear? Ngayon naman my princess? Anong kakornihan yan?" Sabi niya. She' s really unusual.

"Sakay na. That's an order. From your Prince." Sabi ko.

"Oo na po. My Prince." In medyo sarcastic at pang-asar way. Sabay sakay.

"Good girl. My Princess." Sabi ko sabay gulo ng buhok niya, pagsakay ko.

"Aish! Buhaghag na nga buhok ko ginulo mo pa!" Sabi niya sabay ayos ulit ng buhok niya.

Sus. Nakapony tail lang naman siya. Pero cute at maganda pa rin ∩__∩.

"Heh! San ba kasi tayo pupunta? Nakapambahay lang po tayo oh!" Tanong niya. Hmm. San nga ba? Aha! Alam ko na!

"Date."

My Adopted Love (On Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon