Angie's POV
Ako po si Angie F. Gonzales........ Only child po, katulad ng bessy ko. Hiwalay po ang magulang ko, walang pong gustong umangkin ng responsibilidad ng mga magulang ko. At kahit mga magulang ko ayaw na sakin, baby pa lng po andito na ko..... Tulad po ng sabi ni bessy mahiyain ako. Noong wala pa po si Yulhi dito, ay madalas nang ako ang pag-initan nila Megan, then isang araw dumating si Yulhi at ipinagtanggol ako.
Kakaalis lang nila Mr. And Mrs. Dela cruz, kaya naglinis na ulit kami ng kusina ni Yulhi.
"Sana hindi tyo noh?"
"Wish mo sa lahat ng santo, Mama mary, at kay Papa Jesus"
"Aish! Bahala ka nga! kukuha na nga lng ako ng pamunas sa bodega!"
"Mabuti pa nga!" Saka ako lumabas ng kusina.
"Siguro naman Sister kilala nyo na kung sino ang gusto namin dito" Napatago ako sa isa sa mga halaman malapit sa kusina ng marinig kong naguusap sina Sister at sina Mrs. Dela Cruz.
"Oo naman po Mrs. Dela Cruz. Ang pinakapaborito niyong bata dito ay walang iba kung hindi si Yulhi. Kelan niyo po ba siya kukunin?" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko..... Hindi! Bakit si Yulhi pa?! Pano na kami tatakas?
"Bukas Sister. Para naman makapag-paalam pa siya sa bestfriend niya" Sagot ni Andru. Tatayo na sana ako para sabihin kay Yulhi na siya ang napili....
"Haaay. Nakakaawa talaga ang batang iyon. Dalawang taon na siyang nandito at dalawang taon na rin simula ng mamatay ang mga magulang niya. Pero hindi niya alam. At nananatili na lang siyang umaasa." Sagot ni Mrs. Dela. Napatakip ako ng bibig ng rinig ko iyon. Hinintay ko munang makapasok sila Sister sa office at saka ako nagtatakbo papuntang bodega, para kumuha ng basahan.
*Sa kusina*
"Oh! Angie! Hingal na hingal ka dyan?! Sinong humabol sayo? At bakit ang tagal mo?" Bungad sakin ni Yulhi.
"Nakita ko kasi sila Megan. Eh sigurado uutusan na naman ako nun" Katwiran ko at saka tinulungan magpunas ng mga plato.
Matapos naming maglinis ng kusina ay nagpunta na rin kami sa kwarto namin. Naglaro na lang kami ng Music Hero sa tab niya. Pinadala kasi sa kanya ng Mommy niya. Makulit at masayahing bata si Yulhi. Paan kaya kung malaman niyang patay na ang magulang niya? Haay. Parang ang hirap sabihin sa kanya.
*Tok! Tok!*
Nagkatinginan kami ng marinig naming may kumatok. Tinanguan ko na lang siya kaya siya na ang nagbukas ng pinto.
Yulhi's POV
Nagkatinginan kami ni Angie ng biglang may kumatok.Tinanguan lang niya ako kaya ako na ang nagbukas ng pinto.
Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Sister Antonet.
"Yulhi. Pinapatawag ka ni Sister Madeline sa office niya. Sumuno ka na lang ha. Dalian mo daw."
"Opo Sister." Sagot ko at umalis na si Sister. Sinarado ko ang pinto at lumapit kay Angie.
"Ano sabi?" Tanong niya
"Pinapatawag daw ako sa office. Hala! Baka ako yung aampunin nila Mrs. Dela cruz?!" Waah! Ayoko pang umalis dito!!
"Hini rin natin alam. Sige na punta ka na. Susunod ako. Basta nandun lang ako sa labas." Sabi niya.
"Sige" Pilit akong ngumiti sa kanya.
Pumunta ako sa office. Habang papalapit ako ng palapit sa office mas lalo akong kinakabahan at mas lalong bumibigat ang mga hakbang. Napatigil ako sa harap nito.
____________________________________________________________
Waah!! Sorry kung very late update ha! Nasira kasi yung wifi namin!!! Sorry talaga!! Saka exam kasi namin!!
Pero bibitinin ko muna kayo ha! Sorry! Kasi magrereview muna ako!!
Very sorry! Thanks sa mga nagbasa!
BINABASA MO ANG
My Adopted Love (On Revision)
Teen FictionAndru James S. Dela Cruz, mayaman, matalino, pogi, mabait, mayabang (well depende), at lahat na ng pangarap mo na ideal boyfriend. Ay na love at first sight sa isang babaeng, simple, maykaya, nerd looking, baduy (dahil sa sobrang kasimplehan) at i...