Yulhi's Birthday

0 0 0
                                    

[Yulhi's POV]

Yay! It's my birthday! Naglilibot ako ngayon dito sa kaharian. De joke. Dito sa mansiyon.

Busy kasi silang lahat para sa paparty ko later. Doon sa likod bahay na malawak gaganapin.

Gustuhin ko man na tumulong. Ayaw naman nila, prinsesa daw dapat ako ngayon dahil birthday ko today -_-.

Pati itong first floor inaayusan nila.

Ganito ba talaga dapat kabongga ang pagpapakilala saakin bilang parte ng pamilya at girlfriend ni Andru? Alam kong kilala at pangalawang pinakamayaman ang pamilyang ito. Pero sobra na yata ito para sakin.

"Ija! Happy birthday! Nakapagpahinga ka ba?" Bungad ni Tita saakin na nakasalubong ko ngayon dito sa sala.

"Thank you po Tita. Siyempre naman po nakapagpahinga ako! Eh kayo po? Busy po kayo eh." Nahihiyang sabi ko.

"Oh we're okay ija. Everything is set. Nakapag-praktis ka na ba para mamaya?" Tanong niya.

"Kahit naman hindi na niya praktisin iyon Mom. Kabisado naman na talaga niya yun." Napalingon ako kay Andru.

True! Ang pagpapakilala kasi sakin ay magpeperform ako. Kami ni Andru rather.

"Mom, may pupuntahan po pala kami ni Yulhi." Pupuntahan? Eh set na naman lahat ah.

Mamayang gabi pa naman yung party so mamaya pa sin pupunta ang photographers, videographers, make-up artist, at kung ano ano pa. Nasa kwarto ko na din ang mga damit na susuotin ko. Kahit ang mga damit ng mga pinsan at kamag-anak namin.

Semi-formal kasi ang party. At dahil alam ni Tita ang estado ng familey ko. Ayun at pinahiram ni Tita ng mga damit ang mga ito. Yung iba ko namang pinsan na babae ay pinahiram ko na lang ng dress. Kakahiya kaya kapag nagpagawa pa. Yun kasi ang unang plano pero tinanggihan ko agad.

"Oh sure! Bumalik lang kayo agad. Please!" Paalala ni Tita.

Nginitian namin siya at saka na siya umalis sa harap namin para asikasuhin ang pag-aayos dito para mamaya.

Hinatak naman na ako ni Andru para umalis. Nakasuot na naman ako ng disenteng damit dahil baka may biglang magsulputan na na bisita.

"Maglalakad lang tayo?" Tanong ko. Tuloy tuloy lakad lang kasi kami palabas.

"Gusto mo pa ba magsasakyan kung ang lapit lang ng pupuntahan natin? Ikaw nagturo sakin na kapag malapit lang ang pupuntahan maglakad na lang." Tignan mo ito. Nagtatanong ng maayos eh.

"Nagtatanong lang eh!" Tinawanan lang niya ako.

Nagulat ako noong pumasok kami sa resort na nasa loob nitong compound. Nakahalata din ako na may mga lobo na designs dito.

Okay. Mukhang alam ko na ito.

Pumasok kami sa hall nitong resort.

And at that moment. I feel na birthday ko na nga. In a simple way. Simple, like my old life.

"Happy birthday!!!!" Sabay sabay nilang sigaw lahat.

All of my relatives are here. Kahit ang barkada nandito. At siyempre mawawala ba sa akto ang mga kababata ko na sinundan pa ako dito.

Simple lang naman. DIY lahat ng designs. Yung cake? Simple lang. Malaki lang na alam kong kasya lang samin. Kakaunti lang din naman yung handa at alam ko na kung sino sino ang mga nagluto.

Niyakap ako agad ni Kuya Ruben. And at that time, I started to cry.

I miss my parents so bad. Naisip ko. Kung buhay sila, nasaan kami ngayon? MOA ba o gumagala sa kung saan? May party? Ewan ko din.

My Adopted Love (On Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon