Andru's POV
"Matagal ko nang tanggap na pangit ako. Pero hindi ako nagseselos kasi mas maganda siya. Nagseselos ako kasi crush kita-" Napapreno ako sa sinabi niya.
Ano? Crush niya rin ako? Totoo ba to? Nanaginip ba ako? Pakigising nga ako. Di pa ako ready eh.
"-Or lets say. Napopogian ako sayo. Kanina ko lang narealize, ang pogi mo pala kahit mayabang ka. Kung sabagay may ipagmamayabang. Pero tulad ng mga nakikita kong pogi. Ayoko sa inyo. Hindi naman kasi porket pogi kayo, akala niyo lahat ng babae magugustuhan kayo. Wag ganon. Masyadong feeling eh. Pero ikaw naman, dahil oppa kita napopogian lang ako sayo." Ouch! Akala ko naman may gusto na rin siya sakin.
Ito naman kasing babaeng to! Masyadong honest! Sabagay. Honesty is the best policy, ika nga nila.
Pinaandar ko na ulit yung kotse at nag-drive na lang ng tahimik.
Yulhi's POV.
Nyahahaha! Akala siguro ni Andru may gusto na ako sakanya! Hahaha! Asa siya noh! Pogi lang siya! Pero hindi pa siya pasado sa ugali! At asa siyang papasa siya sa ugali!
Pinaandar na lang niya ulit yung kotse. Haha! Kala niya ha! Yan ang mahirap sa umaasa! Sabi nga nila, 'maraming namamatay sa maling akala' XP
Natulog na lang din ako sa kotse. Tutal mukhang malayo pa naman yung bahay nila.
*****
"Yulhi. Gising na. Nandito na tayo sa bahay." Nagising ako ng biglang magsalita si Andru.
Buhat- buhat niya na si Naomi at nasa labas na sila ng kotse. Tulog pa rin si Naomi.
Paglabas ko sa kotse.... (*O*)
"Wow. Andru? Anong kaharian to?" Natanong ko na lang.
Pano ba naman kasi merong tatlong maid ang sumalubong samin at isang lalaking naka-tuxcedo. Tapos ang laki ng bahay, malapalasyo! Ang laki din ng garden nila sa harap ng bahay. May fountain pa sa gitna!
"Baliw ka talaga. Ito yung main house namin. Dito madalas ginaganap yung mga parties namin. Hindi ito bahay, sa totoo lang. Mansion namin to." Weh? Di rin naman to mansion eh! Kaharian talaga to!
Parang yung bahay namin bahay lang ng aso nila eh. Hiya naman ako sa bahay namin.
"Weh? Di halata ah." Asar ko. Sinundan ko lang si Andru. Mamaya maging si San Chai ako dito. Na naligaw sa bahay nila Dao Min Zui, dahil sa laki. Dahil sa laki may mapa pa!
Katakot naman dito. Apat lang sila dito tapos ang laki ng bahay nila. Buti na lang andito na ako para paingayin yung bahay nila. Papapartey nga ako dito ng sumaya naman. May mapa din kaya to?
"Good morning young master and young mistress."
"Aykabayongbaklangengot!" Gulat naman ako kay Kuya! Bigla na lang sumulpot!
"Kuya, kagulat ka naman." Sabi ko.
"Sorry po young mistress." Pag-sosorry niya. Ay bongga! Ako young mistress?! Weh?!
"Ako po? Young mistress? Naku. Yulhi na lang po." Sabi ko.
"Masanay na po kayo. Isa po yan sa rules dito young mistress. Ako po pala si John. Ang head maid po dito, young mistress. And heres your Personal Assistant, Gina. And your Buttler, Keen." Ay! Sosyal! May Buttler na ko! May PA pa ako!
"Konichiwa!" Bati ko sa kanila at nagbow sa kanila.
"John, bring Naomi to her room. Asan sila Mom?" Binigay ni Andru si Naomi kay John.
"Nasa family room po young master." Sabi naman ni Kuya John. At umalis na si Andru.
Andrung to walang galang! Di manlang nag-thank you!
BINABASA MO ANG
My Adopted Love (On Revision)
Teen FictionAndru James S. Dela Cruz, mayaman, matalino, pogi, mabait, mayabang (well depende), at lahat na ng pangarap mo na ideal boyfriend. Ay na love at first sight sa isang babaeng, simple, maykaya, nerd looking, baduy (dahil sa sobrang kasimplehan) at i...