Chapter 38

2 0 0
                                    

Andru' POV

I can't do anything kundi tignan na lang si Yulhi na pa-ika ikang naglalakad. Gustuhin ko man na buhatin na lang siya para hindi siya mahirapan. Eskandalo naman ang kalalabasan kapag nakita kaming magkasama.

That feeling when you can't protect your princess.

Nang mawala na ng tuluyan sa paningin ko si Yulhi, naglakad na ako pabalik sa headquarters.

Pumunta lang din naman ako dun para tumambay. Ang iingay kasi ng mga kasama ko doon. Hindi manlang ako makapag-isip ng maayos.

"Huy, san ka galing?" Bungad ni Aly.

"Sa likod ng building." Tipid kong sagot at umupo sa isang couch.

"Hanga din ako sayo brad. Buti na lang at wala pang nakakatiyempo sayo dun." Sabi naman ni Ton.

Nagkibit balikat lang ako. Oo nga naman noh? O sadyang takot lang ang mga estudyante dito sa usap-usapang may nakita ng patay doon. Psh. As if totoo yun.

"Dahil nandito na si Prince. Kain na tayo!" Announce naman ni DJ.Patay gutom amputek.

"Tara! Kain na!" Isa pa itong si RC.

"Gutom na din ako. Tara." Ayun. Nabuo na ang Tres Tangasis dahil nakisali na itong si Law.

"Oorderan ka na lang namin Prince ha?" Sabi naman ni Yuki habang nagsisitayuan na sila para pumunta sa cafeteria.

Tumayo naman ako na nagpatigil sakanila.

"Sama na ako." Sabi ko naman na nagpanganga sila.

"Seryoso ka Kuya?" Hindj makapaniwalang tanong ni Ash.

"Oo bakit? May masama ba?" Maangas na tanong ko sakanila.

Napailing na lang sila ng todo.

"Wala pala eh. Tara na." Sabi ko at nauna nang lumabas.

Napapatingin samin yung mga estudyante habang naglalakad kami papuntang cafeteria. Tch. Ayan na naman sila sa mga tingin nila.

Pagpasok pa lang namin. Kita ko na agad sila Yulhi. Doon ba naman sila nakaupo kasunod ng table na madalas naming upuan eh. Hindi pala namin dahil the past 3 years ngayon lang ulit ako kumain dito.

Pumila naman kami sa pila. Kahit naman sikat kami dito, hindi pa rin dahilan yun para magmalaki kami. Estudyante pa din kami.

Napatingin ako kay Bryle na tuloy tuloy na naglalakad papunta sa unahang pila. Hinatak ko siya papunta sa harap ko para pumila.

"Matuto kang sumunod sa rules B." Sabi ko.

"Tch." Nasabi na lang niya.

As if naman na makakalaban yan sakin. Badboy laban sa badboy? Not bad. Hindi pala not bad. It's actually bad. Hes my bestfriend for fuck sake. Pero siyempre hindi ko pa ding maikakailang mas tinuring kong bestfriend si JL at mas matibay ang bond namin.

Teka nga. Bakit ko ba iniisip yung ga--n- yun? Bahala na nga siya sa buhay niya.

"Prince bakit mo nga ba naisipang kumain bigla dito? Nasasapian ka ba?" Sabi ni RC na nasa likod ko pala.

Binatukan siya ni DJ na nasa likod naman niya.

"Tungaks ka talaga! Malamang umiibig! Sa tingin mo, anong dahilan at dito kakain yan? Edi walang iba kundi dahil sa kanyang minamahal! Utak dude!" Aba't walangyang DJ toh!

"DJ!" Saway namaa sakanya ng iba.

"Oh, bakit?" Takang tanong niya.

Bago pa siya mapagsabihan ng iba, lumapit na ako sakanya at mahigpit siyang inakbayan.

My Adopted Love (On Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon