Yulhi's POV
"Yulhi, may sasabihin ako sayo......" Napatingin ako kay Angie. Nakatingin lang siya sa langit, ang lungkot ng mga mata niya.
"Paano kung malaman mong patay na ang mga magulang mo.......?" Tumingin sya sakin pagkasabi niya non. Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya.
"A-Angie? Wag mo sabihing....?" Hindi na niya ako pinatapos sa.
"Oo. Patay na ang mga magulang mo. Hindi ko alam kung pano. Pero ang alam ko two years na daw silang patay." May tumulo na namang luha sa mata ko. Hindi ko alam...... Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon...... Masyado pa akong nagugulat..... Pero bakit? Bakit ako pa?...........Natulala ako sa mga sinabi ni Angie..... Hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko......Umiiyak na lang ako.....
"Iiyak ka na lang ba diyan? Tutunganga ka na lang diyan? Puntahan mo na sila." Sabi sakin ni Angie.
"Para san pa? Wala na sila. Wala na kong magulang. Wala na akong aabutan dun. Mabuti pang magpaampon na ako ngayon sa mga Dela Cruz. Wala na naman akong maabutan sa bahay eh." Tumayo ako sa kinauupuan namin.....Tama naman ako eh....Ano pang aabutan ko dun?
"Wala na nga yung mga magulang mo. Pero andyan pa naman ang kuya mo. Baka nagiipon siya ng pera para makuha ka na ulet. Hindi mo man lang ba dadalawin yung kuya mo? Ayaw mo bang makita o makausap ang mga magulang mo?" Napatingin ako sa kanya.
"Ha?"
"Pinagimpake na nga kita kahit konti dito oh. Tapos binutas ko pa yung pader dun para lang makatakas ka....." Tinuro niya yung pader sa gilid, at tama siya. May butas nga dun at kasyang kasya ako.
"Pero pano?....." Aish! Hindi na naman ako pinatapos eh noh?!
"Pano ako? Sige na. Kaya ko na sarili ko. Alam ko naman na babalikan mo ko eh. May tiwala ako sayo. Kaya try mo lang sirain yun malilintikan ka sakin!"
"Oo na po!" Para kaming ewan dito. Iiyak tapos magaasaran! Baliw lang!
Hinagis niya yung bag ko."Bag mo! Dali! May tao!" Kinuha ko yung bag ko. Tumakbo ako sa butas, pero huminto muna ako at tiningnan siya. Nginitian niya ako.
"Dali na! Kaya ko na to! Bumalik ka ha! Kapag di ka bumalik! Sabi pa naman nila Sister may aampon sakin! paglabas ko hahanapin kita pag di ka bumalik!" Napatingin siya sa likod niya kasi may kumaluskos. "Dali na! Pag tayo nahuli hindi ka na makakatakas!"
"Thanks!" Sagot ko at tumakbo na sa butas na ginawa niya.
Takbo lang ako ng takbo habang umiiyak.... Hindi ko alam kung tama ba yung tinatakbuhan ko papunta samin....Pagod na ako pero ayoko pa rin tumigil.....Gusto kong yakapin si Kuya....... Ang lungkot nga lang isipin na hindi ko na makikita ang mga amagulang ko...... Marami na akong nakakasalubong na tinitingnan ako at nabubunggo ko..... Pero wala akong pake!..... Gusto kong makita sila Kuya..... Sila mommy.......Lalo na si daddy.......... Hindi ako galit sa kanya......Lalong hind ko siya kinamumuhian........Pero naiinis ako....... Naiinis ako kasi hindi niya pinagkatiwalaan si mommy......
Natigil ako sa pagtakbo ng may humarang sa daan ko........
Andru's POV
"Dali na! Kaya ko na to! Bumalik ka ha! Kapag di ka bumalik! Sabi pa naman ni sister may aampon sakin! Paglabas ko hahanapin kita pag di ka bumalik!" Napatakbo na lang ako sa parking lot para kunin yung kotse at sundan si Yulhi.........
*calling Dad*
"Hello Andru?"
"Dad, just call Kuya Tony! I get the car! I have some emergency!" Palusot ko kay Dad.
BINABASA MO ANG
My Adopted Love (On Revision)
Teen FictionAndru James S. Dela Cruz, mayaman, matalino, pogi, mabait, mayabang (well depende), at lahat na ng pangarap mo na ideal boyfriend. Ay na love at first sight sa isang babaeng, simple, maykaya, nerd looking, baduy (dahil sa sobrang kasimplehan) at i...