Chapter 45

1 0 0
                                    

Yulhi's POV

"Hey, sleepyhead. Wake up." Napadilat ako noong gisingin ako ni Andru.

Minsan lang ako gisingin niyan eh.

Teka, naisip ko bigla yung nangyari. Panaginip lang ba yun o totoong nangyari? Nakakatakot naman kung totoong pangyayari yun.

Hindi ko lang talaga maimagine na pwedeng mangyari yun sakin.

"Andru, totoo ba yung nakidnap ako?" Sabi ko pagkatayo ko.

Nagsusuot na siya ng polo nang makatayo ako at makatingin sakanya.

Napatigil naman siya.

"What if i say yes?" Seryosong tanong niya.

So it's true? Totoo nga lahat? As in lahat?

I can't say anything. Ayoko siyang harapin ngayon dahil sa nakita niyang estado ko kahapon.

Kahit ang mga kaybigan ko. Ayoko munang magpakita sakanila. Rather ayoko nang magpakita sakanila. Ayoko nang lumabas ng bahay to think na baka may dumukot na naman sakin. Na baka gawin na naman nila saakin iyon.

I was in my deep thinking ng bigla akong ipat sa ulo ni Andru, dahilan para mapatingin ako sakanya.

"I told you it's okay. Walang ibang makakaalam, and please wag mo nang ipaalala sa sarili mo yung nangyari. Napakulong na namin si Charlie at the rest of the group. So please. Burahin mo na sa isip mo yun." Pagpapanatag niya pa.

Hindi ko talaga maatim na magpakita sakanila ng harap-harapan. Not now.

"May mask ka ba?"

Nangunot ang noo niya sa tanong ko.

"Meron naman siguro. Why? Saan mo gagamitin?"

"Pahiram na lang please."

Napabuntong hininga na lang siya at lumabas ng kwarto ko. Malamang para kumuha ng mask.

Habang wala pa siya ay i took the chance para maligo at mag-ayos na. Dahil hindi niya ako papayagang hindi pumasok, panigurado yun. As much as possible gusto niyang maging perfect ang attendance ko.

Noong matapos akong mag-ayos ay nakita ko ang breakfast ko nakapatong na din doon ang mask na hinihingi ko. Yung mask na pang maysakit ba ang peg pero nalalabhan lang.

Kinain ko na lang ang breakfast ko at saka mabilis na bumaba. I was wearing the mask na binigay ni Andru kaya i feel me before.

"Hi Yulhi!" Bati saakin ni Ate Gina na ipinagtaka ko.

Energetic na ate ha!

"Ay Yulhi! Ihahatid ka daw ni Keen! Nandoon na sa labas iyon kasama si Sir AJ. Kanina ka pa iniintay." Pahabol pa ni Ate na tinanguan ko lang.

Patakbo akong lumabas ng bahay at naabutan ko nga sila ni Andru at Kuya Keen na nag-uusap. More than, tunog binibilinan.

Lumapit ako sakanila para makinig.

"Ihahatid at susunduin ka ni Kuya Keen. No buts." Magsasalita pa lang sana ako kaso inunahan na niya ako. Edi no buts.

"Kapag sa isang linggong ito ay may araw na hindi ka sinundo ni Kuya Keen, kayong dalawa ang mananagot saakin. Sumakay ka na at malapit na tayo mahuli sa klase."

"Dagdag pa pala Yulhi. Kapag may lakad ka kasama mo pa din si Kuya. Everywhere. Unless kasama mosi JL o ang isa sa barkada. I don't even trust your boy bestfriend and your two gay friends." Sabi niya at saka na humarurot ng alis dala ang motor niyang pinakamamahal.

My Adopted Love (On Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon