JL's POV
Naglalakad kami papunta sa mga rooms kung saan nagpapractice ang mga Dance Club nang mapatingin ako sakanya. Nakaheadset siya. Kinuha ko yung isa dahilan para mapatigil siya. Pero mas nagulat ako sa kantang pinapakinggang niya. Tagos sakin. Para kasing ako.
Kung ako ba siya mapapansin mo? Kung ako ba siya mamahalin mo?
Ano ba ang meron siya na wala ako?
Kung ako ba siya iibigin mo?Walanghiyang babae to? Kung ako ba siya talaga ang pinapakinggan? Nananadya ba to?
Bigla niyang hinugot yung headset na nasa tenga ko.
"Sinong nagsabing makihati ka? Tumigil ka nga. Isipin ng iba boyfriend kita." Saway niya at naunang maglakad.
"Bakit? Pwede ba?" Pang-aasar ko lang. Pero siyempre may halong katotohanan.
Halos lahat naman ng dinugtungan ng 'joke lang!' may halong katotohanan.
Sinundan ko siya. At kinalabit ng paulit-ulit.
"Tigilan mo nga ako JL." Asar na saway niya.
"Hahahahahaha! Sulitin mo na. Baka mamaya bigla mo'ng mamiss ang ang pang-aasar ko, sige ka." Sabi ko.
Inirapan niya lang ako. "Ewan ko sayo." Dugtong niya pa.
"Ayos! Nandito na sila!" Biglang announce ng isa sa Dance Club pagpasok pa lang namin.
Agad namang tinanggal ni Yulhi yung headset niya at inilagay sa bulsa niya.
"Anong meron?" Natanong ko na lang.
Nakita ko din kasi ang President ng Musical at Drama club.
"JL! Yulhi! Halikayo!" Aya ni Ate Mae, ang President ng Musical Club.
Lumapit naman agad kami.
"Bakit?" Tanong ni Yulhi.
"Naisip kasi namin na pagsamahin na lang ang performance namin. Kayo sana ang gusto naming gawing bida. At the same time, tulungan ninyo kami. Okay lang ba?" Sabi naman ni Ate Camille, na President naman Drama.
"Okay lang naman po, pwede ko kayong tulungan sa scripts, saka kami ni JL sa song. Si JL naman pwede di'ng tumulong sa dance." Sabi naman ni Yulhi. Na tinanguan lang naming lahat.
Tapos na naman daw yung script. So chineck na lang ni Yulhi habang ako tinulungan ko sila Daryl sa sayaw. Ng matapos kami sa sayaw at si Yulhi sa script at story, tinutukan na namin ang Musical.
Ang kwento? Kami ni Yulhi na magkaribal sa lahat ng bagay. Lalo na sa academics. Dahil lang sa performances na kaylangan sa classroom naging magkalapit kami. Pero nung liligawan ko na kesyo si Yulhi, humindi siya. Na nagpatuloy ulit sa pagiging rivals namin. Hanggang sa nagtapos kami. After a year magkikita ulit kami. Parehas na kaming may magandang buhay at may trabaho. Nung una hindi namin nakilala ang isa't isa dahil matagal na din yun. Pero nung marinig ko yung kinakanta o theme song kesyo namin na pinapakinggan na. Yun na. Pinakita dito lahat ng school rules. At lahat ng meron sa school. Kaya ayos na din.
Matapos ng ilang oras nagpaalam na din kaming magpraktis ng performance naman namin. Akala ko mahihirapan kami pagdating sa sayaw pero ng makita ko yung gracefull at emotion ni Yulhi sa sayaw. Napangaga ako. Nakalimutan kong dance club nga pala to nung elem.
"Ang tagal niyo naman mga besty! Tapos na kami oh!" Angal ng dalawa.
"Kayo kaya pasalihin sa performance ng DrAnceMu." Angal namn ni Yulhi sabay higa sa lapag.
"DrAnceMu?" Sabay na tanong naming tatlo.
"DrAnceMu, in short sa Drama, Dance, at Musical club." Paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
My Adopted Love (On Revision)
Teen FictionAndru James S. Dela Cruz, mayaman, matalino, pogi, mabait, mayabang (well depende), at lahat na ng pangarap mo na ideal boyfriend. Ay na love at first sight sa isang babaeng, simple, maykaya, nerd looking, baduy (dahil sa sobrang kasimplehan) at i...