Yulhi's POV
Usual starting day. Yung iba nagdiscuss na agad. Yung iba naman pakilalahan lang muna tapos nakipagharutan at kwentuhan.
Haay. Ang saya talaga maging highschool. Hayahay ang life! Ng slight.
Gutom na ako. Konti lang kasi kumain kapag umaga eh. Saktong tumunog naman ang bell.
"Tara Yul. Kain na muna tayo." Pag-aaya ni JL.
"Oo nga! Tom jones na akech!" -Zy.
"Same here!"— Rae.
"Teka. Bago pala yun. Samahan niyo muna siya sa office ni Prince." -JL
Nagkatinginan kami nila Zy.
"Bakit?" Tanong ko.
Gutom na po kaya ako T_T. Huhu.
"Ewan. Inutos lang niya sakin yun kanina eh. Sa cafeteria na lang namin ipapaliwanag yung mga kaylangan mong gawin. Sige na. Una na ako sainyo." Sabi ni JL.
"Wait lang. Hindi ba pwedeng mamaya? Tom jones na talaga kameychi eh." -Zy
"Gusto mong mabugahan ng apoy ng isang dragon?" -JL .
"Ay oo nga. Sige na nga. Osha, layas ka na. Babush!" Sabi ni Zy kay JL.
"Oo na. Cafeteria lang ako." Sabi naman ni JL at nauna na nga ng tuluyan.Kami namang tatlo inaayos pa namin yung gamit namin.
"Yul."
Napatingin ako sa pinto kung saan may tumawag sakin. Nakadungaw doon si JL."Dalhin mo na yung gamit mo. I-locker mo na para hindi ka mahirapan. Wala na tayong klase." Sabi niya at ngumiti sakin tapos umalis na.
Tiningnan ko ang relo ko. Saktong 10:00 am palang pala. Maaga pa.
"Tapos na ba yung klase?" Tanong ko sa dalawa.
"Ay, hindi pala namin nasabi. Officers lang ang nandito ngayon. Officers ng clubs. Mga ganon, kaya half day lang."-Rae.
Napatango naman ako.
"Yul!"
Nu bayan! Kaloka ah! Ang daming tumatawag ng pangalan ko ngayon.
Lumingon ulit ako sa pinto.
"Ingat ka." Sabi niya at ng sobrang ngiti, sweet at saka umalis.
Napatitig lang ako kung saan siya kanina. At nagfaflash pa din talag sa utak ko yung sinabi niya.
"Huy Rie. Dalian mo na diyan! Tom jones na kami!" -Rae.
"Ay. Sorry naman! Natulalaey lang sa kaguwapuhan nung lolo niyo!" Sabi niya.
"Si JL?! Kung naging tigasin nga lang kami, naker! Mas pogi pa kami diyan!"— Zy.
"Tumpak ka my dear cousin!" -Rae.
Sabi nito at nag-apir pa sila.Napailing ako sakanila. At isinukbit ang bag ko.
"Magsitigil na kayong mga bakla kayo at tara na. Gutom na din ako." Sabi ko.
"Ay jusko teh! Amin na nga yang mga libro mo! Kasi naman eh, first day of school libro agad?" Sabi ni Zy at kinuha ang iba kong bitbit na libro.
"Oo nga! Liit liit mo na nga ganito pa kabigat ang mga dinadala mo." Dagdag naman ni Rae.
"Ay! Alam na kung bakit!" -Zy.
"Sorry nemen! Malay ko bang officers pa lang pala ang nandito. Samin kasi dala mo na agad gamit mo kasi klase na agad kayo." Paliwanag ko.
"Ay kaloka yang school niyo ah." -Zy.
Kwentuhan overload lang kami pababa. Sa hagdan kasi kami. Ayaw nilang gumamit ng elevator, madami din kasing nakasakay.
BINABASA MO ANG
My Adopted Love (On Revision)
Teen FictionAndru James S. Dela Cruz, mayaman, matalino, pogi, mabait, mayabang (well depende), at lahat na ng pangarap mo na ideal boyfriend. Ay na love at first sight sa isang babaeng, simple, maykaya, nerd looking, baduy (dahil sa sobrang kasimplehan) at i...