Chapter 10- Ice Skating

121 1 0
                                    

Andru's POV

"Anyare senyo ni JL?" Sabi ni Yulhi ng tumabi sakin.

"Boys issue." Tipid kong sagot.

"Ang gulo niyo talaga. Sabagay kasama na yan sa human life. Nahugasan mo na ba yung baso?" Biglang tanong niya. Tumango lang ako.

"Aish! Badtrip ka pa rin ba dun kanina? Wag ka na ngang ma-badtrip dun! Talaga mahilig lang talaga yun manuntok simula nung bata pa kami. Haish amin na nga yang sugat mo sa labi. Tingnan mo oh! Hay nako!" Sabi niya at kumuha ng betadine at cotton buds. At ginamot ang sugat ko.

"Sige na hindi na ko mababadtrip. Sabi ng asawa ko eh." Sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko sakanya.

"Wag mo nga kong tawaging asawa mo. Nakakadiri okay?" Sabi niya at binalik sa lalagyan yung betadine.

"Meron po ba kayong planong umalis dito?" Singit naman ng masunget kong kapatid. Mana talaga sakin to oh!

"Wait lang, baby. Sakay na kayo sa car niyo. Isasara ko lang tong bahay." Paalam niya at chineck ang bahay. Pina-una ko na yung maldita at masunget kong kapatid sa kotse at inintay ko naman si Yulhi.

"Tara na." Bungad ko sakanaya paglabas niya sabay hawak sa kamay niya. Pumapasimple lang.

"Galing mo pumasimple brad! Galing!" Sarcastic niyang sabi.

"Ako pa! Pero mabuti naman at hindi ka na naiilang ka na sakin." Sabi ko sabay ngiti sakanya.

"Buti nga hindi mo ko sinabihang feeling close eh." Sabi niya ta ngumiti ng malungkot.

"Sumakay na nga lang tayo!" Sumakay siya sa tabi ko samantalang si Naomi nasa likod at nakatingin sa labas.

"Ok ka lang diyan Naomi?" Tanong ni Yulhi habang bumabyahe kami.

"Opo." -Naomi-

"San mo gusto gumala?" Tanong ko kay Yulhi.

"Gagala tayo?!" Sabay pa nilang tanong.

"Maka-react naman tong mga to, wagas. Saan nga?"

"MOA tayo Daddy!" Aya naman ni Naomi.

"MOA? Hindi pa ko nakakapunta dun. Mukhang maganda. Sige." Excited na comment ni Yulhi.

"Yehey! Skating tayo ha mommy?! Yes! Makakapag-skate na ulit ako! Yehey!" Tuwang-tuwang sigaw ni Naomi sa likod.

Tss. Ayaw na nga pala ulit siyang ipag-skate ni mommy matapos ng incident na yun.

"Hindi pwede. Kami lang ni Mommy mo ang mag-iiskate. Di ka pwede. Baka itakwil ako ni Mommy." Sabi ko kay Naomi. Dahilan para magtan-trums siya sa likod.

"Huy.Bakit bawal mag-skate si Naomi? Kawawa naman oh kanina pa nagmumukmok." Sabi niya, tumingin naman ako.

Mukhang nagmu-mukmok nga. Haays.

"Tulog lang yan." Palusot ko.

Sumilip ako kay Naomi, at nakita kong may tumulong luha mula sa mata niya.

Sprain. Nasprain siya nung batang bata pa lang siya. Kilala si Naomi dati bilang kauna-unahang bata na napakagaling pagdating sa skating. She was 4 years old in that time. She was in a competition ng biglang mamali yung twist ng paa niya at nagkasprain siya. Dahil sa bata pa siya nun at malambot pa lang buto niya. Ilang buwan siya sa ospital. Magaling na ang sprain niya na yun, but mommy didn't want to happen it again. Kaya hindi na niya pinagskate ulit si Naomi, na mahal na mahal niyang gawin. Alam kong mahirap para sakanya, pero para rin naman yun sa kaligtasan niya.

"Fine. But don't you dare tell it to anyone. At kung mahuli man. Ako ng bahala magpaliwanag." Sabi ko. Kahit naman mahilig ko yang awayin, mahal ko pa rin yan.

My Adopted Love (On Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon