Andru's POV
"Yulhi nasaan ka?" Sabi ko sakanya sa phone.
"Akala ko pinaalam na ako ni Aly na dito na muna ako sakanila? Ipapakilala daw nila ako sa magulang nila, si Aly na din daw ang bahala sa amin para mamayang gabi." Mahabang paliwanag niya.
"Ibigay mo kay Nathaly yung phone." Utos ko.
"Yes my dear prince? Anong kaylangan mo sa magandang ako?" Sabi ni Aly sa phone.
"Wag na wag mong pagsusuotin ng maikli o daring si Yulhi." Banta ko sakanya.
"Oh come on AJ! Ang KJ mo talaga kahit kelan! Kaya bagay talaga sayo ang nickname mo eh! Ayoko ngang sundin yung utos mo! Ciao!" Sabi niya at binabaan agad ako ng phone.
Aba't! Gago yun ha! Masasapak ko na talaga yung babaeng yun kahit na babae siya!
Naglakad ako papunta sa kotse ko.
"J!" Napalingon ako sa tumawag sakin.
"Sa bahay mo muna tayo!" Aya ng barkadang kong full force pa. Pwera lang sa dalawa naming bunso, sa dalawang J, kay Aly, at sa kambal na mukhang may pagkakaabalahan na namang pagpapaguwapo sa sarili.
"Edi sana sa bahay na lang tayo nag-inuman diba?" Pamimilosopo ko.
"Ayaw naman namin nun! Walang thrill!" Sabi ni Bryle.
"Bahala kayo." Sabi ko at sumakay na sa motor ko.
Ayokong gumamit ng kotse kung malapit lang din naman ang pupuntahan ko at wala namang importanteng okasyon.
Hindi katulad ng mga kabarkadang kong nakasunod saakin ay mga naka-kotse pwera lang kay Bryle na agad na nakasunod saakin. Hindi na yun kataka-taka dahil halimaw talaga magdrive ang isang ito. Yung iba naman kasi ay mga magkakasama na sa iisang kotse katulad nila RC, Law, DJ, at Ell na gamit ang sasakyan ni Law. Ganun din sila Darryl, Yukhi, at Kristoff. Si Kristoff malamang na nagtitipid yan sa gas kaya nakikisabay na naman sa dalawa. Kahit kelan kuripot.
"Nana! We're home!" Sigaw na bati ni Toffer pagpasok pa lang ng bahay.
Feeling at home talaga ang mga loko sa bahay.
"Naku! Kristoffer namiss kitang bata ka!" Sabi naman ni Nana na agad lumabas galing sa maid quarters.
"Ano naman pong nakakamiss diyan Nana?" Inis na sabi ni Darryl. Nag-away na naman ang dalawang ito.
"Aba! Tinatanong pa ba yan? Siyempre kaguwapuhan ko!" Mahanging litanya na naman ni Toffer.
Napailing na lang ang barkada sa kahanginan niya. Natawa na lang si Nana Tonya kay Toffer.
"Nana, si Naomi?" Tanong ko.
"Wala pa, makikipaglaro pa daw muna siya kina Nathan sa bahay nila, tutal daw ay nandoon naman ag Ate Yulhi niya." Tinanguan ko lang ang sinabi ni Nana.
"Doon po muna kami sa HQ Nana." Paalam ko na tinanguan lang ni Nana at bumalik na sa maid quarters.
Sumunod naman sakin ang barkada.
"Kaya pala wala ang labidoods mo pre. Nakina Natalya pala." Pang-aasar ni Toffer.
Nginisian ko lang siya. Mga baliw talaga kahit kelan.
Mga nagsisipaglaro lang kami ng playstation dito sa HQ. Sinusulit talaga namin ang araw namin na hindi kami busy dahil alam naming mas mahirap ang taon namin ngayong moving up na kami.
BINABASA MO ANG
My Adopted Love (On Revision)
Teen FictionAndru James S. Dela Cruz, mayaman, matalino, pogi, mabait, mayabang (well depende), at lahat na ng pangarap mo na ideal boyfriend. Ay na love at first sight sa isang babaeng, simple, maykaya, nerd looking, baduy (dahil sa sobrang kasimplehan) at i...