Andru's POV
Ilang weeks at isang buwan na din ang nakakalipas simula noong pumasok kami ulit sa HU. As far as i can see masaya naman si Yulhi.
Pabusy na din ng pabusy ang mga SC at students dito.
"Mam! Ito na po yung pinapabili ninyo! Dalawang oreo cheesecake at dalawang mountain dew." Nakatingin lang ako Yulhi na ginawang utusan ng mga teachers.
"Hi Gov!" Bati niya saakin.
Gusto ko mang matawa ay pinigilan ko at tinanguan na lang siya. Iyan ang tawag niya saakin dito.
Nilahad naman ni Yulhi ang kamay niya.
"Mam walang service fee saka tip?" Tanong niya."Wala." Sabi ni Mam.
Napanguso na lang si Yulhi atsaka umalis.
Hay nako. Kung nanghihingi na lang siya kay Mom ng pambili niya sa online shopping. Matutuwa pa iyong si Mom. Hindi yung kinakawawa niya yung sarili niya. Nagmumukha siyang pulubi sa ginagawa niya.
Muli akong humarap kay Mam ng tawagin niya ako. Muli kaming nag-focus sa pagpaplano para next activities na gagawin at sa paparating na labanan ng mga schools sa manila.
----
Nag-uuwian na halos lahat ng estudyante pero ewan ko sa mga kaybigan kong ito kung bakit ayaw pa nilang umuwi at dinamay pa ako.
Kakalabas ko lang ng CR noong biglang mag-ring ang cellphone ko.
Mas napakunot noo ako noong makita kong si JL ang tumatawag.
Sinagot ko na lang dahil mukhang importante.
'Andru kasama mo ba si Yulhi?'
Bakit ako ang tinatanong nito? Sila nga ang dapat at magkasama ngayong buong araw tapos itatanong niya?
"Hindi ba kayo dapat ang magkasama? Bakit mo tinatanong ang bagay na yan?"
'Shit. Fuck. Sinabi ko na naman kasing samahan ninyo papunta ng garden yun eh!'
Dinig ko ang background niya. Malamang na kasama niya ang ibang scholars. Napapakunot noo na lang ako.
'Andru, nakidnap si Yulhi.'
"What?! Are you insane?! Sa iyo ko na nga ipinaubaya-"
'Mamaya na tayo magtalo pwede? This is a serious matter, at nagtext saakin si baklang Charlie o kung sino man sa tauhan niya. Confirming na hawak nga nila si Yulhi. Tinext niya sa akin-'
"Hintayin mo kami sa front gate ng school. Ikaw ang susundan namin."
Sabi ko at ibinaba na ang tawag.
Tumakbo ako agad papunta sa office ng barkada which is tamabayan namin.
"A+!"
Napatingin at napatigil silang lahat saakin noong sinabi ko yun. Meaning lang nung sinabi ko ay emergency.
"Kinidnap nila Charlie si Yulhi."
Agad nila akong sinundan after i said that.
Tang-inang Charlie yun oo. Bakla talaga amputa. Si Yulhi pa talaga ang napagtripan niyang kidnapin? Kapag talaga ako hindi nakapagpigil doon papatayin ko yun.
Mabilis kaming nagsisakayan sa mga dala naming sasakyan at motor.
Noong makita kami ni JL na padating ay humarurot na agad siya para mauna at ilead kami.
BINABASA MO ANG
My Adopted Love (On Revision)
Teen FictionAndru James S. Dela Cruz, mayaman, matalino, pogi, mabait, mayabang (well depende), at lahat na ng pangarap mo na ideal boyfriend. Ay na love at first sight sa isang babaeng, simple, maykaya, nerd looking, baduy (dahil sa sobrang kasimplehan) at i...