Chapter 25- BAND-AID

24 0 0
                                    

Yulhi's POV

Nang makita ko ulit yung lugar kung saan pinakapaborito ni mommy sa lugar na ito. Hindi ko napigilang maalala siya at malungkot dahil hindi ko na siya kasama dito.

"Yulhi." Tawag ni Andru.

"Ah. Bakit?"

"Wala. Tulala ka kasi." Sabi niya.

"Ah. May naalala lang. Magsisindi lang ako ng kandila doon. Saka magdadasal sa loob nun." Paalam ko. Tango lang ang isinagot niya.

Pumunta ako sa pagsisindihan ng mga kandila. Naghulog ako ng 50 pesos sa donation box. At kumuha ng pitong kandila para sindihan ito.

Nagulat ako ng may kumuha sa iba kong hawak na kandila.

"Tulungan na kita." Si Andru. Nginitian niya ako.

At ang ngiting yun ang nagpapanatag sakin. Ang nakabawas ng lungkot ko kahit papaano.

Hinayaan kong tulungan niya ako sa pagtitirik ng kandila. Pinagtabi tabi namin sila. Nang matapos akong tulungan ni Andru ay umatras siya para hayaan akong magdasal.

Natatawa ako. Dati pumupunta ako dito ng kasama sila mommy. Nagtitirik kami ng kandila para sa mga kapatid ko. Sabay sabay pa naming tinitirik iyon. Pero ngayon. Mag-isa na lang ako. At ang mas nakakalungkot kasama na sila dito sa pinagtitirikan ko.

'Mhe, Dad. Kumusta na? Magkasama ba kayo diyan? Sana oo. Nakikita niyo na ba sila Kuya? Si ate? At si Yukhi? Malaki na ba sila diyan? Pogi at maganda ba sila? Dad, pinatawad na kita. Kaya Lord, wag niyo naman po ilagay sa purgatoryo o sa hell si Dad. Patawarin niyo na po siya. Dad, kahit anong mangyari, mahal na mahal pa rin kita. Mhe, I love you. Please patawarin niyo po si Dad. Sana po kung asan man po kayong lahat. Ayos lang kayo. Bantayan niyo po ako ah. Mahal na mahal ko po kayong lahat.'

Pagkatapos ng dasal kong iyon. Naramdaman ko ang luha na galing sa mata ko. Agad ko iyong pinunasan at nginitian ang mga kandila.

Naabutan kong nakatingin si Andru sa loob ng dasalan.

"Nung bata ako. Ganyan din ako tumingin diyan. Nagtataka ako kung ano bang meron diyan. Hanggang sa nakasanayan kong kapag pupunta kami dito magdadasal kami diyan." Sabi ko napatingin naman siya sakin.

"Tara. Magtirik ka muna ng sarili mong kandila." Hinatak ko siya sa kabilang side na pinagtitirikan din ng kandila.

"Oh." Ibinigay ko sakanya ang isang kandila. Kumuha din ako ng isa at naghulog ng sampu.

Nagtirik na siya at nagdasal.

Napangiti ako ng pumikit siya para magdasal. Sinindihan ko yung kandila ko sa kandila ni Andru at itinabi doon. Tumingin muna ako kay Andru at ngumiti.

'Panginoon, salamat po kasi kahit na dalawang taong napakahalaga sa buhay ko ang nawala. Ang dami Niyo naman pong ipinadala para pasiyahin ako. Salamat po ha. Maraming maraming salamat po. Panginoon, wag niyo po sana silang kunin sakin. Lalo na po ang lalaking ito na katabi ko ngayon. Wag Niyo po kaming pababayaan Panginoon. Sana po tuparin niya ang pangako niya. Salamat po Panginoon.'

Pagkadilat ko. Naabutan kong nakatingin sakin si Andru.

"Tapos ka na? Tara dun sa loob. Doon naman tayo magdasal." Pagyayako sakanya.

Tinanguan lang ulit niya ako. At hinatak ko na siya papasok sa loob ng dasalan.

Nakahanap naman ako ng luhuran na kasya kami ni Andru. At nagsimulang magdasal.

Andru's POV

Pagkaaya niya sakin na magtirik ng kandila. Sinunod ko na lang siya.

Siya nga lang ang laman ng lahat ng dasal ko. Siyempre kasama na rin pala ang pamilya ko at ang mga kabarkada ko. Pero sa karamihan ng dasal ko. Si Yulhi na.

My Adopted Love (On Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon