KABANATA 1

78 5 0
                                    


Daisy 


"Ikaw na magsasara rito, Ate Daisy?" 


Kinuha ko ang trapo at pinunasan ang lamesa, "H'oo, Len, ako na bahala rito." Sagot ko naman. 


"Sige, uwi ka kaagad ha? Samahan ko lang si Mommy maggrocery." Aniya at nagpaalam na.


Matapos kong linisin ang mga lamesa ay dumiretso ako sa kusina para maghugas ng mga pinggan. Dalawang linggo na akong nagtatrabaho rito sa may kalakihang karenderya malapit sa palengke. 


Sabi ni Inang, kaya ayaw niya akong umalis dati ay dahil daw sa mukha ko. Lapitin sa panganib, sabi niya. Pero ngayon, kung suswertehin nga naman. Nagpapasalamat ako na ganito ang mukha ko. 


Mabilis akong nakapasok bilang dishwasher at tagalinis dahil sa mukha ko. Noong una, hinanapan ako ng mga rekwarments, pero dahil ata sa mukha ko, pinapasok pa rin ako ng may-ari ng karenderya. Swerte raw dahil pamparami ng mga dumadayo at kumakain dito. 


Noong una, naiilang ako. Pero, nasanay na rin ako sa mga ngiti at tingin ng mga karamihan lalo na ng mga lalaking kumakain dito. Wala naman silang ginagawang masama sa'kin maliban sa pagngiti at tingin nila. 


Noong Domingo eh bumalik ako sa bundok. Syempre, dala ko ang mga pinamili ko. Mabilis akong nakaipon ng pera dahil maliban sa pagpasok ko rito sa karenderya, inalok din ako ng may-ari na tumira sa bahay nila. Dahil doon ay naging malapit ako kay Len, ang nag-iisang babaeng anak nila. 


Bandang alas nuwebe nang matapos ako at nagsara ng pwesto. Dalawang linggo pa lang ako rito pero sanay na ako sa ingay at bilis ng agos ng buhay sa siyudad. Pero kung ako ang tatanungin syempre, mas pipiliin ko pa rin ang tahimik na kabundukan at kagubatan. 


"Daisy! Ngayon ka pa lang uuwi?" Ani Anti Resha, may ari ng bakery na katabi ng karenderya. 


Ngiti naman akong sumagot, "H'opo. Nauna kasing umuwi si Len kaya natagalan ako." Sagot ko naman. Ngumiti siya sa'kin pabalik at nagulat na lang ako nang kumuha siya ng krimbread sa may estante at binigay sa'kin.


"Napakagandang dalaga. Kahit kailan 'di talaga ako magsasawa na tingnan ka, Daisy! Para ka nga talagang isang bulaklak. Napakaaliwalas." Aniya habang nilalahad sa'kin ang tinapay. Umiling naman ako at biglang nahiya.


"Naku ho, ala nakakahiya ho sa inyo. Noong nakaraang linggo binigyan niyo rin ho ako eh." Nahihiya kong pagtanggi pero mabilis siyang umiling at sapilitang binigay sa'kin ang tinapay.


"Ay wag kang mahiya sa'kin, Daisy! 'Di mo alam pero dahil sa'yo, dumami na ang dayo rito. Dahil puno madalas ang karenderya ni Cynthia eh dito na nakikikain at tambay ang iba. Naku, para kang isang anghel na napadpad dito at nagbigay ng swerte." Mahabang saad ni Anti kaya nahiya ulit ako. 


Dito sa istreet namin na malapit lang sa palengke eh may mga nakahilerang mga establishimento at pwesto. Sabi nila, 'di raw gaano karami ang tao dito na tumatambay at kumakain. Madalas dumadaan lang kasi malapit lang dito ang palengke. Pero simula noong naparito ako eh nagkaroon daw ng pagbabago. 

Limos (Sumilao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon