KATAPUSAN AT SIMULA

23 1 2
                                    

Daisy


Noong araw na nagdesisyon akong bumaba ng bundok, 'yun din ang araw na buo na ang loob kong baguhin ang buhay ko. Ng buhay namin ni Inang.


Dahil doon, hindi ko inakala na isang panibagong mundo pala ang napasok ko. At hindi ko alam na isang malaking pagbabago pala ang naghihintay sa akin.


Mula sa kulong at maliit kong mundo sa itaas, bumaba ako sa isang napakalawak na mundo kung saan paunti-unti akong nabago. Ang tingin ko sa mundo, ang pag-iisip ko, ang mga bagong damdamin naramdaman ko.


"Tang ina, bakit ang ganda mo, kana? May ikagaganda ka pa pala?" Nahagip ng mga mata ko sa repleksyon ng salamin ang papalapit na pigura ni Rose. Napangiti ako nang makitang nanunubig ang mga mata niya.


"Oh bakit ka umiiyak? Nagiging iyakin ka na nitong nakaraang taon, ha." Biro ko pa ngunit mahina niya akong sinapak sa balikat ko.


"Pasalamat ka nakaayos ka. Ayaw kong masira ang gown mo. Baka makabayad pa ako." Komento niya kaya muling natuon ang atensyon ko sa sarili. 


Mangha akong nakatingin sa repleksyon ko. Suot ang puting gown na ang simple pero napakaganda.


Tatlong beses ko na itong nasuot. Unang beses noong naghanap at nagsukat kami ng wedding dress isang buwan na ang nakalilipas, pangalawa last week para tingnan kung may kailangan pa bang alteration na gawin. Ito ang pangatlo at panghuli kaya ang mga emosyon ko ay 'di ko na maintindihan. 


Nakakakaba. Nakaka-excite. Nakakaiyak?


"Teka ayusin ko ang ribbon mo." Aniya at pumunta sa likuran ko. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang puting ribbon na nasa buhok ko.


"Salamat, Rose." Ngiti kong saad at kita kong natigilan siya. Nagtama ang mga mata naming dalawa sa salamin at kita ko na naman ang panunubig ng mga mata niya.


"Salamat, kana. Salamat." Sinsero niyang pasasalamat kaya kahit ako ay nakaramdam na rin na parang maiiyak ako.


Ngunit inambahan niya ako ng suntok, "Sige subukan mo. Gusto mo masira yang make-up mo?" Aniya at natawa ako nang tumingala siya at kita ko ang mabibilis niyang pagpikit para mawala ang luha niya na siyang ginawa ko rin. Para tuloy kaming tanga dalawa.


"Ate Daisy! Rose!" Napatingin kami sa pinto nang pumasok sila Nimfa. Napangiti ako nang makita silang nakaayos, suot ang simple ngunit elegantent rosegold na mga dress. Kita ko rin ang mga puting daisies na nakaipit sa likod ng kanang mga tainga nila.


"Ang gaganda niyo." Komplimento ko. Ang makita silang ganito, ewan pero nagiging emosyonal ako. Nitong mga nakaraang taon, parang naging nakababatang kapatid ko na silang lahat. Naging pamilya ko na sila.


Simula nang pagbaba ko sa siyudad, ang dami kong nakilalang mga tao. Ang dami ring nangyari sa'kin kung saan nasubok ang tiwala at paningin ko sa mga tao.


Kaya nagpapasalamat ako na sa dami ng pagkakataong nasubok ako, may mga taong nagpatunay na tunay sila sa intensyon nila sa'kin. Mga taong 'di ko akalain na mapapamahal ako at matuturing kong pamilya ko. Lumawak ang mundo ko at nagpapasalamat ako dahil sila ang nasa loob non.

Limos (Sumilao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon