Daisy
"Anong... Seryoso ka ba, Mak-mak?" 'Di ko makapaniwalang tanong.
Nakakagulat dahil walang hesitasyon niyang sinabi 'yon. Napakakaswal.
Tumango siya. "Naman. Kailan ka ba uuwi? Paano ka makakauwi? Isa pa, ako ang nagdala sa'yo rito kaya dapat lang na ako rin ang mag-uuwi sa'yo." Sagot niya.
Dahil sa sagot niya ay doon ko lang napagtanto na tama siya. 'Di rin sumagi sa isip ko na wala akong dalang pera kaya talagang 'di ako makakauwi.
"Pero ikaw? 'Diba may trabaho ka? Baka mapagalitan ka." Nag-aalala kong tanong.
Siya naman ay ngumisi atsaka humalakhak. "Ako? Mapapagalitan? Baka si Mak-mak 'to." Sagot niya at humalukipkip pa.
Ah, oo nga pala. Nakalimutan kong wala itong takot sa boss niya. Para ngang siya ang boss kung umasta, 'diba?
Magsasalita pa sana ako nang unahan niya ako.
"Shh, ayos lang ako, Daisy. 'Wag kang mag-alala. Dito ako magpapalipas ng gabi. Sinabi ko na kay Inang mo na 'di kita pababayaan, 'diba? Baka isipin niya, wala akong isang salita." Aniya.
Nang mabanggit ang pangalan ni Inang ay 'di na ako sumagot.
Wala na akong laban doon. At alam kong talagang may paninindigan si Mak-mak at ginagawa niya ang sinasabi niya kaya 'di na ako nagsalita pa.
Lumabas si Angkel mula sa bahay nila na may dalang bitag.
"Manghuhuli kayo, Angkel?" Tanong ko at tumango naman siya.
"H'oo, Isay. 'Di sapat ang lulutuing ulam para sa'ting lahat kaya manghuhuli ako ng kuneho. Gusto mo bang sumama?"
Ngiti naman akong tumango.
Ang tagal na rin nang manghuli ako ng kuneho. 'Di lang pala kuneho. Lahat ng uri ng hayop na nahuhuli namin sa gubat.
"Teka, kuneho? Tama ba ang narinig ko?" Napalingon ako kay Mak-mak.
Tumango ako. "Kuneho nga, Mak-mak. Nakakain ka na ba ng kuneho?" Tanong ko at nagdadalawang-isip naman siyang umiling.
Ako naman ay natawa dahil sa tanong ko. Nakalimutan kong sa siyudad ko nakita't nakilala si Mak-mak. Pero muli namang bumalik sa isip ko ang pagsisibak ng kahoy niya kanina.
Ayan, diyan ka magaling, Daisy. Palibugin mo pa ang ulo mo. Sige, pag-isipan mo pa nang mabaliw ka na sa kakaisip.
Umiling ako para maalis ang palaisipan na nasa isip ko. "Sumama ka kaya sa'min?" Tanong ko.

BINABASA MO ANG
Limos (Sumilao Series #2)
RomanceBagong mundo, bagong buhay. Yan ang tanging layunin ni Daisy nang bumaba siya mula sa kabundukang kinalakihan niya. Ngunit 'di niya naman inasahan na talagang babaliktad ang mundo niya. Sa rami ng engkwento na kanyang naranasan, 'di niya inakala na...